01

13 0 0
                                    


"MAGNANAKAW!! Tumawag kayo ng pulis! May magnanakaw!"

Agad akong tumakbo sa isang masikip na iskinita habang nagkakagulo na ang mga tao sa paligid, sa ingay ba naman ng babaeng 'yon, grabe parang sirena.

Lumusot ako sa isang butas na palagi kong dinaraanan, nakakonekta ito sa daan malapit sa rinerentahan kong bahay kaya mas madali akong nakakatakas.

Kaswal akong naglakad nang makalayo ako para hindi mapansin. Sumiksik ako sa mga tao para hindi makita, mahirap na baka nasundan ako ni Santos.

"Tumigil ka!" namilog ang mata ko. Nasundan ako ni Santos?! Wow! Mukhang tumataas na IQ nito.

Mas sumiksik pa ako sa mga tao pero nang mapansing papalapit na siya sa'kin ay agad akong tumakbo.

"Tigil!" narinig kong sigaw niya sa'kin. At ba't naman ako titigil? Eh di huhulihin niyo ako, ano ako shungi? Psh.

Patuloy niya akong hinahabol kasama ang mga alipores niya, si Esparogoza at Valdez. Pamilyar na sila sa'kin, sa tagal ba nilang humuhuli sa'kin di ko pa sila matatandaan, duh kulang na lang Tom and Jerry ang title istorya namin.

Agad akong pumasok sa isa pang iskinita para maiwala ko sila pero nasundan pa rin nila ako.

Gosh, napra-proudan ako sa kanila umimprove na din ang panghuhuli nila sa'kin. Congrats Santos!

Gumaling nga sila sa paghuhuli sa'kin pero know what? Mas magaling ako at may magandang ideya na'kong naisip.

Nang medyo makalayo ako sa kanila ay tumakbo ako papunta sa isang bunton ng mga basura at gumawa ng espasyo sa ilalim para makapagtago. Agad kong tinakpan ang sarili ko gamit ang mga basura. So yes, this the 'magandang ideya' that I was talking about.

I tried hard not to breath heavily kahit pagod na pagod ako sa temple run namim kanina. Nanatili akong parang estatwa hanggang sa marinig ko ang tumatakbong mga yabag nila Santos. Nakasuot ako ng mask pero ghad! napakabaho pa rin ng nalalanghap ko.

"Putek! Naisahan na naman tayo ng babaeng 'yon!" rinig kong inis na sigaw ni Esparagoza. Sensya na, masmagaling lang talaga ako keysa sa inyo.

"Look around, baka nandiyan lang 'yan." narinig kong seryosong utos ni Santos sa kanila.

"Sir, baka nakalayo na 'yon, hayaan na lang natin. Magnanakaw rin naman ulit 'yon." balewalang tugon ni Valdez.

"And you call yourself a police?!" malakas na sigaw ni Santos. Napakahighblood nitong si Santos talaga.

"S-sorry sir." dinig kong mahinang paumanhin ni Valdez.

"Sir, wala po sa mga sulok."

Narinig kong bumuntong hininga ni Santos "Fine, let's go back to the station. We'll get her next time, nakalayo na 'yon." ani ni Santos at narinig ko ang yapak nilang paalis.

Hinintay ko munang tuluyan silang mawala bago ako lumabas sa mga basura. Agad kong inamoy ang jacket ko, langya parang amoy ng napkin at pampers! Heck! Kailangan ko nang maka-uwi para maligo!

Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas sa masikip na iskinita, inayos ko rin ang bag na ninakaw ko. I straightened my long dark hair at ngumiti bago umalis.

I took a step nang mapansing parang may malambot akong natapakan. Agad kong tinaas ang paa ko para tignan 'yon.

Fudge napkin!!






PAGKA-UWI ko ay agad akong dumiretso sa banyo. Ibinasura ko na rin ang sapatos ko sa basurahan.

Huwag niyong sabihin nagsasayang lang ako. Heck! Lalabhan ko 'yon kung hindi lang kumapit 'yong dugo ng napkin sa sapatos ko! Langya! ang fresh no'ng dugo tinalo pa ang sariwang isda!

WWS 01| QUINEX LEGAZPITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon