Kabanata 3

24 2 0
                                    

Hanggang matapos ang klase ay 'yun pa din ang bumabagabag sa isip ko. Hindi ko maiwasang kabahan na ewan. Tsh!

"Hoy! Kayong dalawa! Sibat na ako ha. Uso palamig ng ulo. By the way busy ba kayo sa sunday? Tara sa mall? Hehe" dumating na ang sundo ni Mitch.

Hindi naman ako busy kaya tumango ako ganon din si Milan.

"Yeeeeeeesssss!!! Sige byeee!" Umalis na ito.

"Ikaw nasan sundo mo?" Baling ko naman sa nanahimik kong kaibigan.

"Parating na" sabi niya sabay tingin sa cellphone.

"'Wag mo na isipin 'yun. Tsh nagpapapansin lang 'yun" nagulat ako nang basta niya na lang ako lingunin.

"Putangina kase! Nakakagigil! Ayaw ko talaga sa lahat ay 'yung may tangang nagpapapansin sa harap ko. Ang dami dami sinasabe! Feeling pa niya ang ganda ganda niya like wow!" Kunyareng nagugulat na sabi nito! "Sasabihin pa niya na kung wala 'yung isang babae ay siya ang papatusin ni Jaz?! Ulol kaoag nangyari 'yun makakapatay talaga ako ng kaklase. Balaan mo 'yang kapatid mo ha. Ayos na sa akin na maging girlfriend niya 'yung lintek na hindi ko pa din alam ang pangalan basta 'wag niyang papatulan si Patricia. No way! Hindi ako papayag!" Nahingal pa ito matapos sabihin lahat ng kaniyang litanya.

"Gagu ka 'yung laway mo!" Inis na sabi ko.

Hindi niya ako pinansin. "Ayan tuloy si Mitch medyo nasungitan ko pa."

"Ayos lang 'yun. Naiintindihan niya naman."

"Oh! Andito na si Mang Ruben" tama siya dumating na ang sasakyan nila.

"Sige bye. Ingat!"

"Bye! Bakit hindi ka pa umaalis? Andiyan sasakyan mo 'di ba?"

"May kakausapin lang ako! Sige na bye!" Pinagtulakan ko na siya sa loob ng sasakyan.

Nang makaalis na si Milan ay tsaka ako nagpalinga-linga sa paligid.

"Bwisit na Wane 'to ako pa pinaghintay"

Maya maya ay nahagip ng paningin ko ang aking kapatid.  Kasama niya 'yung Nath. Gusto ko sanang lapita  kaya lang ay nahihiya akong baka masira 'yung moment nila.

"Hey! Sorry matagal ba kitang pinaghintay?" Dumating na si Wane. Nakangiti siya. Bakit? Ewan ko din.

"Oo. Sinasayang mo ang oras ko." Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"Ah sorry" napapahiya niyang sabi.

"What is it that you wanna to talk about? Bilisan mo" mataray na tanong ko.

"Jai. Sorry for what happened last week. Hindi ko alam na magagaliy ng ganon si Jaz sa'yo" hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko ding pinalis 'yun.

"Nangyari na e. Ano pang magagwa natin? Oh ano pang sasabihin mo.?

"Jai.."

"Ano nga?" Psh hindi pa agad sabihin.

"I-i miss you" parang binomba ang puso ko dahil sa bilis ng kalabog. Takte kalma lang heart. "Jai miss na miss na kita"

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam ang sasabihin ko. God! Bahala na.

"Wala ka na bang sasabihin?"  Pinilit kong huwag mailang.

"Jai naman. Please!"

"Ano ba Wan--" napatigil ako sa pagsasalita dahil sa paparating.

"Oh. Hi Wane!" Ito 'yung masama ang tingin sa akin nong nasa cafeteria.

"Chesca? Why are you here?" Si Wane.

"Eh? Malamang parking lot 'to" pagkasabi non ay humarap ito sa akin.

Even It HurtsWhere stories live. Discover now