"Ate buti naman gising kana! Kumusta tulog mo? Hehehe"
Nagmulat ng mata ang dalaga at dahan-dahan na sumandal sa headboard ng kama sa tulong ng nakababatang kapatid nito.
"Paano ko malalaman e tulog nga ako?"
"Hehehehe"
"Anong nangyari?"
Napakamot sa ulo ang bata. Hindi inaasahan ang tanong ng kaniyang nakakatandang kapatid.
'Nagka amnesia kaya siya? Pero sabi ni Kuya Van ayos na siya ah. Hindi kaya nabagok ulo niya habang tulog siya? imposible naman yon. Hindi naman ako umalis sa tabi niya eh. Oh baka naman naglakad siya habang tulog? Hindi din, buong araw ako gising eh'
"Hindi mo po maalala?"- napatingin ang dalaga sa kapatid at nagtaka sa naging reaksyon nito. Ngunit agad nangunot ang noo ng may mapansin. Mas lalo nitong pinagana ang ilong at sumingot-singot.
"Sinong pumasok sa bahay natin?" - naaamoy nito ang mabangong perfume na umaalingasaw sa buong kwarto. "Hehehe sayang nga ate hindi mo siya nakita. May bigla kasing sumundo sa kaniya. Sobrang gwapo niya ate tapos sobrang bait pa"- nagniningning ang matang sambit ng bata. Dumilim ang mukha ng kaniyang ate na ikinangiwi nito.
"You let him in?"
Dawn was kind but when it comes to this. Hindi niya maiwasan magsungit.
"Ate naman. Wag mo naman ako inglesyin"- nakangusong sambit nito "isa pa, ako po nagpapasok sa kaniya. Wala ka ba talaga maalala ate? Kinagat ka ng ahas at siya ang naglitas sayo. Kung nakita mo lang ate, sobrang galing niya. May sinipsip siya sa nakagat mo ate, lason ata tawag don. Tapos pinagaling ka niya ate"
Huminga ng malalim ang babae at pilit inalala ang nangyari.
'Maybe I should thank that guy who saved me. I owe him one'
"Kilala mo siya?"
"Si kuya van nga po ate"
"Pangalan lang alam mo?"
"Hehehe opo ate, nakalimutan ko po itanong kung saan siya nakatira. Sinundo po kasi siya agad hehe"
Napatahimik ang dalaga at napangite na lamang. "Halika dito" walang imik na lumapit ang batang kapatid na si Amber. Walang pasabing niyakap siya ng ate dawn niya."Thank you for saving me" biglang malakas na umiyak ang bata. " A-te naman ih! Pinag-alala mo ko ng sobra huhuhu. Alam mo n-amang ikaw nalang n-atitira sakin. Wag mo ko iiwan ate huhu"
![](https://img.wattpad.com/cover/221660948-288-k869661.jpg)