Maria
"Ako nalang ang pupunta dyan.."
Simpling salita pero nanginig ang kalamnan ko. Hindi agad ako nakahuma sa sandaling iyon. Tumalikod na ang lalaki kaya nabitin sa ere ang sasabihin nya sana.
Kinakabahan sya sa hindi alam na kadahilanan. Bakit pupunta pa ito dito? kung pwedi naman nya itong dalhan nalang. Ano ba dapat ang gawin nya sa sitwasyong ito? Ayaw nya namang maging bastos at wag papasukin ang isang yun. Ipiniling nya ang isiping iyon at kumilos na. Baka sa sandali ay naroon na ang lalaki.
Hindi nga sya nagkamali ng may kumatok sa kanyang pinto. Bahala nanga.... Dali-dali nyang binitawan ang pitsel at tinungo ang pintuan. Pag bukas nya ay sumalobung sa kanya ang gwapong mukha ng lalaki. Naka bihis na ito ng itim na shirt at blue short na panlalaki. Sya naman ay simple lang din naka white shirt syang malaki at naka jogging pants na green.
"Hi... good evening" bati nito sa kanya. Napakurap naman sya agad at pumapasok ito. Ng nasa loob na sila ay doon palang nya nabati ito.
"G-good ev-evening din.." para itong isang hari kung umasta. Naka panloob pa ang dalawa nitong kamay sa bulsa ng shorts nito. Mahihiya kang kausapin ito.
"Your house is nice...i like your furniture.." saad nito pagkatapos nitong ipinalibot ang paningin sa bahay nya.
"Ah.. salamat.. " alinlangan kung tugod dito.
Iginaya kuna sya papuntang dining. Hindi kalakihan iyon dahil mag-isa lang naman ako. Umupo na sya sa kanang bahagi ako naman sa kaliwa. Dalawang dish ang niluto ko kanina lang. Isang pininyahang adobong manok at tsapsuy.
"Ahmm...kumain kana.." tumayo sya para ibigay dito ang kanin. Kinuha naman nito at ito na ang nag lagay sa sarili nitong plato.
Agad silang nag simulang kumain. Tahimik lang sila. Tinititigan nya ito habang kumakain. Naghahanap kasi sya ng reaction sa gwapo nitong mukha. Ng biglang tumingin ito sa kanya dahilan para mabilaukan sya. Agad naman sya nito dinaluhan at binigyan ng tubig.
"Wag ka kasi tingin ng tingin..." Sabi pa nito habang umiinom sya kaya naman ay mas nabilaukan pa sya. Pakiramdam nya ay may lumusot pang tubig sa ilong nya. Halos umusok sya sa kahihiyan kaya tumayo sya at pumuntang sink. Nakatalikod sya dito kaya hindi nya alam ang reaction ng lalaki.
Nahihiyang humarap ako sakanya. May pagkamangha ang dumaan sa mukha ng lalaki pero agad din naman iyong nawala. Umupo ito harapan nya at naka tingin lang din sa kanya.
"P-pa-pasensya na...nakakahiya nama-naman sayo.." nakayo pa sya dahil nahihiya talaga sya.
"Okay ka na ba ?." Tanong sa kanya ng lalaki.
"O-oo okay na.. k-kung gusto mo..mag papadala nalang ako sayo ng mga to...hindi mo tuloy natapos ang pag-kain muh...p-pasensya na." Habang sinasabi nya ang mga yun ay kinakabahan sya.
"Nah...you don't have to apologise.." nakita nya pa itong napangiti. Ng tingnan nya ito ay biglang naglaho ang mga yon.
Tumayo ito at pumuntang living nya dala ang isang basong juice. Agad nya itong sinundan. Nakita nyang sinasayad nito ang mga daliri sa furniture na nadadaanan nito.
"I would love to bring some of those food...masarap kasi.." tumango-tangong saad nito. Habang pinalilibot ang paningin nito sa maliit nyang living. Sumunod lang sya dito ng humarap ito sa kanya.
"A-ano...i-ipag babaon kita ng mga yun.." napalunok nalang sya dahil sobrang intense itong tumingin. Lumapit ito sa kanya at ang bilis ng pangyayari. Bigla nalang itong yumukod sa kanya. Sa pagka bigla nya ay napa atras sya at nasapid pa sya sa isang sofa. Hindi nya alam kung pano ilalarawan ang posisyon nila. Dahil naka tiwang-wang sya sa sofa habang ang lalaki ay naka yukod padin sa kanya. Mukhang pariho silang natigilan. Nakita nya nalang itong napa kagat-labi. Napatingala pa ito, siguro ay para pigilang tumawa.
YOU ARE READING
The Best of Me(On Going)
Aktuelle LiteraturCould it be the worst for others, would become the best for someone ?