Felecity POV
"4:00 pm"
Maaga yung dismissal namin ngayon.
Mamayang alasingko nalang ako pupunta ng headquarters.Napagdesisyunan ko munang maglakad-lakad wala naman akong gagawin eh.
Naglakakad lakad lang ako ng mapansin ko 'yung isa sa mga ugok at pabalas ng 7/11.
Saan naman yung dalawa niyang kasama? Tsk
Nagsimula itong maglakad habang naka headset at may kung anong tinitipa sa kanyang cellphone habang sa kabilang kamay naman ay isang yakult. Kahit malayo ito ay malinaw parin naman saaking paningin.
Napatingin naman ako sa mga sasakyang dumadaan. Buti nalang hindi traffic sa part na ito.
Bumaling uli ako sa harapan at nagtaka ng makita kong wala na siya.
Kakapagtaka naman, saan naman iyon nagsusuot?
Hindi ko alam pero agad akong kinutuban. Tumakbo ako at napahinto ng makita ko iyong yakult na binibitnit niya kanina na nasa semento at may laman pa.
Halos mapamura ako ng matandaan na maraming holdaper or snatcher na pagala - gala sa area na ito. Agad akong napatingin sa kaliwa ko ng may makitang eskinita.
Nagdali dali ako sa pagpasok doon at lumiko at hindi nga ako nagkakamali.
"Ano ba bata, ibigay mo na kasi, kung ayaw mong masaktan."
"Ayoko! Tulong!"
"Hahahaha. Walang makakarinig sayo dito!"
Kukunin ko na sana yung baril ko pero hindi pala pwede. Agad akong nagdial ng pulis pero walang signal! Kung tatakbo pa ako palabas ng eskinita baka kung anong gawin ng tatlong lalaki sa batang 'to.
Bahala na, nagtext ako sa police at inilagay ko ang lokasyon ko kahit hindi ako sigurado kung magsesend.Agad akong napalinga sa paligid ag agad na sinipa ang trashcan dahilan para gumawa ng malakas na ingay at nabaling ang atensiyon nila saakin.
"Sino ka?!"
Nakita ko naman ang panlalaki ng mata ng bata. Bata kasi maliit eh.
Naglakad ako palapit habang hawak hawak ang strap ng bag ko.
"Naligaw lang mister." Kaswal na saad ko.
"Kasama mo ba iyan?!" Galit na tanong nito saakin habang nakaturo doon sa kaklase ko. Pasensiya na 'di ko alam pangalan eh.
"Yan?" Tanong ko habang tagilid na tiningnan ito.
"Hindi?" Dugtong ko pa.
"Pinagloloko mo ba kami?! Eh pareho kayo ng uniform!" Sigaw nito.
"Alam mo naman pala eh." Saad ko at bigla ko itong sinuntok.
"Takbo!" Sigaw ko at nagmadali naman ito sa pagtakbo.
Napahawak naman ito sa dumudugo niyang ilong at bago pa man ito sumugod saakin at binigyan ko na ito ng isang malakas na sipa dahilan para mapasalampak ito sa lupa.
Susugod na sana ang dalawa pa ngunit napatigil sila sa sirena ng pulis na papalapit kaya madali nilang kinaladkad ang isa nilang kasamahan. Napangisi naman ako at pinagpagan ang suot ko.
Tumalikod na ako para lumabas ngunit napaatras ako sa gulat ng makita ko 'yung kaklase ko na nasa likod ko pa pala.
"Ang galing mo doon Fele."
"Ano ba? Sabi ko takbo diba?!" Naiirita kong saad sa kanya at lumabas ng eskinita.
"Fele! Wait!" Tawag nito at sumabay sa paglalakad ko.
YOU ARE READING
Student Undercover (On Going)
ActionFelecity Greyson, one of the youngest agent officer in the red lock agency. She has been given an undercover mission in Weston University and she will be able to unlock all crimes leading to the death of her parents. Meet Felecity Greyson a Stude...