DAGUNDONG ng magkasabay na tunog ng musika at hiyawan ng mga tao ang pumupuno sa concert venue na iyon ngunit hindi alintana ni Helena kahit pa pakiramdam niya ay tila mababasag na ang eardrums niya. Mukhang siyang-siya naman kasi ang dalawa niyang kasama – ang pinakamahahalaga niyang kayamanan sa buhay.
She smiled as her daughters danced with utmost glee while part-screaming, part-singing the lyrics of the song. Nasa VIP section sila ng international music festival na iyon. Several bands here and abroad were gathered to perform on a single stage. Buong araw silang naghintay para sa pagtatanghal ng bandang Seed, kung saan ang Japinoy niyang kaibigan na si Shinji Ninomiya, ang gitarista. Ito ang huling magpe-perform bago sumalang sa stage ang main act ng music festival.
"You're the best, Uncle Shin!" sigaw ng bunso niyang si Kimbel. While her elder daughter, Kandi, was just doing a little happy dance of her own.
Sa unang tingin ay hindi maiisip ninuman na magkapatid ang mga ito. Lalong higit ang maisip na halos sabay na lumabas ang mga ito mula sa iisang sinapupunan. Born merely two minutes apart, Helena's five-year-old twin daughters were as different as night is to day. Yet they are equally loved by the mother who raised them single-handedly since birth.
At kung mayroon pang isang ipinagkakaparehas ang dalawa, iyon ay ang pagkagiliw ng mga ito sa kaibigang gitarista ni Helena. Shin even dubbed the two critters as his biggest, "number one" fans. Isang katangiang madalas sabihin ng mga nakakakilala kay Helena na namana ng mga ito sa kanya – ang pagiging isang "true blue fangirl".
Nang matapos ang set ng Seed ay initsa ni Shin sa gawi nila ang dalawang guitar pick at kumindat sa kanya habang sumesenyas na tatawagan siya. Seed was said to be the independent rock band to watch out for. They were currently penetrating the mainstream music industry and has continuously gained a huge following. Malamang ay maraming reporters mula sa mga music magazines ang dudumog sa mga ito matapos ang performance na iyon.
Nakadalo silang mag-iina sa music festival na iyon dahil sa imbitasyon ni Shin at ayon dito ay may isa pa itong sorpresa sa kanya bago matapos ang gabi. Excited man siya sa sorpresa ng kaibigan, mas higit niyang hinihintay ang pagtatanghal ng main act.
Nagdilim muli ang stage at natahimik ang mga tao. Yet excitement rose anew inside Helena's chest. It was what she called "the calm before the storm". Sa tagal ng panahong nagpupunta siya sa mga concert at music festival, alam na alam na niyang pinakamaingay at pinaka-excited ang mga nanonood sa main act na siyang kahuli-hulihang magpe-perform.
Helena was one with the crowd in waiting with bated breath for the final artist to perform on the festival's stage.
Hindi nagtagal ay muling pumailanlang ang baritonong tinig ng radio DJ na nagsisilbing emcee ng programa. Ang mga salitang sinasabi nito ay hindi rumerehistro sa pandinig niya dahil nagsimula nang bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Ah. The five-year long wait is definitely worth it.
Helena was too absorbed in staring at the darkened stage when she felt someone tug at the hem of her shirt. Tila ba noon lang siya natauhang yumuko sa humihila sa kanyang damit. "What is it, Kim?"
"Nanay, Kandi said she needs to pee po."
Bahagyang kumunot ang noo ni Helena at tiningnan ang panganay na katabi ng bunsong nagsalita. Kung si Kandi ang nababanyo, bakit si Kimbel pa ang nagsabi sa kanya? Her older daughter never needed anyone else to voice out her thoughts for her. "Oh, okay. Tara, I will join you two."
Ngunit umiling lamang si Kimbel. "No, Nanay. It's okay. Kami na lang po ni Kandi ang pupunta doon. I know you're waiting for the next band to perform and you might miss it if you come with us po." nakangiting tugon nito sa sinabi niya.
ESTÁS LEYENDO
[FILIPINO] My Irreplaceable Flower
RomanceLost and broken, Helena found herself spending her supposed honeymoon alone after she discovered her fiancé's betrayal. It was then that she met the musician she has loved more than half her life, Genesis Camilliano, and spent one drunken night with...