CHAPTER:13

6 0 0
                                    

TITLE : BULLY ME NOW THEN WAIT FOR THE SWEETEST REVENGE
📝AUTHOR : (ME)
GENRE : MIX

--CHAPTER 13--

9:00am

~KRINGGGGG ~KRINGGGGG

(bumungad kay Lala ang video nang pagtatalo nila ni Celestine at iba pang video ng pananakit ni Celestine kay Lala at kumalat  ito sa social media na may samut-saring mga komento at reaksyon nila kay Celestine"

"hindi ba pinalaki ng maayos yan?"

"siguro ganyan din mga magulang nyan"

"anak ba yan ni Mr.Cuevas yung may ari ng kumpanya?"

"dapat dyan sinasaktan rin" -ilan lang yan sa mga masasakit na salita na natanggap ni Celestine

"kamusta kaya si Celestine?"
-pagaalala ni Lala

(naibalita rin ito sa tv dahil kilala ang kanilang pamilya)

(Shereen's call)

SHEREEN : Lala nakita mo na ba yung video nyo sa facebook?

LALA : Oo , nag-aalala ako para kay Celestine

SHEREEN : nag-aalala kapa dun? ang daming kahayupan na ginawa nya sayo

LALA : kahit na ginusto kong mag-higanti pero hindi sa ganong paraan

SHEREEN : ano ng gagawin mo ngayon?

LALA : kailangan ako ni Celestine kakausapin ko sya

SHEREEN : sira kaba? as if mamang makikinig yon sayo?

LALA : susubukan ko kaya sige na mamaya nalang

SHEREEN : sige

(kaya naman sinubukan ni Lala kausapin si Celestine para malaman kung anong kalagayan nito)

(on phone)

LALA : hello

CELESTINE : si-sino 'to? -boses na para bang kagagaling lang sa iyak

LALA : ah Celestine ako 'to si Lala

CELESTINE : may gana ka pang tumawag? bakit ipapamukha mo saken na nanalo kana?

LALA : hindi sa ganon gusto lang kitang kamustahin kung okay ka lang ba?

CELESTINE : hindi ako okay ano masaya kana? galit saken pamilya ko halos itakwil na nila ako -umiiyak na sabi nito

LALA : nandito ako Celestine makikinig ako

CELESTINE : shut up! just celebrate your victory alam kong tuwang tuwa ka ngayon sa mga nangyayari saken

LALA - hi-hindi......

(napa hinto si Lala sa sasabihin nya dahil narinig nya ang sigaw ng daddy ni Celestine)

"walang hiya kang bata ka! dinala mo nanaman ako sa kahihiyan hindi mo na inisip kung ano nalang sasabihin satin ng ibang tao" -sigaw ng daddy ni Celestine

"so-sorry dad" -umiiyak na sabi ni Celestine

"sorry? hindi mo alam Celestine kung anong mga nawala satin at hindi rin naten alam kung San tayo pupulutin ng kahihiyan na ginawa mo"

"Dad I'm sorry inaamin ko na nagkamali ako" -Celestine

"napanood mo ba yung balita? nandon lang naman yung kahihiyan na ginawa mo. yung mga reaksyon ng tao mga sinasabi ng tao about sa pamilya naten kinahihiya ko na naging anak kita!"

(rinig na rinig ni Lala ang iyak ni Celestine dahil nakalimutan nito
patayin ang tawag ni Lala"
____________________
--To be continued---

Bully me now,then wait for my sweetest revengeWhere stories live. Discover now