"CLASSIFIED? Pero i'm his daughter, hindi po ba sapat 'yon na dahilan para sabihin niyo sa'kin." seryosong sagot ko at napabuntong hininga si Mr. Leonardo.
"Hindi sa gano'n iha, pero my plan is to reveal things to you slowly para hindi ka mabigla." slowly? I'm not that weak!
Anong tingin nila sa'kin? Iiyak at magpapakamatay dahil lang sa problema sa buhay?! Ha! Hindi ako gano'n kababaw."Tell me. Sabihin niyo sa'kin lahat. Kung iniisip niyo pong hindi ko kakayanin, hindi po ako gano'n." Matapang na sabi ko at napatitig sa'kin si Mr. Leonardo at biglang tumawa...?
"You really resemble Khit, anak ka niya talaga." Aniya sa pagitan ng tawa niya.
Tumigil siya sa kakatawa at pinahid niya ang luha sa mata niya. Tumikhim siya at sumeryoso ang ekspresyon ng mukha niya "About your question iha." Pagsisimula niya.
"The truth iha is your father worked as my right hand. But our relationship are more than just work mates, we were close friends." Aniya at parang bumaba ang boses niya pagkasabi ng huling linya. Pero ang kumuha ng atensyon ko ay ang sinabi niyang right hand.
"Right hand in what?" Puno ng kuryusidad na tanong ko. Tumingin siya sa'kin at parang tinatantya ako.
"Right hand in our Organization..." bakit parang binibitin niya ako? What Organization?
"Just tell me." Madiin kong sabi.
"Mafia Organization, we were part of the Mafia Organization, I was the leader before and your father was my right hand but we quit few year ago, even before Khit died." Napatahimik ako sa sinabi niya.
Alam kong may rason kung bakit walang sinasabi sa'kin si Dad noon. Pero hindi ako makapaniwala na illegal. Parang hindi gano'ng klaseng tao si Dad.
"Khit is a good man, but he's also a very good fighter. Hindi sana magbago ang tingin mo sa tatay mo iha dahil sa nalaman mo." Aniya. Paanong hindi magbabago ang tingin ko? I never knew him that way, oh...baka nga in the first place I didn't really know him.
"Hindi ko maiwasan, my perspective of him just changed dahil sa sinabi niyo. Pero I don't hold any grudges in him, hindi ako galit. Hindi naman ako gano'n kababaw para hindi alam na itinago niya ang totoo dahil ayaw niya akong masangkot sa mundo niya." Sabi ko and he nodded repeatedly.
"As expected, Khit raised you really really well..." I heard him mumble.
He did raised me well. He was a good father to me, pinagkaitan niya ako ng mga bagay pero para iyon saakin. Hindi siya nagkulang saakin kahit siya lang ang nagpalaki saakin.
"What about my mother?" Di ko mapigilang itanong.
Umiling siya "Khit never mentioned her to me. Ang alam ko lang ay may matinding rason siya kung bakit ayaw niyang ipaalam sa iyo ang tungkol sa mama mo." Aniya.
"And also iha, read the last page of the will." Aniya at napakunot noo ako.
Inilipat ko ang panid hanggang sa huling pahina. Binasa ko iyon at napatulala.
"Anong ibig sabihin nito?" Naiinis at nagugulugang tanong ko.
"As what it says, noon pa man ay napagkasunduan na namin 'yan ni Khit. We want Thux and you na magkatuluyan. At he said na dito ka na manirahan for you to be safe. We'll never know what happens if someone will leak info about Khit or us." Napatanga ako. Magkatuluyan? Ano 'to arrange marriage at 21st Century?
