CHAPTER 2

76 8 7
                                    

Sye's POV

*krunch krunch krunch*

"Ano ba yan! Para kang baboy kung kumain. Ang lakas ng nguya mo" Sabay sipsip ng daliri niyang galing sa kinakain niyang Mr.Chips.

"Abaaa... Matunog naman talaga kumain ng chicharong baboy nho. Utak where are you?" Sabay subo ulit ng chicharon na kinakain ko. 

"Fine. Whatever." Sungit mode. What's new?

"Oy pahingi." Napatingin ako sa kanya nang may confused na facial expression

"Wow. First time mong magpaalam na hihingi ka. Usually kasi hindi ka naman nagpapaalam basta basta ka na lang kukuha ng kukuha ng hindi man lang nagpapaalam. May manners ka ba? Tapos minsan makikita ko na lang ubos na pala tap--- ahh uhmmn." bigla ba naman ako sinubuan ng chicharon. Alam ko masarap wag kang magmadali inunti uniti ko nga. Ughed. Bestfriend ko ba talaga to?

"Ano ba?! Marunong ako sumubo no." Kakaasar to. 

"Ang ingay mo kasi. Pahiram nga ng panyo mo!" Makautos

"Ooh ito." At pinunasan niya ang kanyang precious hands and fingers.

"Psh. Laway mo, ewe kadiri ang lagkit." 

"Kanino kasalanan? Sinong nagsabing subuan ako? Shunga lang" Tapos binalik niya na saakin yung panyo ko na puno na nang laway kong malagkit. 

SUS. ANG ARTE NG BESTFRIEND KO! OH GOD WHY?!

"Miss Kyla Shin." Haaaay! 

"Go Kyla! Kaya mo yan." Cheer ko kay Kyla. Para kasing nautangan yung mukha.

"Wala akong alam! Hindi ako nag aral ehh. Patulong.. pleaseee." 

"Miss Kyla Shin are you going to the board or I will mark you 65?" Wala nang nagawa si Kyla kundi ang tumayo at pumunta sa board. Binaggit na ng terror naming Advanced Chemistry teacher yung tanong. 

~Blah blah blah. What is the enthalphy of it?~

"Sheeks. Baka ako ng susunod. Wag sana. Please lord." Sana bukas na lang ako. Di rin ako prepared. Napa kagat labi na lang ako. Ang hirap ng tanong kay Kyla. Lagot. 

"Kaya mo yan. Magaling ka sa Chem eh. Kahit di ka na mag aral." Napaharap bigla ako sa katabi ko. Nabingi ata ko? Kino-complement ako ng oh so loving best ko.

"Haaay. Sana. Pero ayaw ko pang matawag. Di ko kasi alam ang entalphy." 

"Yabang nito oy!" Sabay ng mahinang batok 

"Mean bestfriend! Lagi mo akong binabatukan." 

"Hobby ko yun. Wag ka ng magtaka."

"Mr. Xander Dae-Ho go to the board and answer this." HALA! SI BEST!

"Beeesst ikaw naa."

"Punta ka sa unahan. Doon ka umupo. Turuan mo ako. Dalii."

"Ha-ehh no coaching nga diba?"

"Wag ka lang magpahalata." Unfair si Kyla nga di ko natulungan. Baka isipin nun mas mahal ko si Xander bilang bestfriend kesa sa kanya.

"Ehhhh." Sabay hila niya sa kamay ko. Okay. Wala na talaga akong magagawa.

~The question is blah blah blah blah. What is blah blah blah. Okay, Timer starts now~

"Sht. Ang hirap. Syrieene! Pst uy Sye!" Pabulong niyang sabi. Syempre magiingat baka mahuli kami ng witch.

"Wait lang nga! Nagso-solve pa eh. Intay lang okay." Ano ba to. ang hirap. wait if one molecule is .. okay got it. 

"Ano na? Tagal ah!" Naguutos na lang demanding pa. Ansarap maging BFF nito. 

"Manahimik ka. Magsolve solve ka din kunwari para hindi halata." 

"Wala akong alam okay?" I got it. Kaya niya ako pinuri puri kanina kasi ganito nga. Ako ang pasasagutin niya. Langya talaga 'to!"

"And if the crystalization occurs... okay 3 times 68 divided by 0.81.. Alright! Tapos na." Ngayon paano ko ito ibibigay sa kanya nakatingin pa naman yung witch. 

"Akin na bilis."

"Wait. Pano?" bulong ko ng mahina kasi napatingin kay Xander yung witch

"Ilagay mo sa calculator" Wow. Wise si best!

Nilagay ko na sa calculator yung answer na nasa papel.

"Ahh Xander! Ano ba yan. Naga boardwork ka na may solving tapos wala kang calculator? Ya Babo!" Sabi ko ng medyo malakas sapat lang para makuha ang atention ng iba kong mga katabi at ng witch, para di halata.

"Ayy oo nga. Salamat." At iniabot ko na yung calculator sa kanya.

Habang kinokopya ni Xander yung mga sagot at kunwari pa siyang gumagamit ng calcu kahit hindi naman. Sabay pang pakamot kamot sa ulo na kunwari nahihirapan. Acting. Ang galing. Hahaha. Tss. Napatingin ako sa labas nakita ko yung guard papunta na sa may bell at pipindutin na niya ito. Yes time na! Di ako na abot ng boardwork thank you lord!

*kring kring kriiiiiiiiiiiiiiiiinnnnggg*

Naglabasan na ang iba kong mga kaklase pero naiwan pa kami nila Xander at Kyla dahil....

"Miss Eun Hee!" 

"Po?" Nagulat ako dahil tinawag ako ng witch, e-este ng teacher namin.

"You.. will no longer take the boardwork." What? Nagulat ko. Totoo ba to? Heaven. Thanks lord!

"Ha? Talaga po?" Weird ni Xander nakatayo pa rin siya hanggang ngayon sa likod ni madam. Tama naman yung sagot niya ehh.

"Yup. And you will recieve 65!" O.O WHAAATTT THEE HEEELLL??!

"Hah?! Bakit po?" Naka kunot kong sabi. Halos mangiyak ngiyak na ako. Running for honors ako. Nope! Malaki ang effect nito sa grades ko. Naku Adv.Chem pa naman. Ugh!

"This.." And pinakita niya saakin yung papel na may nakasulat na sagot sa tanong ni Xander. Eh ano diy-- AHHHHHHHH! 

"Ha-eh Mam. Can I explain po?" Sht. Lagot na. Dae-Ho ba't di ka nagiingat?!! -.-

"Your explanation is not needed. Proofs will do. I have eyes Miss Eun Hee. At kahit matalino sa klase ko hindi ko ito papalampasin. This is a form of cheating. Mateknik kayo hah. Calculator pa yung ginawa niyong medium. "

At yun umalis na ang Wicked Witch! Damn! Napakagat labi na lang ako nagpipigil ako ng iyak.

"Sorry.." tapos hinawakan niya ang kamay ko. 

"Sorry naa. Sorry."  Langya ka talaga! Tiningnan ko lang siya ng blank expression. 

"Damn you Dae-Ho!" Kundi lang kita mahal....

Asymptote [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon