Chapter four

10 2 1
                                    

Nicholas Ford

May meeting kami mamaya sa mathematics club, kailangan ko rin mag isip ng mga activities.

"Hey"

Iyon ang pag uusapan namin mamaya dahil may nalalapit ng competition at pipiliin kung sino ang lalahok-

"Nicko you're spacing out. What are you thinking?" Nagising ako mula sa pag-iisip nang marinig ko ang malambing na tinig ni Angel. I feel guilty because I was thinking of other things while she's with me.

"I'm sorry iniisip ko lang kung saan maganda mag dinner later" palusot ko. I snaked my arms around her tiny waist and pulled her closer to me. I heard some negative chants but we choose to ignore it. At sanay na ako diyan, halos araw araw ba namang makakarinig ka ng may nagbubulungan na parang bubuyog sa paligid eh sinong hindi masasanay doon?

Ako lang naman.

Saka panatag ang loob ko dahil nararamdaman kong nahuhulog na din siya sa akin. Oo, walang halong biro. Ramdam kong kaunting tulak nalang ay hulog na rin ito kagaya ng pagkahulo ko sa kanya. Hahaha.

"I think there's a perfect place" kumikinang ang mata nitong pahayag sa akin while laying herself comfortably on my chest.

"Where?" I asked. I can't help myself on pinching her nose because of her cuteness. She giggled.

"At my condo" nagulat ako sa nalaman.

"You have a unit?" Gulat kong tanong dito. Tumango naman ito. Hindi nito na-ikwento sa akin pero baka nakalimutan niya lang kaya ngayon niya lang nasabi. Hindi naman dapat lahat alam mo 'di ba? "Great idea" I said grinning like an idiot.

"Are you excited?" She asked and I nodded. "You should be because tonight will be your unforgettable evening in your entire life" ngiting ngiti saad nito sa'kin. I know, I should be happy dahil baka sagutin niya na ako mamaya but there's a part of me saying something's wrong. I shrugged the ideas flowing in my mind right now. I'll just make sure that whatever happens I will make it a perfect night between me and Angel.

After class pinatawag na agad kami sa club. Nakaisip naman ang team ng activity to choose who will be our representative. Medyo seryosong usapan dahil iba't ibang Universities pala ang kasali doon at dahil malaki ang Fajardo University dito din ang venue ng lahat ng organizations kung sakaling may competition.

Kaya naman pala doble ang paghahanda ng school dahil makikita mo na ang iba't ibang dekorasyon palibot sa Unibersidad.

"That's all for now guys, you may go" pagkatapos magsalita ni Wendy ang presidente, tumayo na kaming lahat at lumabas.

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko ang dalawang magkasama. Allison and Cian. Nakatingin sa akin iyong isa habang ang isa naman ay diretso lang at walang paki alam. Hindi ko lang matuloy kung bakit nginisian ako ni Allison ng makatapat kami kanina.

Anong problema non?

Sinundan ko ng tingin ang mga ito, nagtaka ako sa daan tinatahak nila pamilyar kasi ito sa akin.

Anong gagawin ng mga ito doon?

Pinagkibit balikat ko na lang ito dahil naalala ko ang pupuntahan. Hihihi kinikilig na naman ako. Hahaha


Allison Lee

Matawa tawa ako pagkalampas namin. Lukot na lukot ang mukha nito, halatang hindi nagustuhan ang pag-ngisi ko dito.

Parthenon #1: Cian Cee Gaumond (The Exceptional)Where stories live. Discover now