Chapter 3 : Second Met

4 3 0
                                    

"Darn it, wrong move"

Pinalibutan si Dawn ng mga ibat-ibang klase ng mababangis na mga nilalang. Pinakiramdam niya ang paligid. Apat sa puno, sampo sa lupa, lima sa himpapawid. Sa oras na to, sobrang naiinis siya. Gusto niya lang makaalis ng malaya at tahimik! Bakit hindi siya magawang mapagbigyan?

"Ayokong saktan kayo" - mahinahong sambit nito. Sinabi niya ito na para bang maiintindihan nila ito. Hindi niya ito tinuturing na mga halimaw na gaya ng tingin ng iba. They can think, have a heart and decide what they will do. Ayaw niyang makapanakit hanggang maari. Ang tanging nasa isip niya ay makaalis at makabalik sa bahay nila. Kailangan niyang balikan ang kapatid niya dahil ramdam niya ang patuloy na pagsubok sa pagsira sa barrier na ginawa niya. The creatures become aggressive when the bloodmoon strikes. Matagal na silang nakatira sa kagubatan na ito. Alam niya ang mga galaw at kung paano mag-isip ang mga hayop na nakatira dito. Pero sa oras na ito, walang nasa ibang isip ang mga ito kung hindi maghanap ng prey nila at pumatay.

"You leave me no choice"

Sambit nito ng magsimulang sugudin siya ng mga ito. Tumalon siya ng mataas at inakyat ang puno hanggang sa makapunta sa tuktok ng pinakamataas na puno. Iniwasan niya ang bawat uwak na sumusugod sa kaniya. Napakaliksi ng galaw nito. Ang lima na bilang niya kanina ay agad dumami. Dahil sa ginawang pag-ingay ng mga ito at mas lalong dumami ang mga gustong kainin siya.

Inilabas niya ang flute na lagi niyang bitbit. Huminga ito ng malalim. It may consume a lot of mana but she don't have a choice. Masyadong marami ang kalaban niya at wala siyang oras para kalabanin ang lahat ng to. Inilapit niya ang bibig sa tuktok ng kaniyang flute at nagsimulang umihip. Unti-unting nagsitumbahan at nakatulog ang mga hayop na nakakarinig sa tunog na inilalabas na kaniyang instrumento. Na para bang hinehele ka, napakagandang pakinggan. Tumigil siya ng makitang sapat na ito. Ramdam niya ang panghihina niya pero hindi niya ito pinansin at tinalon ang mga puno hanggang sa makarating siya sa kanilang bahay. Maging ang mga hayop na kanina ay sinusugod ang barrier ay ngayo'y nakahiga na at nakatulog. Barrier nalang ang natitira sa kanila ngayon at yon nalang ang pag-asa niya. Napakalawak ng sakop ng kapangyarihan niya, buong kagubatan ang naapektuhan kaya naman na deplete ang mana nito. She did it for the safety of everyone and especially of her sister. Maaaring makalabas ang mga ito sa kagubatan at sugudin ang mga taong naninirahan sa labas at pwede ding masira ang barrier na ginawa niya kapag nahuli siya ng dating. Pagkapasok niya ay nadatnan niya ang kaniyang kapatid na naghihintay sa may sala. Hindi ito tinablan ng kapangyarihan nito. It maybe because of the barrier she made for her sister itself. May barrier na nakapalibot sa katawan ng kaniyang kapatid.

"Ate san ka galing? Blood moon na naman. Biglang tumigil mga hayop sa labas ate. Narinig ko plut mo ate ang ganda pakinggan" - yinakap ni Dawn ang kapatid ng makita ang pag-aalala sa mukha nito ngunit agad ding ngunite "matulog kana ulit"

"Hindi mo ko iiwan diba?"

"Of course not"

"I lab yu ate" -mahinang sambit nito. Unti-unting pumikit ang mata nito hanggang sa makatulog sa kaniyang balikat. Binuhat niya ito at marahan na ibinaba sa kama. Hinalikan ang noo nito

Ramdam niya ang panghihina hanggang sa makita niya nalang ang sarili niyang nakahiga na sa sahig. Nagdilim ang paningin niya hanggang sa mawalan ng malay.

"I over do myself again"

~∆~

Nagising si Amber na nakahiga ang kaniyang nakakatandang kapatid sa sahig. Simula ng tumira sila dito sa kagubatan hindi na bago sa kaniya ang ganito pero hindi parin niya maiwasan mag-alala para sa ate niya. Lagi nalang siya nawawalan ng malay kapag ginagamit ang flute nito.

"A-te ang bi-gat mo"- sinubukan niyang buhatin ang ate niya. Napanguso ito ng hindi siya nagtagumpay. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Amber ng may kumatok sa pinto nila. Hindi niya alam kung paanong may napadpad sa lugar nila dahil simula ng tumira sila dito sa kagubatan ni isa ay walang nakapunta, pero kahit sa ganon ay napagdesisyonan nitong pagbuksan ang taong kumakatok.

Lumiwanag ang mukha ni Amber ng makita ang taong nasa labas ng kanilang bahay.

"Kuya Van!"- napawi ang ngite ng batang si Amber ng makita ang pagod na itsura ng binata. Hinihingal ito na akala mo ay sumali sa marathon. "K-uya ano pong nangyari sayo?"

Napahawak ito sa tuhod niya

"Pwede bang papasukin mo muna ko?"- mahinang sambit nito. "Hehehe sge kuya pasok kana"

Tumabi si Amber kay Kuya Van niya.

"May humabol ba sayo kuya?"

(Nod)

Walang pakialam ang bata kung paano nakapunta ang binata sa bahay nila. Ang mahalaga nakita niya ulit ang crush niya hihihi.

Lumibot ang tingin ni Van.

"Asan ate mo?"

"Nawalan po ng malay"

"Hah? Bakit na naman?"

Napakunot ang noo ng lalaki. Coincidence bang lagi nalang niyang nakikitang walang malay ang babae? This is the second time she met the girl.

"Sakto dating mo kuya, patulong po hehehe" - muli ay hinila na naman ito ng bata. Dinala siya nito kay Dawn. Nakita niya ang dalaga na nakahiga sa sahig.

Awtomatikong gumalaw ang katawan niya at binuhat ang babae at marahang inihiga sa kama na katabi nito.

"She depleted her mana"

"Hehehe kuya doktor ka po ba?"

"Hindi"

"ang galing niyo po kuya, lagi niyo pong pinapagaling si ate"

"Isang beses lang"

"Idol na kita kuya hihihi"

Ngumite lamang si Van.

Muli ay naalala nito ang nangyari kanina.

Flashbacks

"Young master"

Hindi pinansin ni van ang lalaking tumatawag sa kaniya at nanatiling nakapikit. Ang lalaking tumatawag sa kaniya ay isa sa kaniyang mga tagapagbantay. Ang pangalan nito ay Miya Scarlett, an Archer.

"Lord Xharles wants to see you"

(Silence)

Alam ni Van kung bakit siya gustong makausap nito at ayaw niya ang patutunguhan ng pag-uusap nila. Kaya naman mas pinili nitong manahimik at wag pansinin ang lalaking tagapagbantay.

"Such a jerk, bakit ba kailangan ako pa ang mag-adjust? Ikaw ang tinawag ko pero ako pa ang pumunta"

AWAKENINGWhere stories live. Discover now