Chapter 1 : Venom

17 3 0
                                    

"The young master is missing!"- malakas na sambit ng isang matandang babae na nagsisilbing tagapangalaga sa prinsepe. Yumanig ang buong mansyon sa narinig at nagkagulo.

"Nawawala ang prinsepe!"

"Wala siya sa garden!"

"Wala din sa library!"

"Maging sa antic!"

"Hindi ko din siya makita sa buong mansyon!"

"Hindi kaya.."

"Dapat malaman ng hari!"

Napabuntong hininga ang isang lalaki na na hindi lalayo sa 30 ang edad. Nakamasid ito sa bintana na tanaw ang buong lugar ng kanilang region. Hindi lingid sa kaalaman nito ang nangyayari kaguluhan sa kaniyang mansyon. Each region is governed by a lord. And this region was Lord Xhardes....

"How troublesome.. "

~∆~

Sa kabilang banda ay may isang binatang matiwasay na naglalakad at palinga-linga ang tingin sa lugar na madadaanan nito. Binubusog ang mga mata sa magandang tanawin na makikita. Natatakpan ng isang hood ang mukha nito. Hindi maiwasan mapatingin ng mga tao sa misteryosong binata.

'Sa oras na to siguradong buking na pagtakas ko'

Isip-isip nito. Kumunot ang noo. Hindi maintindihan kung bakit pinagbabawalan siyang lumabas ng lahat ng tao sa mansyon. Kaya naman wala siyang pagpipilian kundi tumakas na lamang. Hindi naman siya papayag na makulong sa lugar na yon.

Napatigil siya sa paglalakad ng may mahinang humila sa damit nito.

"M-ister.. tu-lungan nyo po ako"

Bumaba ang tingin nito sa batang babae na hanggang bewang niya lang ang taas nito. Napakadumi ng mukha maging ang kasuotan nito. Nawalan ng emosyon ang mukha ng binata sa nakita. Lumuhod ito at ipinantay ang mukha sa mukha ng bata. Ipinatong ang dalawang kamay sa balikat nito.

"Anong problema?"- mahina at mahinahon na tanong nito. Malayong-malayo sa tonong lagi nitong gamit.

"Ang ate ko po.."- lumuha ang mata nito. Lumambot ang mukha ng binata sa nakita. Hindi niya inaasahan ang pag-iyak nito. Hindi niya maintindihan kung bakit pero may humahatak sa kaniya na sumama sa bata at napakagaan ng pakiramdam niya dito. Napatayo siya at nagpatangay ng simulang hilahin siya ng batang babae. Pinagmasdan nito ang dinadaanang lugar. Gubat ang tinatahak nilang daan. Hindi pa siya nakakapunta sa lugar na to kaya naman dapat niyang tandaan ang dinaanan kundi ay baka di na siya makabalik. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa bata pero mas mabuti ng mag-ingat.

'Isang bahay sa gitna ng kagubatan? Never heard of it'

Hinila ito ng bata papasok sa bahay. Isang kubo. Maganda ang buong lugar at malinis ang bawat sulok.

Huminto ang tingin nito sa isang dalagang nakahiga sa isang kama. Napakainosente ng mukha neto. May kakaibang nilalabas ang presensya niya na ikukuha ng atensyon mo. Ngunit agad din nangunot ang noo nito ng makita ang bakas ng sakit na nararamdaman ng dalaga sa mukha nito. Nanginginig ang buong katawan ng dalaga.

"T-ulungan niyo po ang ate ko"- rinig ng binata ang mahinang hikbi ng bata.

"Anong nangyari sa kaniya?"

AWAKENINGWhere stories live. Discover now