Part 7

5 0 0
                                    

"Magandang umaga Butterfly." lahat ay natahimik dahil sa pag pasok ng aming principal. "Gusto ko lamang ipaalam sa inyo na magkakaroon kayo ng team building this coming July, kaya ko sinabi ito agad ay para makapag ipon na kayo ng pera ninyo and this will cost 1,500." aniya na ikinagulat ng karamihan. Ang iba ay masaya dahil first time lang 'to nangyari sa buhay namin. As in.

"Sa 1,500 na iyon ay libre na ang pag kain, mayroon na rin kayong kwarto at 5 days tayo doon kaya hindi masasayang yang pera ninyo." pahabol ni sir at pagkatapos nitong mag announce ay umalis na rin.

Mga excited akala mo naman papayagan na sumama. Overnight nga lang sa kaklase, ayaw eh. Dito pa kaya.

Uwian na at usap usapan pa rin yung team building, hindi naman maka-relate yung mga grade 7 kasi hindi sila kasama. Kawawang mga bata.

"Zea, tara na" tawag sa akin nila Thirdy. Nga pala! hindi pala nila alam yung nangyari. Ano sadabihin ko nito?

"ah, ano kasi" hindi ko talaga alam paano sasabihin yung nangyari. Nag aantay sila ng sasabihin ko at nagtataka sila. "dito na ako nakatira" sabi ko habang nakangiti at nagulat naman sila.

"huh? bakit? anong nangyari?" nag aalalang tanong ni Jessa.

"Eh kasi ano..." utak isip! "kasi sayang pamasahe. Oo, tama. Kaya dito na ako tumira, tsaka para malapit sa school. Tinatamad na kasi akong mag lakad tapos mainit pa" pagdadahilan ko at mukhang naniwala naman sila.

"pwedeng tumambay ngayon sa inyo?" tanong ni Ronz

"nakue! may bisita ngayon yung may ari ng bahay. Hindi ata pwede eh." sabi ko at nag paalaam na sa kanila.

Habang naglalakad ako ay biglang tumunog yung cellphone ko.

"Hala, hala! nag sisimula na yung contest ni Euijin!" dali dali akong tumakbo sa inuupahan kong bahay at pumasok kaagad sa kwarto ko at nanuod na sa cellphone.

"Are you ready!" nagsigawan ang mga tao sa Arena habang nanunuod ako ng laban ng lodi ko. 

"Euijin! Euijin! Euijin!" sigaw ng mga fans niya. Shet! apaka gwapo niya! Kahit 18 years old lang siya, sobrang matured niya na tignan. Grabe!

Ngumiti lang si Euijin sa mga sumisigaw sa pangalan niya habang inaantay kung sino ang mananalo bilang idol sa Pinas. Baby ko kinakabahan.

Binanggit na ang top 10 at kasalukuyang inaantay namin kung sino yung top 1. Ang bagal mag announce eh. Parang timang.

"Congratulation." lahat ay natahimik habang inaantay ang top 1 "EUIJIN!" at nag wala ang lahat.

"Wah! Congrats asawa ko! @euijin" tweet  ko. Proud wife here. Pagka-bukas ko rin ng facebook ay puro mukha ni Euijin ang naroon. Nakakatuwa.

Kasalukuyang tumutulong ako ngayon sa karenderya ni nanany Marie. Maraming nabili sa kanya kaya kailangan ng katulong, tutal libre lang naman ako sa bahay niya ay ito na lamang ang isusukli ko.

"Oh anak, kumusta sa school?" tanong sa akin ni nanay na ikinatuwa ko. Ngayon ko lang to naranasan.

"oh bakit ka uumiyak? may nangyari bang masama?" nag aalala nitong tanong at kinuhaan pa ako ng tubig.

"Naku pasensya na po, sobrang babaw lang po kasi ng luba ko tsaka ngayon lang po kasi may nag tanong sa akin ng ganyan. Alam niyo naman po sa bahay. Hehe. Salamat po ah." nahihiya kong sabi at ngumiti lang si nanay.

"for now on, ako na ang tatayong nanay mo. Kaya wag ka na mag alala huh?" sabi nito na lalo kong ikinatuwa. Sana ganyan din sila mama at papa sa akin.

"O siya! mag pahinga ka na doon at alam kong pagod ka pa. Kaya na namin ito ni Bebang." aniya

"Yes Zea, yakang yaka ko na dito. Pahinga ka na gurl! sayang beauty mo baka pumanget ka." natatawa nitong sabi at pumasok na ako sa bahay. Bago ako umakyat sa kwarto ay naglinis muna ako dito kasi nakakahiya naman kung pabuhay prinsesa ako. Ayaw ko namang maging dumbEll na pabuhat.

Pagkatapos kong maglinis ay naligo na ako at tumungo na sa kwarto. Nagsimula na akong mag advance reading sa mga lessons namin at nagulat ako sunod na nangyari.

"Anak" sila mama at papa. Anong ginagawa nila dito?

"Anak, sorry." naiiyak na sabi ni mama. Hindi ko alam ang nangyayari pero naiiyak ako. Sila mama. "Alam mo bang nag aalala kami sayo? alam mo bang hindi kami makatulog nung umalis ka?" aniya na ikinahagulgol ko. Sila mama nandito. Hindi ako makapaniwala.

"anak pasensya na talaga" naiiyak na sabi ni mama. "Hayaan mong bumawi kami sayo. Hayaan mong iparamdam namin sayo na kabilang ka sa pamilya natin" and with that, napahagulgol ako sa balikat ni mama at niyakap nila ako ni papa. Sobrang sarap pala sa pakiramdam na mahal ka ng mga magulang mo.

Nasa Enchanted Kingdom kami ngayon kasama si ate. Sobrang saya ko kasi nakapunta na ako sa pinaka gusto kong lugar. First time ko pa lang toh pero sila ate siguro sampung beses na nakapunta dito.

"Anak gusto mo ba sumakay doon?" turo ni papa sa may space shuttle.

"Opo!" masaya kong sabi at tumungo na kami doon. Katabi ko ng upuan si mama at magkahawak kami ng kamay. Ang sarap sa pakiramdam.

"Woahhh!! Grabeee!!" puro sigaw lang kami ni mama at ganoon din sila papa at ate. Sobrang ingay ni ate.

"Parang naiwan kaluluwa ko dun!" sabi ni ate at nagtawanan naman kami. Sunod naming sinakyan ay ang Anchors Away.

"Sobrang saya ko po ngayon. Pinaka masayang nangyari sa buong buhay ko." sabi ko kanila. Ngiti lamang ang sinukli sa akin nila mama at papa.

"Sana lagi na lang tayong ganto" aniya at sabay niyakap ako ni ate. Napaiyak naman ako kasi ngayon ko lang si ate nayakap sa tanang buhay ko.

"Sali kami" at sumali sina mama at papa. "mahal na mahal ko kayo" sabi ni papa at napaiyak ako.

"Mahal na mahal ko rin po kayo" ani ko at pinagtitinginan na kami ng mga tao. Matapos ang aming yakapan ay kumain naman kami.

"Anong gusto niyo mga anak?" tanong ni mama.

"Carbonara po" sabi ko.

"Ako rin ma, katulad na lang ng kay Zea." sabi ni ate at sabay ngiti sa akin. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain.

"Paborito mo iyong carbonara?" tanong sa akin ni ate at tumango ako bilang sagot.

"Alam mo ba, nung nalaman kong umalis ka ay nag alala ako sayo ng sobra. Wag mo akong iiwan Zea. Hindi ko kayang mawala ka sa akin." naiiyak na sabi ni ate at niyakap niya ako. "Ikaw lang kapatid ko. Iiwan mo pa ako." aniya. Habang nag uusap kami ni ate ay tinataliaan niya ang buhok.

"Ang ganda pala ng buhok mo. Wag mong papagupitan yan ng maikli. Dapat laging mahaba yan. Mas bagay sayo" sabi nito at maya-maya lang rin ay dumating na ang pag kain at nagsimula na kaming magsalo.

Queen of DisasterWhere stories live. Discover now