Kabanata 2

19 2 0
                                    


Tatlong araw ang lumipas at naging maayos ang lagay namin dito sa school. Nagkaron kami ng bagong ka-close. Hindi naman kami antisocial e. Talagang kinikilatis lang muna namin ni Milan kung sino ang kakaibiganin namin. 'Yan ang natutunan namin sa Camino University, dati naming school. Hindi mo kase alam kung plastik ba ang makakasalamuha mo kaya mas mabuting kilatisin muna.

"Saan nyo pa gustong pumunta" tanong sa amin ni Mitch. Payat siya at matangkad. Lalo siyang nagmukhang cute dahil sa maigsi niyang buhok na may bangs. Para tuloy siyang si dora.

Absent siya nong first day kaya pala hindi ko siya napansin. Nong malaman niya na may transferee ay agad niya kaming in-entertain.

Usually kapag mga ganitong makulit ay ayaw ko talaga pero trying hard siya sa pakikipag-close sa amin. Sumasama siya tuwing kakain kami ng lunch kahit hindi naman inaalok.

Narutuwa si Milan kay Mitch. Halatang nai-entertain ito kaya ngayon ay lagi kaming magkakasama. Siya na din ang naging tour guide namin dito sa school. Haha

"What if sa college campus tayo?" Si Milan

"Sure ka? Maa-attitude mga nandon e. Lalo na mga babae. Hays!"

Parang problemado siya sa ugali ng mga estudyante doon.

"Oh? Mas lalo tuloy akong naging interesado. Tara Jai?" Baling sa akin ni Milan

"Kayo na lang. Dito na lang ako pagod na din kasi ako kakalakad e" pagdadahilan ko kahit hindi naman talaga 'yun ang dahilan.

"C'mon Jai. Pwede bang huwag kang kj! Kung inaalala mo ang gwapo mong kapatid. Hayaan mo na lang 'yun. Ako bahala don" medyo nasamid pa ako sa iniinom kong soda dahil sa sinabi niya. Masakit sa ilong takte!

"Oo nga Jai sumama ka na dali!!" Pamimilit din sa akin ni Mitch. Parang kanins lang ay natatakot siyang pumunta do'n.

Wala akong magawa kaya sumama din ako sa kanila.

Mula sa gym ng high school campus ay nilakad namin hanggang sa tertiary campus. Dahil sa lawak ng eskwelahan ay pagod agad kami. Mabuti na lamang at may covered walk kaya hindi kami masyadong naiinitan.

Malaki din ang campus para sa college pero kung ikukumpara ito sa high school ay mas maliit ito. Dahil siguro mas marami ang estudyante sa high school.

We walked around the campus. Madaming estudyante ang narito. May ilan ding mga high school students ang narito. Kapareho sila ng suot naming kulay brown na uniform kaya ntitiyak ko ito.

Iba ang school uniform ng juniors sa seniors and ofcourse sa college. Meron kaming two types of school uniform. Sa Type A ay isang blouse na may nakapatong na brown coat at maroon na neck tie habang brown din ang above the knee na palda. Same as with type B pero ang pinagkaiba lang ay ang pangitaas which is long sleeve na puting blouse.

"Hey!" Nilingon namin ang pinanggalingan ng pamilyar na boses.

"Oh? Hi Wane!" Matamis na nginitian ni Milan si Wane. Pilit lang nitong sinuklian ang ngiti ng kaibigan ko. Sa akin nakatuon ang atensyon niya.

"Jai can I talk to you?" Bakas ang frustration sa mukha niya. I guess guilty padik siya sa nangyari noon sa cafeteria.

"You already talking" maarteng saad ko.

Lalo siyang nanlumo sa sagot ko. "I mean, I want to apologize for what happened last time"

Naramdaman kong tahimik lang na nakikinig ang   dalawa kong kasama.

"Tss." Inirapan ko siya at akmang magsasalita pa sana nang biglang nahagip ng paningin ko sina Jaz kasama ang mga asungot niya. Papalapit sila sa amin.

Even It HurtsWhere stories live. Discover now