Chapter two

17 1 0
                                    


Nicholas Ford

Pag pasok ng classroom ay lumawak ang aking ngiti nang bumungad sa'kin ang magandang mukha ni Angel my loves pagkaupo ko.

"Hi Nick! Ito na pala yung notes mo. Pasensya na ha ngayon ko lang naibalik" sabi niya habang inaabot ang notes ko.

"A-ahh a-ayos lang yun A-Angel" Kahit hindi mo na ibalik kase pati puso ko nakalimutan mo na atang ibalik. Ang bakla mo Nick!

Nanginginig ko pang inabot ito kaya siguro napansin ito ni Angel.

"Are you ok?" nag-aalala niyang tanong, mas lalo tuloy akong namula.

"Y-yes, I'm o-ok"

"Hmm, can I treat you lunch? Para na rin makabawi ako sayo" Ngiti niya. Mas lalo itong nagningning sa'king paningin, na imagine ko pang may pakpak ito at hinahangin ang mga buhok. So beautiful.

Lunch with her? I must be dreaming hehehe. Gusto kong magtatalon sa tuwa.

"Ahh. E-ehh" ano ba naman! Ngayon pa talaga!

"Please?" sabi niya habang nakapuppy eyes. Ang cute niya grabe! Dapat magsalita na 'ko baka sabihin niya nagpapakipot pa ako at baka magiba pa ang isip. No!!!

"S-sure" there I finally said it.

"Alright! Sabay tayo maglunch mamaya hah?"

"Ahm how about your friends? and your, y-your boyfriend?" naisipan kong itanong dahil lagi niyang kasama yung mga kaibigan nya tuwing vacant along with her boyfriend.

"Wala namang masama ang isang araw na hindi ko sila kasabay sa lunch 'di ba? Saka friends na rin kita right? Might as well papakilala na rin kita sa kanila later" she said and then smiled to me sweetly.

Ohh what an angelic face. Bagay na bagay talaga sa kanya ang pangalan niya.

Pero ano daw? Papakilala sa mga kaibigan niya? Bigla naman akong kinabahan doon. Paano pag hindi nila ako nagustuhan? Baka paglayuin nila agad kami ni Angel kahit wala pa namang nangyayari.

Anong pangyayari ba ang gusto mo Nick?

I mean is hindi pa nga kami lubos na nagkakalapit laglag na ako agad.

"K-kahit wag na muna Angel nakakahiya naman" sabi ko habang nakatungo.

"Kung yan ang gusto mo, basta lunch together huh? Wait for me" yun lang at bumalik na siya sa mga kaibigan niya. Narinig ko pa ang tawanan nila at yun isa na pinuri pa si Angel. Kinibit balikat ko na lang iyon.

Napansin kong kanina pa pala kami pinagtitinginan at ang talim ng tingin sa akin ng mga lalaki, yung mga babae naman ay parang nandidiri kaya napatungo ako ulit. Buti na lang wala pang professor.

Maya maya pa lahat ng estudyante ay umayos na ng upo at pumasok ang guro na si Sir Danak.

"Good mor-" napalingon ang lahat ng may kumatok sa pintuan. Nanlalaki naman ang mata ng guro sa napag buksan at yumuko bilang paggalang. Humakbang ang bisita papasok kaya automatic na sabay sabay kaming nag yukuan dito.

"Good morning Madame President" nila.

"Please have a sit" mabait na wika ng Presidente. "Sir Danak may hahabol na estudyante sa iyong klase" humarap siya sa amin. "Irregular student ito kaya magiging kaklase nyo sya sa ibang subject" nakangiting pahayag ng madame sa amin. "Should I call her now Sir?"

Parthenon #1: Cian Cee Gaumond (The Exceptional)Where stories live. Discover now