THE REAL HIM

372 9 0
                                    

Darleen's POV

"I'm heading to work now honey." saad ni Wilson.

Masakit ang buong katawan ko dahil sa ilang beses na pag gamit sa akin ni Wilson. Daig ko pa ang binugbog sa sobrang sakit, peru pinipilit kong ngumiti dahil baka ganito lang talaga ang bagong mag asawa. Baka sobrang sabik lang niya sa akin dahil pinaghintay ko siya.

"T-take care honey." saad ko habang kinakabahan dahil palapit siya sa akin, nakaramdam ako ng takot.

"You'll stay in the house till I come home alright? There's food in the fridge, you can cook whatever you want." saad niya bago ako hinalikan sa labi at saka umalis.

Pagka alis na pagka alis niya ay naglibot ako sa buong bahay. Sobrang laki ng bahay, bukod sa kwarto namin ay may dalawa pa palang kwarto sa second floor, sa ibaba naman ay may isang kwarto. May malaking kusina, living room, may opisina at parang sinehan na may limang upuan.

Isang businessman si Wilson, hindi ko lang alam kung anong negosyo ang meron siya peru sa bahay na meron ito, malamang ay sobrang ganda ng takbo ng negosyo niya.

Merong swimming pool sa labas at garden kaya sinubukan kong lumabas peru naka lock ang pinto sa may kitchen na patungo sa may pool area. Sinubukan kong buksan ang main door at ang pinto sa taas palabas sa terrace peru naka lock din. Napuno ng katanungan ang utak ko, peru agad ko itong inalis at inisip na baka natatakot si Wilson na pasukin ako ng magnanakaw dito kaya siniguro niyang nakasara lahat ng pinto.

Pag uwi ni Wilson kinagabihan ay siniguro kong nakahanda na ang haponan niya. Sinigang, simula nang matikman niya ito noon ay naging paborito na niya ito kaya ito una kong niluto.

"I prepared dinner for you honey." bati ko sa kanya sa pinto.

"I'm in a very bad mood, I don't want to eat." saad niya saka nilampasan ako at umakyat sa taas.

Baka may problema sa trabaho niya. Nagmadali akong pumunta sa kusina para ipagtimpla siya ng kape na agad kong inihatid sa kwarto namin.

"I made coffee for you." saad ko habang siya naman ay nakahiga sa kama at tila sobrang lalim ng iniisip.

"I said I'm not in the mood!" napipikon niyang saad.

"But you should eat." nakayuko kong saad kaya hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya saka hinablot sa akin ang tasa ng kape at itinapon sa gilid.

My Wife Is A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon