Prologue

5 0 0
                                    


IPINILIG ni Helena ang ulo dahil naging dalawang tao na ang kanina ay iisa lang na kaharap niya. Seems like she drank one too many shots of the bitter amber liquid the two of them were sharing.

"Don't do that! You're making my head spin." Anito habang pinipigilan ng dalawang kamay ang magkabilang bahagi ng ulo niya. Malagihay pa lamang ito nang maabutan niya ngunit mukhang nasobrahan na rin ito sa pag-inom. Sino ba naman kasi ang mahihilo sa pagtingin lamang sa isang taong umiiling?

Helena flashed a loopy smile his way. "Look at us. Aren't we funny?" aniya sabay tawa.

Kunot ang noong tumitig lang sa kanya ang lalaki. "You're. Fucking. Crazy. Woman!" saad nito at pagkatapos ay umiling. Agad naman nitong sinapo ang ulo dahil sa ginawa. "Fuck!"

Muling natawa si Helena. All the while trying to imprint the memory of that encounter to the recesses of her memory. Her memories, she found, were starting to get foggy so she started recounting them.

Natatandaan pa naman niyang naabutan niya ang lalaking kaulayaw si Pareng Jack sa kusina ng bahay na pansamantala niyang tinutuluyan sa Pagudpud. Natatandaan niya maging ang pagkakahulog ng iPod niya sa sahig nang mabitawan niya iyon dahil sa inisyal na pagkabigla nang makilala kung sino ang lalaki. At higit sa lahat, natatandaan pa rin niya ang reaksyon nito nang makita siya roon.


"WHO THE hell are you? Seynow ka at anowng geynagawa mo reytow?"

Malakas na napahalakhak si Helena. Never in her wildest dreams did she imagine her first meeting with him would go that way.

Patuloy lang siya sa pagtawa sa pinaghalong kaba at hindi pagkapaniwala. Habang ito naman ay kunot ang noong nakatingin lang sa kanya. Marahil ay iniisip nitong isa siyang baliw na naligaw lamang sa lugar na iyon.

With tears on her eyes, she summoned the courage to look straight at him. Minsan lang mangyari ang ganoong bagay sa buhay niya. She had to make the most out of it, and especially make a good impression to him.

Nang tuluyang mapagmasdan ang hitsura ng lalaki ay saka lamang natauhan si Helena.

Ang lalaking nasa harap niya ngayon ay ibang-iba na sa lalaking tinitingala ng marami, kabilang na siya, noon.

Helena stared directly into the man's eyes and saw an empty, soulless abyss inside those piercing dark orbs. A never ending blackness that she was so familiar with because it was the same piercing emptiness that stares back at her whenever she looked at the mirror lately.

What happened next was something she wouldn't have done were she not in her current state at that time.

Lumapit si Helena sa lalaki at inagaw ang bote ng alak mula rito saka walang anu-anong tinungga ang laman niyon. Isang bagay na agad niyang pinagsisihan sapagkat nasamid lamang siya nang sumayad ang mainit at mapait na likido sa kanyang lalamunan. Agad niyang tinakbo ang lababong malapit lamang at doon napaduwal.

Helena continued heaving on the kitchen sink and it was while on that pitiful state that she felt a warm, wide hand gently stroke her back. Helena stiffened. "Stupid girl. What'd you do that for?"

Helena relaxed a bit as he continued to stroke her back. Muli siyang napaduwal habang patuloy pa rin ito sa paghagod sa kanyang likod. Maya-maya ay nadama niyang lumisan ng init ng kamay at presensya nito. Kasabay niyon ang pagdapo ng isang uri ng kahungkagan sa dibdib niya.

[FILIPINO] My Irreplaceable FlowerWhere stories live. Discover now