04

5 0 0
                                    

FINALLY it's friday which means I need to work again. Limang libo na lang ang natitira sa wallet ko. Kailangan ko pang magbayad ng buwanang upa at bumili ng stock ko ng pagkain.

Isinuot ko ang jacket ko, mask and cap. Pupunta ako ngayon sa kabilang bayan. Stealing in the same place again will look suspicious.

Nang makarating ako ay naghanap ako ng isang cafe na malapit sa banko para makapagmasid. Ayaw ko ng habulan ngayon kaya I'll do it silently.

Nakita ko ang paglabas ng isang babae mula sa bangko, mukhang mayaman. Sana lang di na naman scam kundi titira na talaga ako sa kalye.

Sinundan ko siya ng hindi napapansin at nakikipagsiksikan rin ako sa mga tao para walang maghinala sa'kin.

Papasok na 'yong babae sa kotse. Move Quin.

Kaswal akong naglakad sa likod niya. I can't do it silently kailangan ng takbuhan ngayon. Buti na lang at may alam akong malapit ditong iskinita na pwedeng pagligawan sa mga pulis kung sakali.

Nang makatyempo ako ay agad kong hinablot ang mamahalin niyang bag at tumakbo papunta sa iskinita. Rinig ko ang pagtili ng babae at alam kong tumawag na siya agad ng pulis kaya mas binilasan ko ang pagtakbo.

Iniwasan ko ang mga tao at pumasok sa iskinita pero napatigil ako ng may makitang dalawang pulis na nagkwekwentuhan roon, darn!

Kinalma ko ang sarili ko at pinunasan ang pawis na namuo sa noo ko. Isinuot ko ang bag sa balikat at huminga ulit ako ng malalim.

Kaswal akong naglakad roon. Kailangan ko lang malagpasan ang mga pulis.

Kalma Quin.

Kinakabahan ako at rinig na rinig ko pa ang pagtambol na puso ko sa kaba. Heck Quin! Kumalma ka!

Hindi nila ako napansin dahil nagkwekwentuhan silang dalawa at nagtatawanan.

"Huliin niyo 'yong babaeng 'yon!" narinig kong malakas na sigaw ng isang tao.

Napabaling ako roon at nakitang napatingin ang dalawang pulis sa'kin. Fudge Quin! Run!

Agad akong tumakbo sa masikip na pasilyo, heck di ko masyadong kabisado ang mga daan rito!

Lumusot lang ako sa mga pwedeng lusotan, hindi ko alam ang pinupuntahan ko. Basta makalayo lang ako sa kanila.

Parang sumasabay ang pintig ng puso ko sa pagtakbo ko, fudge kinakabahan na ako!

Nasusundan nila ako agad at ang hirap nilang maiwala. Napapikit na lang ako ng mariin. Focus Quin.

Tumingin ako sa paligid at inobserbahan. Tinignan ko ng mabuti kong may mga butas na pwedeng pagtaguan o mga pwedeng lusotan nang hindi napapansin.

Nakita kong may ibang daanan na paliko, agad akong pumunta roon na umaasang hindi nila ako masundan.

Namilog ang mata ko nang maramdaman kong may humigit bigla sa kamay ko at tumakip sa bibig ko. What the heck?! Kinikidnap na ba ako?!

Nagpumiglas ako at pinilit makawala pero ang higpit ng hawak niya. Sinubukan kong magsalita pero ang higpit at ang laki ng kamay niyang tumatakip sa bibig ko.

"Quiet, I'm helping you." rinig kong sabi niya. Agad akong tumahimik at hindi na nagpumiglas, sino ba kasi 'to?!

Narinig ko ang yabag ng mga pulis paalis. Nang tuluyan nang mawala ang tunog ng yapak nila ay marahas kong tinanggal ang kamay na nasa bibig ko at pina-ikot ko ito nang hinarap ko siya.

"Ah-aww!" daing niya.

Wait- the guy at the amusement park?! Thux?!!

"You! Sinusundan mo ba ako?!" tanong ko sa kanya at marahas na binitawan ang kamay niya.

WWS 01| QUINEX LEGAZPITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon