Part 2

16 0 0
                                    

Zea's POV

Naglalakad ako papuntang canteen. Wala kasi kaming teacher ngayon at dahil batang pasaway ako, bibili muna ako ng pagkain. Gutom na ako eh.

Hindi na ako kumain sa bahay kasi nakakawalang gana. Binibigyan ako nila mama ng 100 pesos araw-araw at yung kay ate Maya naman ay 500. Edi wow. Sobrang gastos ng babaeng yon. Akala mo mayaman kami eh.

"Spongebob!" napalingon ako dahil sa tumawag. Si sir Pahi.

"Po?" tugon ko dito at pumunta sa classroom kung nasaan siya ngayon. Pumasok si sir sa loob ng classroom.

Atang! ayaw ko pa namang napasok sa ibang classroom kasi nahihiya ako. Arghh. Kainis.

Kumatok ako sa pintuan at lumingon naman si sir.

"Sir bakit po?" tanong ko.

"wala lang, miss na kita" sabi niya. Pang-asar talaga toh. Alam niyang ayaw ko sa ibang classroom ih.

"Pasok ka dito Zea. May sasabihin ako" sabi niya. Yung mga estudyante naman dito ay nakatingin sa akin. Lahat. Huhu what the creep.

"Okay ka lang?" natatawang tanong sa akin ni sir. Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin. Galing talagang mang asar eh.

"Ihh! bakit ba sir? alam mo namang ayaw ko ng ganto ih huhu" sabi ko pero hininaan ko lang kasi baka marining ng iba.

"Bakit ka ba nahihiya? eh ang ganda mo kaya." sabi nito.

"Atangg! Talaga naman sir oh. Tama na sir huhu" pagmamaka-awa ko dito. Feeling ko talaga mukha na akong kamatis sa sobrang pula ng mukha ko.

"Seryoso ako. Bakit ka ba kasi nahihiya?" sabi nito

"Eh! abay malay ko" sabi ko. Nakakarinig ako ng tawa mula sa ibang estudyante. Tuloy lalo akong nahiya. Kainis naman oh.

"Sir bakit ba? huhu gusto ko lang namang kumain. Tapos ganto pa mangyayari? Atanggg! huhu" sabi ko dito at mas lalong nagtawanan yung estudyante dito.

"hala! ang cute niya!" rinig kong sabi nung babae sa likod.

"Hala  spongebob! cute ka raw oh!" sabi naman ni sir. Talaga naman oh. Huhu ano ba gagawin ko?

"Ah eh hehe" yun lang talaga lumabas sa bibig ko habang napakamot sa batok dahil sa hiya. Ayah! huhu

"Omo! gaig! ang ganda niya!" sabi nung isang lalaki na naka-upo sa may third row. Fudge! God help me please!

"Huh? si spongebob maganda?" takang tanong ni sir sabay tingin sa akin. Aba't talaga lang tong lalaking toh. "San banda Adrian?" tanong ni sir.

"Sir epal ka. Promise." sabi ko dito. Tumawa naman ito.

"Sir alis na ko ah. Gutom na gutom na talaga ako tapos tatawagin mo lang ako para asarin. Grrr" sabi ko dito at natawa ang mga estudyante. Ano bang nakakatawa don?

"Wala ba kayong teacher?" tanong ni sir.

"Wala po hehe" sabi ko at tumango naman si sir.

"Sir una na ko wah! ba-bye! hehe" sabi ko sabay takbo.  Nawala na ang mga kabayo sa dibdib ko pagkalabas ko sa classroom na iyon.

Grabe Nakakahiya talaga! Kaurat talaga yon.

Hanie's POV

"Sir may tanong po ako." sabay taas ko ng kamay upang makuha ko ang atensyon ng aming guro.

"Yes?" tugon nito

"Ano po pangalan nung babae kanina?" nagtataka talaga ako sa kanya. Ewan basta nagagandahan ako sa kanya. Feeling ko makulit iyon.

"ah yung spongebob ?" takang tanong nito at tumango ako.

"Zea Kate A. Zambrano" sabi nito

"sir ano pong grade and section niya?" napalingon kami kay Mark ng bigla itong nag salita. For the first time nag salita rin.

"Wow Mark! nag sasalita ka pala." manghang sabi ni sir kay Mark. Siya kasi yung pinakatahimik sa amin. As in. Hindi nga namin siya makausap eh. Kahit sino sa amin.

Napakamot sa batok si Mark dahil sa hiya. Wah! ang cute niya!

"grade 9 na siya from section Butterfly" sabi ni sir at ngumiti naman ito. Wah! nakakafall! pasalo ako Mark please huhu

"Thank you po" sabi nito at tumango tango. Nagsimula na muling magdiscuss si sir Pahi sa amin pero sobrang layo sa topic namin sa lesson. Napunta kami sa mga kakaibang elemento dito sa mundo.

Habang nagkwekwento si sir ay tutok na tutok mga kaklase ko. Yung iba natatakot at yung iba ay hindi makapaniwala sa naririnig nila. Kakaiba rin toh si sir eh.

"Kasi enrollment noon. Tapos may matanda kasing lumapit sa isang teacher dito at nag uusap sila. Nang makita ako nung matanda nagulat ako kasi sa akin naman siya lumapit. Bigla siyang humingi ng tulong sabi niya ano pa daw bang kailangan at kulang sa requirements ng apo niya. Sobrang dami pa kasing kulang doon at sinabi ko naman sa kanya iyon. Pagkatapos lumapit siya sa akin at hinimas yung braso ko bandang kaliwa sabay nagpasalamat." sabi ni sir at parang wala lang sa kanya yun. Shaks! natatakot na ako dito.

"si ate Zea oh" sabi sa akin ni Julliana. Naoatingin ako sa labas at nakita ko siyang naglalakad pabalik sa kanilang classroom na mayroong dalang juice. Hays nagugutom na rin ako.

"lumipas yung ilang araw at may napansin akong kakaiba. Kasi everytime na naliligo ako pag gabi na yung kaliwang braso ko may mga parang kalmot na ewan tapos nagsusugat siya. Sobrang hapdi." biglang nagulat yung mga kaklase ko sa kwinento ni sir at mas lalo silang naging interesado.

"Tapos pag umaga na, nawawala ito. Kaya ganon na lamang yung pagtataka ko kasi nauulit siya tuwing gabi. So inisip ko kung anong nangyari nung mga nakalipas na araw." sabi ni sir

"sir baka kinulam ka" sabi ni Matthew at nagsibulungan na sila.

"Hindi ko alam kung kulam ba siya pero kasi naalala ko yung matanda. Siya lang kasi yung humawak sa akin kaya feeling ko siya yung may gawa noon" sabi ni sir.

"nakakatakot!" sabi ni Andrea na parang ewan kasi nakakapit yung kamay kay Shawi.

"Nagpatawas ako. Tapos nakita doon yung matandang babae." sabi ni sir at naging maingay na yung classroom dahil sa takot.

"Kulam nga iyon at" naputol ang sasabihin ni sir dahil tumunog na ang bell, hudyat na recess na namin.

"sir tuloy niyo po bukas ah!" sabi ng iba naming kaklase na kala mo hindi natakot. Feeling brave lang ghouRl?

"Sure. Okay, Goodbye and Thank you" sabi ni sir

"Goodbye and Thank you sir Pahi" tugon namin at tuluyan ng lumisan si sir sa classroom.

Queen of DisasterWhere stories live. Discover now