Part 4

12 0 0
                                    

"Sir napaaway ako sa teacher ko" sabi ko kay sir Pahi habang busy sa pagtitipa sa keyboard sa kanyang laptop. Nasa Office kami ngayon ng SSG at hinihintay namin yung iba pang member.

"Huh? Bakit?" bigla itong napalingon sa akin at bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"Eh kasi sir sinigawan niya kami. Ambabaho raw namin." sumbong ko rito at natawa ito.

"Hulaan ko kung sino yan." natatawang niyang sabi

"Si Alma Batas. Naku! OA talaga yan. Hayaan mo siya." sabi nito. Bigla namang dumating yung mga grade 8 representatives. So bale, 5 na kami sa Office ngayon.

"Oh anong sinabi mo doon?" tanong ni sir

"Kako saka na siya magalit kung hindi na peke kilay niya." sabi ko rito at bigla na lamang siya natawa ng malakas.

Mukha ng kamatis si sir dahil sa kakatawa. Nagtataka naman yung mga bagong dating kung bakit tumatawa si sir. Pati nga yung mga grade 8 hindi alam kung bakit tawang tawa si sir eh.

"Ate?" kalabit sa akin nung babae na tumawag sa akin.

"Po?" lingon ko dito

"Anyare kay sir? Baliw na?"taka nitong tanong

"Ah..eh kasi kwinento ko sa kanya yung nangyari sa amin sa room kanina." sabi ko habang pilit na nakangiti. Nahihiya na naman ako.

"Ate Zea diba po?" tanong nito na ikinagulat ko. Luh! pano niya nalaman?

"Hmm.." at tumango ako habang nakangiti siya sa akin pati yung mga kasama niya.

"Ako nga po pala si Hanie!" pagpapakilala nito. At ipinakilala niya rin yung iba niyang mga kasama. Naikwento ko rin sa kanila yung nangyari kanina at ganon pa rin yung reaksyon nila. Namangha sila tsaka natawa.

Halos isang oras kami nag antay ng makumpleto kami. Ang usapan 1 pm pero naging 2 pm dahil nga kami ay isang PINOY! Filipino time is layf kuno

"Maraming ganap ngayong School Year na ito kaya malamang sa malamang ay kailangan tayo rito." panimula ni sir.

Sa sobrang haba ng sinabi ni sir ay umabot na kami ng ala syete ng gabi. Nag kwekwento pa kasi si sir tungkol sa mga mumu dito sa school.

"Habang naglilinis tayo dito sa room..alam niyo bang may nagagalit?" sabi nito.

"huh? bakit sir?" tanong ni Aye yung secretary ng SSG.

"Kasi ang ingay niyo. Lalo na yan si Zea." sabi ni sir na ikinagulat ko.

"Hala sir! bakit ako?! antahimik ko kaya!" pag angal ko rito

"Pag ikaw nakabulabog dahil diyan sa bibig mo. Nako ka." pananakot ni sir. At dahil duwag ako, tumahimik na ako at nakinig na lang sa kwento ni sir.

"Tsaka alam niyo ba sa cr dito sa girls, may nasama sila. Actually nagbibihis sila noon sa gilid tapos yung isang kasama nila ay nagvivideo. Feeling blogger daw tapos may nasama doon. Babae, nakaitim." muli nitong kwento. Marami na akong narinig na nakakatakot tungkol sa dito sa eskwelahan namin pero never pa akong nakakita dito.

"Grabe noh? ang creepy dito" sabi ni kuya Matt ang P.O sa amin. Kasalukuyang pababa na kami sa hagdan dahil uwian na

"Mag ghost hunting tayo!" aya naman ni Ricci, isa sa mga grade 9 rep.

"Wag na baka madakip ka. Ghoster ka pa naman." pang aasar ni kuya Matt at nag tawanan kami.

Nang nasa baba na kami ay bigla na lamang kaming natahimik ng may tumawag sa amin.
Lahat kami ay napatingin sa itaas ng Roxas Building pero wala naman kaming nakitang tao roon.

"Wow! nakakatakot talaga." sarkastikong sabi ni kuya Matt. Pero si Hanie ay napahawak bigla sa braso ko na nangingig.

Napatingin rin yung iba niyang kaklase sa kanya at mukhang nag aaalala sila dito pati sila kuya Matt ay natigilan ng bigla itong umiyak habang nakayakap sa akin.

"Okay ka lang?" natataka kong tanong dito habang hinihimas ang kanyang likod upang kumalma.

"A-ate, alis n-na po t-ayo d-dto" hirap nitong sabi na ikinataka naman namin.

"Anyare ba?" tanong ni Aye.

"Ate, ganyan po talaga yan pag may nakikita siya." sabi ni Julliana na mukhang natatakot rin. Nagulat rin sila kuya Matt sa nalaman nila kaya dali-dali na rin kaming umalis sa lugar na iyon.

"what the hell did just happened?" hindi pa rin kami makapaniwala sa nangyari. Pero nag aalala pa rin ako kay Hanie kasi namumutla siya.

"Hanie, mag tubig ka muna." sabay abot ko ng binili kong tubig para sa kanya. Nangingig pa rin mga kamay niya habang iniinom yung tubig.
  
Nang mukhang kumalma na siya ay tinanong ko na ito dahil pinapatay na ako ng kuryosidad

"Ano nakita mo?" taka kong tanong rito at napatingin siya sa akin pati na rin yung iba at muling ibinalik kay Hanie ang tingin

"Ate mukhang naingayan po siya sa atin.Naingayan po ata sa atin... Yung  labi nito ate nakangiti. Babae po siyang naka itim.. Mahaba po yung buhok...Ate natatakot po talaga ako sa kanya. Lalo na po yung makita ko yung mga mata niyang kulay pula. Bakas po talaga ang galit rito. Ate kailangan natin mag sorry doon." naluluha na naman niyang sabi.

"Wait lang, natatakot na ako! ayaw ko na huhu. Hindi na talaga ako a-attend pag may meeting tayo. Bahala uy! kwento kwento pa kasi si sir ih" feeling ko rin kasi kanina ay may nakatingin sa amin. Siguro iyon yun. Ang daldal kasi nila kuya Matt eh.

"Woah! kwento natin toh sa page natin! For sure sisikat toh!" suggest ni Tantan, ang PIO sa namin.

"Post mo para hindi ka tigilan nun!" galit na sabi naman ni ate Faith ang VP namin.

"Kuya Tan, nakatingin siya sayo kanina." biglang sabi ni Hanie na ikinagulat ni Tantan.

"Yan bida bida ka ah." natatawang sabi ni ate Faith pero si Tantan ay biglang natahimik.

"Tiklop ka pala Tan eh." pang-aasar ni kuya Matt.

"Gago. Seryoso?" kinakabahang tanong nito habang nakatingin kay Hanie.

"Opo. Feeling ko kuya crush ka nun. Kasi po nung makita ka niya bigla na po siyang umalis eh." sabi nito na ikinamangha namin.

"Woahh! Tan! haba ng hair pati multo na aakit mo!" kutyaw nila Aye pero bakas sa mukha ni Tantan ang pagkatakot.

"Oh Tan! natiklop ka ata?" pang aasar ni kuya Matt.

"Gago pre! magpapa kalbo talaga ako. Panget ako pag kalbo eh. Tang mother. Bakit ako?" hanggang sa pauwi kami ay hindi pa rin makapaniwala ang mukha ni Tan. Para siyang lumilipad sa ulap, hindi namin siya makausap. Sobrang lutang niya

Queen of DisasterWhere stories live. Discover now