03

4 0 0
                                    


PAGKAPASOK ko sa room napunta agad ang tingin ko kay Ein na busy sa pagdudutdot sa phone niya.

"Yo, Quin!" bati ng isa sa mga lalaking kaklase ko. Bumaling ako sa kinaroroonan nila at tumango.

Dumiretso ako sa upuan ko na pinaggigitnaan ng upuan ni Ein at Ax. Tumingin ako kay Ein. Bigla ko tuloy naalala ang mga nangyari kahapon.

"Ein, medyo naaamoy ko pa 'yong suka mo kahapon." I said without looking at her. Naramdaman ko namang bumaling siya sa'kin at ramdam ko ang sama ng tingin niya sa'kin ngayon.

"Shut up Quin" madiin na sabi niya sa'kin and I chuckled.

Napatigil ako sa pagtawa nang may tumawag sa pangalan ko. Napabaling ako roon at nakita ko si Shawn, isa sa mga kaklase ko.

"Uh- I need to get your re-report." Aniya kaya kinuha ko sa bag ko ang nakafolder na report.

Inilahad ko ito sa kanya at kinuha niya ito agad at umalis.

"Alam mo Quin, Shawn likes you." Medyo nagulat ako nang makitang nakalapit ang mukha ni Ein sa mukha ko habang nakatingin ng diretso sa kakaalis lang na si Shawn.

"The heck Ein?! Huwag mo ngang ilapit 'yang mukha mo." Ani ko at inilayo ang mukha niya sa'kin. Ngumuso lang siya at nagroll eyes habang bumabalik sa pwesto niya.

"Psh- ...anyways, totoo nga Quin. Look, he's so shy when he's talking to you and look at his eyes, ni hindi ka man lang matignan ng diretso. He really likes you !" she exclaimed at naghand gestures pa habang ineexplain.

Kung ano-ano na naman ang napapansin ng babaeng 'to.

"Ang malisyosa mo Ein, mahiyain naman talaga si Shawn at pa'no mo nasasabi na may gusto ang isang tao sayo dahil lang hindi mapakali ang tingin." I rolled my eyes at her. She just looked at me na parang hindi makapaniwala.

"The heck Quin?! Alam kong medyo cold ka pero I didn't know na ganito ka kamanhid. Oh my gosh I can't believe it!" Napailing lang ako sa OA niyang reaction.

"Hindi ako manhid Ein, malisyosa ka lang." Ani ko.

"No I'm not, i'm just...just...i'm.." nauutal at nagiisip niyang sabi.

"You're what?" paglilinaw ko.

"I'm just.... an observant! Yes, that's the word!" Aniya at napapatingin na rin sa'min ang ibang kaklase namin dahil sa ingay niya.

"Okay then, Miss Observant." sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Whatever Quin, i'm telling you. You don't even know that almost all guys in school knows you and half of them are in to you" yeah, malisyosa talaga 'tong babaeng 'to. I'm not the type of a girl na magugustuhan ng mga lalaki at alam ko 'yon sa sarili ko, kung si Ein pwede pa.

"Shut up Ein." Nasabi ko na lang at tumahimik na siya. Sakto naman na bumukas ang pinto at pumasok si Ax na busy sa pagtatanggal sa wrapper ng hawak niyang lollipop.

"Ang cute talaga ni Ax oh my gosh!!" rinig kong ani ng ibang mga kaklase naming babae at di ko maikakailang tama sila. Ax is just way too cute.

Nakasuot siya ng puting dress hoodie and it reached just the top of her knees. She's also wearing a white shoes with white socks that reached her ankles. She also has a small cute gray bag pack. 'Yong mahabang buhok niya naman ay nahati sa dalawang braid at nakapatong lang sa balikat niya.

Dumiretso lang siya sa paglalakad papunta sa upuan niya habang nakapokus lang ang tingin sa tinatanggal niyang wrapper. Nakakunot noo siya at parang medyo naiinis na.

Napatigil siya at tumingin sa'kin. Inilahad niya ang lollipop sa harap ko at nagsalita "Quin can you open it?" Tumango ako at kinuha ito. Tinggal ko lang ang wrapper na hindi naman masyadong mahirap tanggalin pagkatapos ay ibinalik ko ito sakanya.

WWS 01| QUINEX LEGAZPITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon