Chapter Four

2 0 0
                                    


HELENA stretched her back as she surveyed her work. Napangiti siya nang mapagmasdan ang bunga ng kanyang pagpupunyagi. Ilang linggo pa lamang simula noong mag-umpisa siyang magtrabaho sa hardin ni Genesis ngunit malaki na ang naging pagbabago noon. Nang magsimula siya ay pulos damo at mga patay na halaman ang nakapaligid sa hardin. Mukhang naiwan pa roon ng dating may-ari. It was such a bleak and barren landscape that she couldn't help but try to remedy.

Ngayon ay marami nang mga namumulaklak na halaman ang makikita sa paligid. Nagkaroon na ng buhay ang bahaging iyon ng bahay ng lalaki. She incessantly weeded, planted, groomed, and landscaped until all patches of browns are covered with greens and the occasional white, red, orange, pink, and yellow. Genesis gave her free rein over that part of his house, anyway, so she might as well give it her all.

"Everything in my garden is at your disposal, Ms. Villanueva. Wala tayong pag-uusapan sa gastusin. Kung mayroon ka pang kailangan, just ask." Anito sa kanya noong unang araw niyang magtrabaho roon.

Sinipat ni Helena ang relong pambisig. Iyon ang huling araw niyang aayusin ang hardin at araw-araw na maintenance work na lang ang gagawin niya roon sa umaga, tulad ng pagdidilig at pagtatabas ng mga natuyong dahon at ligaw na damo. Nais sana niyang tanungin ang lalaki tungkol sa opinyon nito ngunit sa kasamaang palad ay halos hindi rin naman sila nagkikita nito. Kadalasan ay wala na ito pagdating niya roon sa umaga at hindi pa ito dumarating kapag natapos ang trabaho niya sa hapon. Ayon na rin naman mismo sa lalaki ay hindi niya ito gaanong mapagkikita sa bahay sapagkat may inaayos itong trabaho.

Napadako ang paningin ni Helena sa isang partikular na halamang namumulaklak. Nakasabit iyon sa isa sa mga punong hinayaan lamang niya sa paligid ng bahay ni Genesis. It was the orchid he specifically pointed out on her garden. Iyon nga mismong orchid na nasa hardin niya at matagal nang inaalagaan ang inilipat niya sa hardin ng lalaki. She couldn't help but somehow want to leave an imprint of her in the man's memory.

Helena sighed and glanced at her wristwatch once more. Mag-iikaanim na ng gabi at kumakagat na rin ang dilim. She needed to head home and tend to her daughters' needs. Magluluto pa siya ng hapunan na hindi niya maiasa kay Raya sapagkat kailangan rin nitong pumasok sa paaralan. Nag-aaral ito sa lokal na kolehiyong nasa loob din mismo ng Chateau de Merveilles at dahil scholarship student ay nasa panggabing klase ito. Mag-iiwan na lamang siya ng note upang malaman ni Genesis na tapos na siya sa hardin nito at maintenance work na lang ang gagawin niya tuwing umaga.

Papalabas na siya ng gate nang mapansin niya ang sasakyan ni Genesis na nakaparada sa labas ng bahay nito. It was an old model, standard sedan so as not to attract the attention of the paparazzi. Alam kasi ng mga ito na mahilig sa flashy cars ang lalaki. He used to drive a red McLaren a dark purple Lamborghini Murcielago and a limited edition black and gold Lamborghini Aventador when he was in the States.

Kumunot ang noo ni Helena nang mapansing bukas pa ang engine ng sasakyan. At dahil tinted ang mga salamin niyon, hindi niya mabistahan ang loob. She could make out the shape of a human slumped on the driver's seat, though, and remembered a few times when Genesis posted on his blog about falling asleep on his garage. Agad na umaksiyon si Helena at tinungo ang pinto ng driver's side ng sasakyan. The man could die of suffocation inside the vehicle and no one would have known if she was not there.

She tried to open the door and, to her relief, found that it was unlocked. Agad niya iyong binuksan upang mabigla lamang nang bumagsak sa bandang tiyan niya ang itaas na bahagi ng katawan ng lalaki. "Goodness, Genesis, inaapoy ka ng lagnat!" agad niyang bulalas nang hawakan ang balikat ng lalaki upang ituwid ito ng upo. "What the heck have you been doing to yourself, you stubborn man?" mahinang ungol lamang ang natamo niya mula sa lalaki. Kunot na kunot ang noo nito at kitang-kita ang paghihirap na pinagdadaanan sa mukha nito.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Apr 24, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

[FILIPINO] My Irreplaceable FlowerOnde histórias criam vida. Descubra agora