First
"Estelitaaaaaaaaa!!" I am screaming on top of my lungs, calling for a maid. I'm inside my bedroom waiting for her to come.
"B-bakit po Ms. K-Krisha?M-may nangyari po ba?" her voice is trembling and she's almost stuttering.
Natatakot yata sakin. Well, dapat lang.
"Sinong naglaba nitong uniform ko?!!" binato ko sa kanya ang damit na hawak ko. "Bakit naging kulay asul to?!!! Wala akong extra uniform!Nag-iisip ka ba ha?!!!!" sigaw ko ulit.
Ngayon ang first-day ko sa Senior year. May schedule ang pagsusuot ng damit at ngayon ay uniform day. Kaisa isang araw na may uniform kaya isa lang din ang uniform ko.
Pero dahil sa magagaling kong kasambahay,
hindi pa yata ako makakapasok.Ugh, I freakin' hate this life. Ang malas malas.
"Ms.K-Krisha yung b-bagong maid po na n-nakaassign sa l-laundry" paiyak na siya, nagtatanong lang naman ako. Bagong maid?
May isang matapang na nilalang pala ang gustong mag silbi akin hmm."Ano na naman bang kaguluhan ito ha?" inaantok at nagtatakang tanong ni Manang Teresa. Head Maid dito sa mansyon. Siya ang kasama ko simula ng mangyari ang aksidente sampung taon na ang nakakalipas.
Hindi ako sumagot bagkus ay umirap na lamang ako.
"Belle, sumagot ka." tinaasan ko siya ng kilay matapos marinig ang pangalan ko. Nag iinit lalo ang ulo ko.
"What did you say? Yun ba ang pangalang gusto kong itawag mo sakin ha?" mataray kong lingon sa kanya. Ayaw na ayaw kong tinatawag akong "Belle". Napaka sama ng alala ko sa mga tumatawag sakin niyan nung bata pa ako.
Saglit siyang tumango at nagpipigil na kontrahin ang pagtataray ko. "Estelita bakit galit na naman ang isang to" baling niya sa umiiyak na katulong.
Arte ha. Hindi ko naman inaano. Tinanong lang naman.
"Manang Tesa, n-nasira po y-ung k-kulay nung damit ni Ms.Krisha d-ahil sa b-bagong maid natin." umiiyak padin na sumbong ni Estelita.
Bago?
Sandaling natahimik si Manang at mukhang nag-iisip. "Ah si Trina ba ang iyong tinutukoy?" tanong ni manang kay Estelita. Marahang tumango ang katulong.
"Trina?Naghire ka ng bagong katulong without my knowledge?." kalmado pero masama na ang tingin ko.
Wala akong sagot na nakuha.
Naiinis ako, sobrang naiinis. Hindi naman ako ganong kayaman. Lalo na ang pamilya ko. Simula nung naulila ako, pera na natira nalang sa banko at pera na galing sa tita ko ang tumustos sakin.
Magsasalita na sana ulit ako pero isang babae mula sa labas ang sumagot.
"Ako si Trina, bakit?" nakataas din ang kilay niya sakin.
Hindi ba siya na-inform na ako pinagtatrabahuhan niya?
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Tingin ko ay hindi nagkakalayo ang mga edad namin. Mas matangkad siya ng kaunti kesa akin. Morena at pinkish ang labi niya.
Kasambahay ba talaga to?Mas maganda pa yata sakin.Ugh.
"Kelan pa ito dito?" turo ko ulit kay Trisha? Trixy? Trin-- whatever.
"Kagabi lang siya Krisha, tulog ka na nung dumating siya kaya hindi ko ba nasabi sayo. Pasensiya na." yumuko si manang at kitang kita sa mata niya ang paghingi ng tawad.
BINABASA MO ANG
Bad Coincidence : SB19 Justin
FanfictionSB19 Series:🌽:JUSTIN DE DIOS{TAGALOG} Krisha Yzabelle Recio is thinking that her childhood is the worst. She is seeking for justice because of what had happened to her family. On her journey of finding who is responsible for the death of her whole...