Part 1

37 0 0
                                    

"Baby masarap ba yung pagkain?" tanong ni mama kay ate Maya. Ngumiti si ate dito at tumango. Dalawa lang kaming anak nila mama at papa at si ate ang pinaka paborito nila.

Nakadungaw lang ako sa kanila habang nagtatawanan silang dalawa. Nasa trabaho kasi si papa. Sa totoo lang, inggit na inggit ako kay ate kasi si ate mas binibigyan nila ng pansin. Samantalang ako? parang hangin lang sa kanila.

"Awit na buhay. Ano ka ba naman Zea! dapat sanay ka na diba?" pag papaalala ko sa sarili ko sabay higa ulit sa kama. Bakit kayo ganon? If favoritism is the topic, i never win.

Bumaba na ako at tumungo sa kitchen. Hindi naman ganoon kalaki yung bahay namin pero maluwag siya.

Nagutom ako kakadrama.

"Wow ang sarap ng mga ulam! huhu shet!" sabi ko habang takam na takam sa mga ito. Wala namang okasyon ngayon pero bakit andaming pagkain?

"Mag luto ka ng sarili mong ulam kung nagugutom ka. Wag mong paki elaman yang pagkain ni Maya." gulat akong napatingin sa aking likuran. Si mama.

"Ahm ma? ano pong meron bakit andaming pagkain dito?" tanong ko kay mama.

"Bitch, don't call me mom." tugon niya.

"Ahm aling Eli ano pong meron bakit andaming handa?" muli kong tanong.

And with that nakatanggap ako ng sampal. Ano bang mali don? Ayaw nya ng mama diba? edi Aleh!

"What the hell? kahit kailan ang bastos mo noh?" napatungo na lamang ako. Wala namang mali don ah.

"Umakyat ka doon sa kwarto mo! Wag na wag kang magpapakita sa akin!" sabi niya sabay talikod.

Bago ako umakyat sa taas ay kumuha ako ng liempo sa lamesa. Gutom na gutom na talaga ako ih. Bahala silang magalit.

-------------------------------
"Good morning class, I will be your teacher in Economics." sabi ng babae sa harap namin. Mukha siyang strikta pero ayon sa aking nakalap na chismis, mabait daw siya.

"And at the same time, ako ang inyong adviser." pahabol nitong sabi.

Wala kaming masyadong ginawa ngayong araw kasi first day of school pa lang. Pero kahit ganon napaka ingay na ng classroom namin. Syempre kilala na namin ung isa't isa kasi magkaka-klase na kami nung grade 8. May ibang nadagdag at ang iba ay nawala sa pilot section.

"Zea!" tawag sakin ni Chacha. Siya yung unang bestfriend ko sa highschool. Pranka sya pero sobrang solid na kaibigan.

"Wala akong biscuit!" sabi ko sakanya.

"Ano bayan" sabi niya sabay pout. Mahilig kasi kumain to kahit hindi pa recess. Well gawain naman talaga namin iyon.

Natapos na yung first day of class namin. Sabay sabay kaming umuwi ng mga kaibgan ko. Since grade 7 din kasi sabay sabay na kami umuwi ng mga toh and hanggang ngayong grade 9 na kami.

"Sana hindi natin teacher iyong Alma Batas! napaka sungit pa naman daw nun" sabi ni Jessa.

"Diba iyon yung teacher natin sa Fil nung grade 7?" tanong ni Ronz.

"Oo!" sabi Thirdy.

"Sabi nga nila, pinakamahirap ang grade 9 kaya for sure mahihirapan rin tayo sa mga teachers natin" sabi ni Nebneb.

Nagkwekwentuhan lang kami tungkol sa mga posibleng mangyari ngayong grade 9 na kami. Marami kasing nagsasabi na ito yung pinaka mahirap sa Junior High.

Pagkauwing pagkauwi ko sa bahay ay kumakain na sila mama. Lumapit ako sa kanila upang mag mano pero tinabig lamang nila ang aking kamay.

"Hoy! kuhanan mo nga ako ng tubig." utos sakin ni papa. Sinunod ko iyon dahil sa lahat ay si papa ang pinaka kinatatakutan ko.

Umakyat na ako agad sa taas pagkatapos kong sundin lahat ng utos nila sa akin. Dito sa bahay, ako yung utusan. Hindi kami ganoon kayaman kaya hindi na nag hanap ng katulong sila mama kaya ako ginawa nilang katulong.

Binuksan ko yung messenger ko. Kabilang ako sa SSG sa aming school kaya alam ko lahat ng activities na gaganapin. And i'm looking forward sa mga ito.

Pagka-check ko dito ay tadtad na ng mga gawain. Pero yung pinaka kumuha ng atensyon ko ay yung team building. First time na magkakaroon ng ganoon sa school dahil pinalitan na yung Principal. KJ kasi yung dating principal namin.

Dapat nga nung ESP month ay may Battle Of The Band kaso ayaw niya ng maingay. Tapos yung Nutri Jingle namin na Division level? well hindi siya naganap sa school kasi nga maingay raw.

"We will have a meeting tomorrow." sabi ni sir Pahi sa group chat namin.

"Okay po." tugon ng karamihan sa amin at ako maman ay ni-like lang iyon. Feeling famous ako eh hehe.

Queen of DisasterWhere stories live. Discover now