Title:A Secret Powers
Chapter 4
Lance P.O.V.
Natahimik ako nung sinabi sa akin lahat ni yui ang lahat ng problema nya sa akin.
"Bahala na nga kayo dyan!"ang sabi ko na lang.
Nag walk out ako sa kanila nung nasa hagdanan na ako ay nag teleport na agad ako kwarto ko.
Ano ba kasi itong mga pinag gagawa ko?Hindi ko na pala alam na nasasaktan ko na si yui.Oo nga naman may girlfriend na ako bakit ko pa sya pinapakielamanan bahala na nga sila jerome na dyan sa babaeng yan.Tuloy biglang pumasok sa isip ko ako pala ang nagdala sa kanya at ako rin din pala ang pumayag na maging maid sya.Ang tanga ko ang.bobo ko bat ko ba sya ginaganun?
YUI P.O.V.
"Okay ka lang ba?"ang tanging sabi sa akin ni gab.
Tumango lang ako sa kanya.Ang tanga tanga ko kasalanan ko rin naman kasi ako rin kasi ang pumayag na sumama sa kanya at pag aralin ako at maging maid ako.
"Amm... Yui siguro kailngan mo lang nang pahinga?"ang sabi no jerome.
"Siguro nga!"ang tanging sabi ko.
"Hey guys,What happened here?May narinig akong mga sigawan dito ah?"ang pahabol ni billy na kakarating lang.
"Bro late ka na sa eksena!"ang sabi ni jerome kay billy.
"Ako na lang ang mag hatid sa kwarto mo yui!"ang sabi ni gab.
"Hindi ako na lang kaya ko na man eh!"ang sabi ko.
Iniwan ko na sila sa baba at umakyat na ako napatingin ako sa kwarto ni lance.Oo nga pala may girlfriend na sya bakit ba nagmumukha akong nagseselos?Pumasok na ako sa kwarto ko.
Hays nakakapagod makapagpahinga na nga lang.
Nagising na ako mga ala syete.Sh*t mag hahanda na ako nang pagkain.Nagmamadali akong bumaba sa 1st floor at medyo inayos ang buhok at napasilip ako sa lamesa buti na lang ay kakarating lang nila bat wala pa si jerome at si lance kakain na ah.
Dapat pupunta na ako sa kusina para kunin na ang nga pagkain na ihahanda sa lamesa.
"Ay kabayo!"ang pagkagulat ko.
Napahawak ako sa dibdib ko at huminga nang malalim at nakita kong nasa likuran ko si lance naakahawak ito sa bulsa nya at nakasimangot pero ang pogi nya parin kahit papaano kahit nakasimangot.
"Anong tinitignan mo dyan?"ang sabi ni lance.
"A-ah ako?"ang sabi ko.
"Oo ikaw ang kausap ko bat ka sumisilip dyan?!"ang malamig na sabi ni lance.
"Ahhh tinitignan ko kung nandun na ba kayo sa lamesa para makapaghanda na ako!Sige ah kukunin ko na ang mga pagkain!"ang pagpapaalam ko.
"Bat hindi ka kanina lumabas nang kwarto mo?Nasan ka nun?"ang pahabol na sabi ni lance.
Nagkunwari akong walang narinig habang papunta sa kusina pero bigla nya na naman ako ginulat dahil nagteleport na naman sya sa harap ko para humarang sa dinadaanan ko.
"Nakakainis na ito ah"ang pabulong ko sa sarili ko.
"Kinakausal kita!"ang sabi ni lance.
"Ano po yun,young master?"ang sabi ko.
"Ang sabi ko bat ka hindi lumabas ng kwarto mo kanina,nasan ka nun?"ang sabi ko.
"Bakit nyo po yun tinatanong?"ang sabi ko.
YOU ARE READING
A Secret Powers
Fantasya nice story guyss!!gagawa ako ng maramingg chapter nito guyss maganda to promisee please follow me naa❤