PROLOGUE

177 7 1
                                    

Felecity POV

Naghihintay akong huminto ang train habang nakikinig ng music sa headset ko ng may mapansin akong nagkakagulo sa hulihang bahagi ng station. Naglakad ako palapit doon habang tinatanggal ang headset na nakapasak sa tenga ko.

"Anong nangyari 'dun?"

"May holdapan daw tara tingnan natin!"

May holdapan daw pero sa halip na tumawag ng tulong or lumayo sa lugar na 'yun, pinili pa nilang maki isyoso? Like what the!? Mga chismosa-chismoso nga naman.

Psh.

"Huwag kayong lalapit! Tutuluyan ko 'to!"

"Tumawag kayo ng pulis!"

Naaninagan ko ang isang lalaking may sakal sakal na babae, bakas ang takot sa mukha nito. Tss, sino ba naman ang hindi matatakot kung may nakatutok ba naman na patalim sa leeg mo?

Typical hostage scene.

"Tabi!"

Napabalik ako sa wisyo dahil sa pagsigaw at pag wakli saakin ng isang lalaking humahangos sa pagtakbo.

"Huwag mong sasaktan ang kaibigan ko!" Sigaw nito na bakas ang takot at pangamba sa kanyang kaibigan. Napatingin sa kanya ang mga tao.

Nakarinig rin ako ng mga mabibigat na yabag papunta dito.

Tinatamad akong manghimasok ngayon sa gulo. Sigurado naman akong hindi nito sasaktan ang babae, nakikita ko ito sa mga kilos na.

"Andiyan na mga police!"

Ngunit hindi ko inaasahan ang pagkakaipit ko sa mga nakakaisyosong tao. Halos magpa ikot ikot na ako at napapikit sa sari-saring mga amoy ang nanunuot sa ilong ko!

Nyeta!

Nakahinga naman ako ng maluwag ng maramdaman ko ang maluwag na espasyo. Dinilat ko ang aking mga mata pero halos at mapa nganga ng marealize ko na sa gitna na pala ako kung saan ang hostage na nagaganap.

Nakikita ko ang mga matang nagtatakang nakatingin saakin.

"Baliw ba 'yang babaeng yan"?

"Kasabwat ata yan eh."

Tiningnan ko ng masama ang mga taong iyon at bumaling sa likod.

"Sino ka?! Bakit ka nandito?!" Nanginginig na tanong ng lalaki.

"Relax lang okay?" Sabi ko.

"Huwag kang magkakamali!" Saad nito habang nakatutok saakin ang kanyang patalim hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at mabilis na hinawakan ito sa mag pulsuhan at pinalipit ito dahilan para mabitawan niya ang patalim.

Buong lakas ko siyang inihilig sa likod ko at buong pwersa ba ibinalibag sa sahig.

Narinig ko naman ang kanyang pagsigaw dahil sa sakit.

Mabilis kong sinipa ang patalim sa malayo at inipuan ang kanyang likod.

Narinig ko ang pagsinghap ng mga taong naririto.

Napahilamos naman ako ng aking mukha.

"Kami ng bahala dito."
Napatingin naman ako sa isang officer na papalapit.

Kaswal akong tumayo sa pagkakaupo at kinuha ang bag ko na nasa sahig.

"Shit ang cool niya!"

"Student ba siya?"

"Sana sa school din siya nag-aaral."

Napansin ko naman ang dalawang magkaibigan na ngayon ay kinukuhaan na ng statement sa kung ano man ang nangyari.

Student Undercover (On Going)Where stories live. Discover now