Simula

32 3 0
                                    

"Are you sure about this Jai?" tanong ni Jerah sabay pasada ng tingin sa aking mga gamit na kakatapos ko lang iempake.

Kalalabas ko lang mula sa aking bathroom dahil katatapos ko lang maligo.

"Oo naman" simpleng sagot ko sa kanya

"Alam mo pwede mo pang bawiin yung request mo kay daddy. You can stay with us, with me. Bakit ba kailangan mo pang umalis?" Bakas sa tono niya ang pag-alala.

Tumayo siya mula sa pagkakaalis sa aking kama at hinintay niya akong pumunta sa may salamin at maupo sa upuan na naroon. Tinanggal ko ang tuwalya sa aking ulo at siya naman ngayon ay sinusuklayan ako.

Kambal kaming dalawa ni Jera. Fraternal twins, sa aming dalawa ay siya ang mas matanda. We've been very close simula pa lang noong mga bata pa kami.

Maganda siya at matangkad. Kapansin pansin ang maputi niyang kutis at ang maitim at mahaba niyang buhok. Pinapatingkad ng kaniyang kayumangging mga mata ang mahaba at makapal niyang eyelashes. Matangos din ang kaniyang ilong at palaging makikita ang matatamis na ngiti sa mapula at manipis niyang labi.

Halos pareho lang kami ng pisikal na pigura. Kaibahan nga lang ay lagpas sa balikat ang medyo brownish kong buhok at mas maiitim ang katamtamang singkit kong mga mata. Hindi maliit si Jera pero mas mataas ang height ko sa kaniya.

"Buo na ang desisyon ko Jera. Magkikita naman tayo palagi sa school hindi ba?" Nginitian ko naman siya.

Nakita ko sa repleksiyon ng salamin ang pagsimangot niya. Ang cute niya kapag ganiyan haha. Hindi ko tuloy maiwasan lalo ang pagngiti at medyo mapahagikhik.

"Bakit ka tumatawa?" Inosente niyang tanong

Ito pa ang isa sa malaki naming pinagkaiba. Mahinhin siya at masyadong inosente sa mga bagay bagay. Pero hindi siya kagaya noong iba na pabebe. Natural sa kaniya ang pagiging inosente.

Hindi kagaya ko na hindi naman maangas ang mga kilos pero hindi din kagaya niya na dalagang pilipina. I'm in between.

"Wala ang cute mo kasi" ngumisi ako

"Heh! 'wag mo ibahin ang topic" inirapan niya ako

"Basta I promise you naman magkikita tayo palagi school. At kung gusto mo bisitahin mo'ko sa unit ko"

"Oh c'mmon. Hindi mo ako kailangang utusan kase 'yun talaga ang gagawin ko" muli niya akong inriapan. Natawa naman ako.

Natapos na siya sa pagsuklay sa buhok ko. Sabay kaming umupo sa kama ko.

"Si kuya Jaz ba ang dahilan kaya aalis ka?" Nag-aalala na naman siya.

"Hindi naman. Choice ko din ito, hindi ko din alam pero gusto ko lang talagang umalis haha."

"Ang sabihin mo ay gusto mo lang makapaglakwatsa at gawin ang mga kabalastugan mo nang hindi nalalaman ni daddy" pareho kaming nagulat ni Jera dahil sa tinig na 'yun.

It's Jaz. Our older brother. Kapapasok niya lamang sa kwarto ko. He wear his usual expression tuwing may presenya ko. Cold at parang inis na inins sa akin. I dunno kung paano niya napagsama ang ekspresyong 'yun pero iyon ang nakikita ko.

"Kuya" si Jera

"Louise bumaba ka na, the dinner is ready" pagkasabi niya noon ay isinara agad niya ang pinto. Si Jera ang tinutukoy niya. He calls Jera on her second name.

"Let's go?" Aniya at tumayo.Tinanguan ko siya at tumayo na din ako.

Kung ngayon lang siguro ito nangyari ay iisipin kong hindi ako belong sa dinner na 'yun. Si Jera lang kasi ang tinawag niya. Pero ganito naman palagi e.

Even It HurtsWhere stories live. Discover now