"Woa! I still can't believe it! Hanggang ngayon pareho pa din tayo ng school ng papasukan" manghang manghang sambit ni Milan habang nilalakad namin ang hallway patungo sa classroom."Yea. Mahal na mahal mo'ko e kaya pati dito ay sinundan mo ako hahaha" humalakhak ako. Mukha naman siyang nandiri sa sinabi ko. Arte
"Excuse me! Ako kase sadyang mag-aaral dito kase lumipat kami ng bahay. How 'bout you?" Nanghahamong tanong niya.
Ang totoo ay hindi ko dapat dito tatapusin ang high school ko. Pinilit lang ni Jera si daddy. Aniya 'yun na lang daw ang regalo ni sa kaniya pagdating ng graduation namin. Advance huh.
Pagdating kay Jera hindi na nila kayang tumanggi kaya siguro napapayag niya si daddy. Laking pasasalamat ko din sa kaniya kase gusto ko ding mag-aral dito.
"Dahil kay Jera. Para makasama ko ang kakambal ko" sagot ko naman sa kaniya.
"Asus! Baka para makasama ako ayieee!" Panunuya niya sa akin.
"Asa!" Singhal ko sa kaniya.
Pero ang totoo ay isa din siya sa dahilan kaya gusto kong mag-aral dito. Noong malaman ko na lilipat pala siya ng school ay nalungkot ako.
Malapit lang ang dating bahay nila sa dating school na pinasukan namin. Ayaw ng kaniyang mommy at daddy na mahihirapan siya sa byahe kaya napilitan na lang siyang mag-enroll dito.
Pero dahil sa kapatid ko magkasama na ulit kami ng kaibigan ko kaya thanks to her.
Simula elementary ay mag-bestfriends na kami at tumagal iyon hanggang ngayon. We used to hang out together when we were high school at ganoon padin hanggang ngayon.
Close din sila ni Jera pero may sarili ding circle of friends ang kapatid ko kaya mas close kaming dalawa.
She looks very gorgeous everytime. Maari siyang ihalintulad sa model. Her best asset for me is her tan colored skin.
Everytime na naglalakad siya ay mapapansin ang itim na itim niyang long wavy hair habang nagba-bounce.
"I think ito na 'yung classroom natin" tumigil kami sa harapan ng isang classroom.
Binasa ko 'yung pangalan ng classroom. At tama dito na nga.
Nginitian muna namin ang isa't isa bago pumasok. Weird huh. Para kaming baliw. Hahaha
Pagkapasok namin ay agad natuon sa amin ang atensyon ng mga estudyanteng naroon. Para bang first time nilang magkita ng transferee.
Naghanap agad kami ng bakanteng upuan. Madami pa namang vacant kaya lang ay walang magkatabi.
Nagtinginan muna kaming dalawa bago ko siya tinanguan. Lumapit siya doon sa lalaki na wala pang katabi sa likod. Habol ang tingin ng ibang estudyante sa kaniya. Ang iba naman ay nakatingin sa akin.
Awkward
"Ahm would you mind if sa ibang upuan ka muna maupo. Gusto ko kasing magkatabi kami ng kaibigan ko. If okay lang sa'yo" tanong niya doon sa lalaki na parang gulat na gulat.
"Ahm y-yea! Sure!"
"Thanks" nginitian niya 'yung lalaki at nilingon ako. Nginisian ko siya.
"Goodjob" sabi ko pagkalapit sa kaniya.
Nginisian niya din ako pabalik. Pinasadahan ko ng tingin ang mga estudyante. Ang iba ay titig na titig pa din sa amin.
Napawi lamang ang atensiyon nila sa amin nang dumating na ang sa tingin ko'y magiging homeroom adviser namin.
Bumati ang adviser namin at nagpakilala. Miss Constantina Valeria ang pangalan niya at mukhang nasa mid 30's na siya. Pagakatapos nito ay muli siyang nagsalita.