See you
"Bakit ba ang kulit kulit mo Belle ha? Anong oras ka na umuwi, 9 years old ka palang naalis ka mag isa. Pano kung may nangyaring masama sayo?!" galit na galit na sigaw ni mama.
Napalo na naman ako ng tsinelas. Kanina pa palang nakauwi si mama at naunahan nya pa ako. Napalo na naman ako ng tsinelas. Ayun si kuya nasa sulok, awang awa na naman sakin.
Hindi naman masakit eh,parang kagat lang ng dinosaur.
"Oh, ano na namang kasalanan ng unica hija ko? rinig na rinig sa labas ang sigaw ng mama mo" kadarating lang ni papa galing sa trabaho nya.
Para sa akin mas mabait si papa, isang beses palang nya ako napapalo hindi kagaya ni mama laging galit.
"Pa,si mama p-pinalo ako. Nagpunta lang naman ako sa kabilang village para panoorin ang sunset" naiyak na sumbong ko kay papa.
Sana kampihan nya ako ngayon masakit yung tsinelas ha.
"Ikaw na bata ka sumasagot ka pa ha!Pano kung napahamak ka san tayo hahanap ng pera kung maoospital ka ha!?" isang palo sa kanang pwet ko ang naramdaman ko.
"Mama,tama na po. Ako po ang may kasalanan kung bakit nagpupunta siya doon sa village. Ako nalang po ang paluin nyo" ayan na naman ang super hero kong kuya.
Nagkatinginan sina mama at papa sa sinabi ni kuya. Bakas sa mukha nila na hindi sila naniniwala. Pano ba naman lagi kaming nag aaway tas biglang ililigtas niya ako dzuh.
Saming dalawa ni kuya siya ang mas mabait at matalino. Ako daw ang pinakamakulit at walang silbi. Sana pantay nalang ang tingin ni mama saming dalawa ni kuya.
Haist tama na ang drama Krisha, nakakangalay na lumuhod. Kung papaluin edi paluin tss.
"Wag mo nang paluin yang si Belle, kumain nalang tayo may dala akong manok" baling ni papa kay mama. Sa wakas safe na uli ang ako.
Thanks papa, mwaaaAah .
>_<
--------
Nasa kwarto na ako at nagdo-drawing nang biglang bumukas ang pinto. Akala ko si mama. Pero si kuya pala. Pumasok si kuya at lumapit sa akin."Bunso, huwag mo nang uulit iyon ha?walang magawa si Kuya pag pinapalo ka ni mama" mahinang sabi ni kuya sa akin.
Ang bait natin today bruh ah.
Sinarado ko na ang aking sketch pad at humarap sa kanya. Bakas sa mukha at mga mata niya ang pag-aalala.
"Gusto ko lang naman panoorin yung sunset kuya eh, kaso hinabol na nila ako" parang isang batang sumbong ko kay kuya.
Bakit ako naiiyak? lah?
"Ano ulit belle?May humabol sayo?Ayan na nga ba sinasabi ko, ano bang ginawa mo ha?!!" tumuloy na ang pag patak ng luha ko dahil sa sigaw ni kuya.
"B-bakit mo ako s-sinisigawan k-kuya?" lumuluha at nauutal kong sabi. "G-galit ka na d-din ba s-sakin?" hindi na maawat ang pagluha ko. Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkabigla at tila di siya makapaniwala sa nangyari.
Ito ang unang beses na sigawan ako ni kuya at makita kong galit siya. Mula pag kabata ay hindi niya ako inaway. Charot, away lagi kami.
"Sshh, hindi galit si kuya, sorry na Belle at nasigawan kita" unti unting pinapahid ni kuya ang mga luha ko gamit ang laylayan ng kanyang blue t-shirt.
"Ikwento mo kung bakit ka nahabol para hindi magalit si kuya" sabi niya nang mahimasmasan ako.
"K-kasi nakaupo ako sa favorite nating swing sa playground, tapos lumapit sila pag mamay ari daw nila yun kaya umalis daw ako..." umupo si kuya sa kama ako at nagpatuloy sa pakikinig.
"Tapos medyo tinarayan ko sila medyo lang naman, nagalit sila kaya bubugbugin nila ako dapat kaya tumakbo ako" pagpapatuloy ko.
Napangiti ako nung maalala ko yung kasunod na mga nangyari, bigla akong kinilig lah.
Ang harot ko naman sksksk erase erase-
"Anong iningingiti mo diyan? hmm ang panget mo umayos ka" si kuya panira naman eh. "Tapos anong sunod na nangyari? Naabutan ka nila? Tapos?"
"Hindi nila ako naabutan kasi may batang tumulong sakin, hinigit nya ako tas nagtago kamo hanggang sa makaalis yung mga humahabol sakin" napapangiti na naman ako sa naalala ko.
"Oh may bata naman ngayon, sino naman yun?" pangungulit na naman ni Kuya Khyiel.
"Jah daw yung pangalan nya,mga kasing edad ko lang kuya. Nagpunta kami sa bahay nila tapos naglaro kami kaya ginabi na ako ng uwi..." namilog ang bibig niya sa sinabi ko.
"Hoy Belle ha wag kang basta sama ng sama kung kani-kanino. Nako kung hindi pa yata ako tumawag di ka uuwi" disappointed na sabi niya.
Pero gusto kong bumalik kaya pipilitin ko. >.<
"Balik tayo bukas kuya, nangako ako sa kanyang babalik ako, samahan mo ko pleaaaase" puppy eyes para cute.
"Ayoko, may ibabalance pa akong accounting, wag ka ding tatakas dahil hindi na kita ipagtatanggol kay mama" pag tutol ni kuya.
"Dali na kuya, papakabait na ako last na to promise" dahan dahan siyang mapang asar na umiling. "Samahan mo na kasi ako damot mo naman." sinubsob ko ang mukha ko sa unan at tinalikuran siya.
Kunyari nagtatampo ako, suyuin mo ko kuya dali. hehe
"Wag kang gumanyan di bagay sayo" tumatawang pang-aasar na naman ni kuya. "Sige sasamahan kita pero saglit lang tayo ha may tatapusin ako."
Humarap uli ako sa kanya at ngumiti. "Yiee sabi ko na di mo ko matitiis eh, I love you kuya". Kiniss ko siya sa pisngi.
"Oh siya matulog ka na ha, wag ka na makulit. Alis na si kuya." hinalikan niya ako sa noo at lumabas na siya ng kwarto ko.
Sobrang excited na ako, feeling ko hindi ako makakatulog ngayong gabi. See you tomorrow crush.
(>_<)ZZzzz.
----🌟----
THANK YOU FOR READING CHAPTER ONE! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT!FOLLOW ME IF YOU WANT, HAPPY 6TH MONTHSARY A'TIN NAWA'Y MAREPLYAN KA NA SA MGA MENPA! MWAAAH!SEE YOU SA NEXT UPDATE!-certiffsy
BINABASA MO ANG
Bad Coincidence : SB19 Justin
FanfictionSB19 Series:🌽:JUSTIN DE DIOS{TAGALOG} Krisha Yzabelle Recio is thinking that her childhood is the worst. She is seeking for justice because of what had happened to her family. On her journey of finding who is responsible for the death of her whole...