We went to a party last night with my parents that's why I woke up late kaya naman dali-dali akong nag-ayos ng sarili at nagpagawa na lang ng sandwich kay Manang at habang nagdadrive ay ayun ang kinakain ko.
It went smooth at iniisip ko na lang na nakikiayon sakin ang tadhana dahil bukod sa late na ako ay major pa ang first subject today at terror si Mr. Lim
"Ms. Bellen." Saktong pagtapak ko sa may pinto ay tinawag ang pangalan ko.
"Present, sir!" Tumaas ang kilay niya ngunit nagpatuloy sa pagtatawag kaya nakahinga naman ako ng maluwag.
I went straight to my seat and the discussion went on.
When lunch break came, I went to the cafeteria with Ellein and Airh which became my friends since I was in junior high.
"A, bakit ka late kanina?" Ell asked habang wala si Airh dahil siya ang nakatokang bumili ng pagkain namin ngayon.
"Err..as usual, sinama na naman ako nila mom sa isang party na hindi ko alam kung anong cinecelebrate at kung sino man ang celebrant." Sabay kaming natawa. Sanay na silang dalawa sakin kasi sa kanila ako palaging nagrarant.
"Just understand them. Para sayo din naman yang ginagawa nila." Pagpapaliwanag niya.
"Ell, you know me. Hindi ako yung tipong nakikipagsabayan sa mga socialite about what's trending or such or who's this and who's that." Sagot ko naman habang nakatingin sa malayo.
Naiisip ko minsan na sana nabuhay ako sa isang normal na buhay. My parents are perfect, but the way they want me to live my life? Dun kami laging nagtatalo. They want me to hang out with Diego Saj, Mari Illo at kung kani-kanino pa. Kilalang-kilala sila dito sa school at ayokong madikit sa kanila, simply because I hate attention.
Di ko kailangan ng napakaraming allowance at branded na mga gamit. Nagkukusa lang ang parents ko na ibigay sakin yon. Ginagamit ko naman, pero dahil sa madalas na pagpapalit ng mga gamit, ipinapa-post ko kay Airh sa ig ang mga pinaglumaan ko (which is basically di naman luma talaga) since nagbebenta siya ng pre-loved clothes at ibinibigay niya sakin ang pera. Na iniipon ko naman.
I'm not an only child. I have Kuya Piolle and he's studying abroad. One year na lang uuwi na siya. We're very close pero ngayon hanggang video call lang kami.
"Earth to Ari Llana Bellen. Yuhoo!" Sabay wagayway ng kamay ni Airh sa harap ko.
"Okay, sorry. I was just thinking kung anong magandang gawin ngayong summer. Halos nagawa ko na lahat. Nag beach, skydiving, travelling here and abroad, ano pa bang di ko nagagawa?" Tanong ko sa kanila.
Pakiramdam ko kasi'y magiging boring ang summer ko kung wala na naman akong activity na gagawin.
"Bar hopping!" They both shouted and giggled.
"Guys, you know I don't do that." Napapabuntong-hininga kong sagot sa kanila.
"Make friends, darling ano ba. Wala kang ibang kasama kundi kami na lang palagi. Samin na umiikot mundo mo bukod sa bahay niyo. Sawa na ako sa mukha mo." Sabi ni Ell
"Joke!" Segunda niya nang tiningnan ko siya ng masama habang natatawa.
"A, alam mo bang isa ka sa trend setter dito sa school? Baka di mo din alam na sikat ka ah inform lang kita. Pero alam mo kung bakit di sila makalapit sayo?" Tumataas taas pa ang kilay na sabi ni Airh.
"Bakit?" Takang tanong ko. Wala naman kasi akong makitang dahilan para di nila ako pansinin. Approachable naman ako. Ilag lang talaga mga tao sakin dito.
"Ang taas kasi ng tingin nila sayo." Biro ni Ellein.
"Gaga hindi. Kasi naman, masyado kang mataas sa tingin ng lahat. Kulang na lang red carpet kapag ikaw naglalakad sa hallway. Tapos alam nilang mamahalin lahat ng suot mo from head to toe." Nagbibilang pa sa kamay si Airh.
"Tapos president ng iilan sa mga clubs. Laging nananalo every year sa debate, kasali sa swimming team. Lastly, campus journalist pa!"
"Walang nanliligaw sayo kasi takot lang nilang matapakan ego nila noh. Mga babae naman, di ka madikitan o matapakan kasi alam nilang kayang-kaya mong lumaban. Ang lakas ng personality mo teh!" Exaggerated na tumawa ang dalawa."Hmm.." Tila nag-iisip at talagang nakahawak pa sa may baba niya si Airh.
"I wonder who could tame you." Dagdag niya pagkatapos.
"Hay nako, ang hilig niyo talaga akong pagtripan at asarin noh? Alam niyo naman hilig ko diba? Mag-aral lang. Magbasa tas after maggym lang ako kasi summer na!" Excited at natatawa kong sagot sa kanila.
Nagkatinginan na lang ang dalawa at sabay na napailing.
I also wonder, who could really tame a woman like me?
BINABASA MO ANG
Rewriting Fate
FanfictionThe day he left me was also the day that I promised myself not to love ever again. This would (not) be our story.