***
"Sige tol una na akong umuwi sa inyo oh baka magtampo nanaman kayo alam nyo namang masyadong maalaga sila mama kaya dapat mga 5 nasa bahay na ako" paliwanag ko habang inaayos ang motor ko, gusto ko na din talagang umuwi feeling ko kasi pagod yung utak at katawan ko
"Baka hindi ka nanaman sa amin sumama next time, pero sige ok lang kahit wag na" sarcastic na giit ni Gerald sa akin, bat ba kasi ang mga gala nila? For sure naman pinapagalitan din sila ng mga parents nila
"Sasama ako next time wag kang magalala, sige na mauna na ako okay?" Tumango sila at sumakay na ako sa motor "Umuwi kayo ng maaga baka magtext nanaman sa akin ang mga magulang nyo at pagtakpan ko nanaman ang mga kagaguhan nyo, nakakapagod din magsinungaling tas minsan ang excuse ko hindi pa tugma sa excuse nyo, sige dyan na kayo!" Agad kong pinaharurot ang motor dahilan ng kinaatras nila dahil sa usok mula sa tambutso nito
---
"Kuyaaaaa" anak ng teteng andito nanaman tong makulit na to e "buksan mo yung pinto may itatanong akoooo"
"Tuleg bukas yan!" Sigaw ko sa kanya kaya dali dali nya itong binuksan "oh bakit?"
"Paano magluto ng adobo?" Oh Josko, hindi ko sya pinansin at dali daling bumaba, no way ayokong sya ang magluluto last time naalala ko napakaalat minsan naman kulang sa asin o betsin "Ako na! Adib-adib ka nanaman! Ako na!" Habol nya sa akin pero naunahan ko na sya sa kusina
"Anong ako na? Sarili mo ngang luto di mo nakain kasi maalat diba? Maawa ka sa kidney ko, asan ba si mama?" Giit ko sa kanya kaya napapout na lang sya
"Umalis kasama si David ewan ko kung saan pupunta yun baka bibili lang ng kailangan ni David sa school nun" sagot nya at hinugasan ang patatas "Bat kasi ang unfair e! Ikaw marunong tas ako hindi? E dapat nga ako yung marunong kasi ako yung babae!"
"Gagaling ka din, not now but I'm not sure" pabirong sambit ko sa kanya kaya pinalo nya ang braso ko
"Kuya sumali ako sa isang sh" saan daw? Senior high? E grade 9 pa lang naman sya ah
"Ha? E diba grade 9 ka pa lang? E bat sh na agad?" Tanong ko sa kanya
"Baliw sa rpw" sagot nya, anong rpw rpw nanaman ang nalalaman nito? "Facebook account yun"
"Kung ano ano nalalaman mo, magaral kang mabuti hindi facebook ka ng facebook" giit ko sa kanya at tinarayan ako wow "Ikaw kakataray mo dudukutin ko yang mata mo"
"Rpw kuya means Role Playing World" napataas ang kilay ko habang ginagayat ang mga bawang at sibuyas dito "Isa syang facebook account but of course it has a rules"
"Rules rules, sawa na ako dyan sa mga rules na yan" sinalang ko ang kawali at hinihintay itong uminit
"Hide your identity and your personal information, bawal kang makita I mean bawal mong ipakita ang muka mo" paliwanag nya habang ako nakatingin lang sa kawali "Maganda dun kasi nakakapaglabas ka ng emosyon kuya, hindi katulad sa rw"
"Ano nanamang ibig sabihin nyang rw na yan?" Tanong ko sa kanya at binuhos ang mantika sa kawali
"Real world, and then your ports? Hindi dapat ikaw maybe Koreans? Americans? Philippine celebrities? Ay basta mga ganyan, did you get me kuya?" Ang daldal parang ang nonsense naman ng sinasabi, tago yung personal information? Para saan naman yan
"Oo sige naiintindihan kita" giit ko sa kanya kaya halatang nakangiti sya
"Gawan kaya kita kuya?" Tanong nya at umiling ako
"Hindi ko na kailangan nyan, may account na din naman ako" tanggi ko sa kanya
"Rp account?" Daming tanong naman e
"Hindi" sagot ko kaya napabusangot sya, ginisa ko ang bawang at sibuyas at nilagay ang manok
"Dali na please? Sige na! Ittry mo lang naman kuya! Dali na gawan na kita dali na nga!" Para naman tong bata hinihila yung laylayan ng damit ko!
"Madumihan damit ko! Puti pa naman yan!" Saway ko sa kanya at ihinaksi ang kamay nya "Bahala ka sa buhay mo Elena"
"Gawan na kita? Sure na yan? Ako na bahala diba?!" Ingay nya talaga, Nasanay na lang din ako sa 15 years ba naman na kasama ko tong babaeng to hindi ka masasanay?
"Bahala ka basta ako? Ewan, hindi ko alam kung gagamitin ko ba yang gagawin mo sa akin, baka maging istorbo pa yan sa buhay ko" giit ko sa kanya habang inaantay na kumulo ang niluluto ko
"Bakit naapektohan ba yung sa akin kuya? Lagi akong with honor diba?" Taas noong pagmamayabang nya at tinignan ko lang sya ng nakakairita look "bakit? Hindi ba totoo?"
"Okey fine sige na lagi ka ng with honor, nahiya kuya mo sayo" sarkastikong banat ko sa kanya kaya napakunot ang noo nya
"Basta ha gagawan kita, gagawan na kita, ikaw na lang magluto dyan okay?" Tumango ako para manahimik at umalis na sya dito sa kusina "Pag yun di mo ginamit bahala ka, baka andun na true love mo tas tatanggihan mo pa"
"Stupid? Pano ka makakahanap ng true love gamit dyan e hindi nga kayo magkakilala in real life?" Tanong ko sa kanya at kinangiting mapangasar nya
"Bakit? Hindi ba kayo pwede mag knowing better?" Hays ang batang to andaming chichiburitchi e "But kuya! Fake world fake feelings okay?"
"Oo na sige na!" Sigaw ko at dali dali syang umakyat sa kwarto nya
***
"Elena? Ikaw ba talaga nagluto nito?" Tanong ni mama kaya napangisi na lang ako
"Hindi ma si kuya, maawa daw kasi ako sa kidney nya" sarkastikong sagot nito kaya binaling ni mama ang atensyon sa akin
"Why don't you teach your sister how to cook Jacob?" Tinignan ko si mama at nagsign ng ayoko "bakit naman?"
"Mama may internet pwede nyang isearch dun kung ano at pwede nyang lutuin with guide lines pa" sagot ko sa kanya at tinignan si David bunso namin na ang lakas lakas kumain
"Sabagay oo nga naman Elena, baka naman hindi mo ginagamit sa tama ang cellphone mo?" Tanong ni mama sa kanya at nginitian ko lang sya ng nakakaloko "Jacob? Are you sure about sa pagttransfer mo pagtapos nitong grade 10 mo?" Tanong ni mama at agad akong tumango habang sumusubo ng pagkain "Okey? If that's what you want"
"Thanks ma, alam mo naman yata kung gaano ko kagusto diba?" Tumango sya at nagpatuloy sa pagkain.
"Kuya? Sure ka na ba sa strand mo?" Tanong ni Elena at ngumiti naman ako sa kanya
"Oo naman kilala nyo ako ayoko ng regrets sa buhay ko" tumango sya at uminom ng tubig
"And how about ate Tessa?" Natigilan ako sa pagkain at tumingin sa tubig na binaba nya
"Wala na, hindi na kami babalik sa dati at sa kung ano ang meron kami noon" sagot ko at binitiwan ang kudyertos
"Is that the reason kaya gusto mong magtransfer anak?" Tanong ni mama at umiling iling ako
"Of course not mama, bakit naman? Wala namang magagawa kung magpapaapekto ako sa mga nangyare diba? Be matured, wag mong ipalagay ang buhay at pangarap mo sa isang tao na walang kasiguraduhan pag dating sayo, siguro acceptance na lang na hindi na mababalik sa dati ang lahat lahat" sagot ko at kinatango nila
"Ang mean mo naman kuya haha!" Pangaasar ni David at kinatawa naming lahat.
YOU ARE READING
The Best Part Is You
General FictionPano kung ang nakilala mo lang sa pekeng mundo ay ang magpapabago ng ikot ng mundo mo, stranger turns into your favorite person, and how if the distance is the hindrance between you and her? Howww?! At anong mga risk ang pwede mong gawin para sa tao...