Felecity POV
Humarap ako sa salamin at tiningnan ang kabuuan ng mukha ko.
Today is the second day of school, kung kahapon ay orientation, ngayon naman ay simula na siguro ng klase.
Hindi ko alam kung bakit magsusuot na kami kaagad ng uniform, basta pagkarating ko kahapon sa bahay ay may nagdeliver ng uniform at ito ay galing kay tito at isuot ko raw ito ngayon.
Wala naman akong magagawa kung ito talaga yung rules ng school and as a student kailangan ko itong sundin. Psh
Bumaba na ako at as usual isang katahimikan ang bubungad saiyo sa sala.
Napabuntong hininga ako. Ilang taon rin ang nakalipas.
Dumeretso ako palabas ng bahay at isinarado ang gate. Nasanay na ang sikmura kong hindi na mag-almusal tuwing umaga.
Naglakad lang ako palabas ng subdivision at tumungo sa bus stop.
Marami rin akong nakikitang mga estudyanteng naglalakad ag nag-aabang kaya dapat maaga ka pa kasi punuan.
I swiped my card at humanap ng mauupuan.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makaupo ako at naagaw kaagad ng pansin ko ang isang maliit na telebesiyon dito.
"Laganap na ngayon sa ating lugar ang mga holdapan at nakawan kaya pinag-iingat ngayon ng awtoridad ang mga taong nagcocommute lalong-lalo na ang mga estudyante."
Base sa report ay ngayong taon ang may pinakaraming kaso na natatanggap ng headquarters sa buong lungsod. Ang ikinababahala nila ay baka maulit muli ang bombing sa isang mall dito limang taon na ang nakalipas at hindi pa ako ganap na officer noon.
Huminto ang bus sa tapat ng university. Kaya halos mawalan ng pasahero 'yung bus dahil lahat ay puro estudyante. Bumungad saakin ang mataas na pader ng unibersidad na sa tingin ko ay hindi kayang akyatin ng tao maliban nalang kung may hagdan o kung ano mang mga gamit pang-akyat.
Marami ring nakainstall na security cameras sa bawat sulok ng unibersidad.
Dumeretso na ako papasok at parang dumoble ang bilang ng mga estudyante kahapon. Kunsabagay freshmen palang yung kahapon at ngayon ay halos lahat na ng mga estudyante ng university.
Umakyat ako ng secondfloor. Halos magsiksikan kami sa hagdanan.
Pagkarating ko ng secondfloor ay dumeretso kaagad ako sa silid kung saan kami magkaklase.Bukas ang pinto kaya nakita ko ang mga kaklase ko na nandoon na. Kaswal akong pumasok at mabuti na lamang at walang nakaupo sa upuan ko kahapon.
Marami paring mga bakanteng upuan lalong lalo na sa tabi ko. Ako lang yata ang may gustong umupo dito sa likuran ah.
Nakatunga-nga lang ako dito, ni hindi ko nga alam kung saan ko uumpisahan ang imbestigasyon, bakit may ganitong undercover pa kasi, mukhang gagraduate ako dito ng hindi ko matatapos itong imbestigaston.
Hay buhay~ buti kong may kinalaman ito sa sa nangyari limang taon na ang nakalipas eh wala naman ata. Ano pang kabuluhan ng pagiging isang agent officer ko kung kahit minsan ay hindi pa nabubuksan ang imbestigasyon tungkol doon.
Napapatingin naman ako sa mga estudyanteng dumadaan sa hallway ng mapansin ko sina Lia, ganun din sila kaya kumaway ito saakin at nginitian ko naman sila.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko kaya kinuha ko ito.
From: Sarge
Message: Felecity, pumunta ka rito mamayang 5pm sa headquarters, tungkol ito sa misyon mo.
YOU ARE READING
Student Undercover (On Going)
ActionFelecity Greyson, one of the youngest agent officer in the red lock agency. She has been given an undercover mission in Weston University and she will be able to unlock all crimes leading to the death of her parents. Meet Felecity Greyson a Stude...