Chapter 2

31 3 0
                                    

Blood

Goodmorning sunhine! sambit ko sa utak ko. Tiningnan ko ang orasan at alas siete na pala ng umaga. Today is Monday, that means makikita ko na ulit si Jah.

Sinuot ko ang pink kong tsinelas pag katapos ay bumaba ako ng kama. Pumasok muna ako sa banyo at nagmumog.

*glor*gog*gog*
Tunog ng tubig yan wag kang ano.

Lumabas ako na ako ng kwarto para mag-agahan. Madilim sa nilalakaran ko pero pinili kong huwag na munang buksan ang ilaw.Dahan-dahan akong naglakad pababa ng hagdan papuntang kusina.

Tahimik, sobrang tahimik ng bahay. Tanging pagtilaok lang ng manok ang naririnig ko.

"Goodmorning mama,papa at ku--" masaya kong sabi pero natigilan ako nang mapagtanto kong walang tao sa kusina. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang mga basag na plato at magugulong mga upuan.

"Mama?Papa?Kuya?Nasaan kayo?Mag-aagahan na tayo" malakas at sunod sunod kong tanong. Pero bigo ako na makakuha ng sagot.

Inayos ko nalang ang mga upuan, baka kasi may pinuntahan lang sila. Ngunit nabigla ako nang may makita akong likido na tumutulo sa gilid ng lamesa.

Dugo. Sobrang daming dugo!

Nanginginig ang mga kamay ko at nanlalabo na ang aking paningin. Haemophobic ako; isang taong takot sa dugo. Umiikot ang paligid, huling naaala ko nalang ay natumba ako at may mga taong binuhat ako palabas ng bahay.

Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi ko sila kilala.

(End of flashback)

----🌟----
Yes mga bb, flashback lang ang Prologue to Chapter 2. Maikli lang tong chapter na to dahil present events na ang next chapters. See you sa next chapters!
(>.<)

-certiffsy

Bad Coincidence : SB19 JustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon