Akira's Pov
*Rinnngggg*
Aish! Naririnig ko nanaman ang hudyat na kailangan nanaman pumasok sa school, another day na kailangang makipagsabayan at makakuha ng mga matataas na grado at maipakita sa papa ko, sa totoo lang gusto ko pa matulog dahil puyat ako kagabi kakaintay sa kars ko sa rp but this is not the first time na puyat ako, lagi naman.
Pinatay ko ang alarm at nagbukas muna ng rp account ko, lagi kong kachat si kuys para ngang kilalang kilala ko na sya kung makapagkwento kami sa isa't-isa, at hindi sa pagsisinungaling? Ang gaan gaan ng loob ko na sa kanya kahit tinarayan ko sya sa una nakakaguilty kasi ang ganda ng personality nya. Awkward pa nung nakaraan pano ba naman basta!
Me:
-Hoy kuys gising na dyan!
-Wake uppp!
-Papasok na!Ang cute lang kasi he always treat me so special na para bang lahat ng inuutos ko ginagawa or sinusunod nya and plus he's not like other boys out there na mabisyo nakwento nya din na lagi nyang sinusunod ang personal hygiene nya kaya napapaisip ako siguro mabango yung lalaking yun and the most attractive to him for me? He's with honor like me kaya nagkakasundo din kami pagdating sa usapang pangpaaralan. Napalingon ako sa kapatid ko na katabi ko lang sa higaan na ngayo'y naghihilik pa, ang sarap ng tulog ah kala walang pasok ah.
"Hoy Sky! Gising na" bulyaw ko sa kanya kaya naiinis na tinalikudan ako "Hoy may pasok abno, bumangon ka na dyan!"
"Ingay ingay naman e!" Pagiinarte nito kaya yinugyog ko sya para maslalong matauhan na may pasok nga "Parang tanga naman to si ate e!"
"Bobo ka ba may pasok nga pasalamat ka nga ginigising kita dyan, bumangon ka na dyan!" Yugyog ko ulit sa kanya at aba nagtaob pa talaga ng unan sa magkabilang tenga na hinugot ko naman kaagad "bumangon ka na dyan ang hirap mo namang gisingin ako nga isang vibrate pa lang ng selpon ko gising na agad ako tapos ikaw? Pag buntis siguro gigising sayo for sure mapupunitan o kaya mapapaanak na lang ng wala sa oras dahil sayo"
"Bakit buntis ka ba?" Aba abnormal yata to e pinipilosopo ba ako nito o sadyang nangaasar lang?
"Pag nga diba bobo mo, bumangon ka na dyan ha, bahala ka sa buhay mo" tumayo ako at kinuha ang twalya na nasa balkonahe ng bahay namin, sinabit ko ito sa balikat ko at bumaba mula sa second floor ng bahay
"Gising na ba kapatid mo?" Tanong sa akin ni mama kaya tumango na lamang ako "andyan na yung almusal nyo wag nyong ubusin yang dalawa ni Sky may magaalmusal pa mamaya"
"Saan ka pupunta ma?" Tanong ko at kumuha ng tinapay na nasa tapat ko
"Mamalengke lang ako ng maaga, wala na din kasing laman yung ref at pag nagising na papa mo sabihin mo mabilis lang ako" napatango na lang ako at kumagat sa tinapay na hawak ko, narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto hudyat na umalis na si mama. Kinuha ko ang selpon sa bulsa ko at muling nagonline
Jayeon:
Good morning babygirl, ito na nakabangon na nagaalmusal na nga eMe:
Aba dapat lang naman, sige na kain ka na dyan kuysJayeon:
Tawag kaAba keaga-aga namimiss agad ang magandang boses ko? Pero joke lang no alam ko namang bola lang nya na maganda ang boses ko
Me:
Okey sige.Agad kong dinial ang phone number nya at agad naman itong sumagot sa tawag ko
"Good morning" bati nya mula sa kabilang linya, his voice? halatang kakagising nya lang pero bat ganun ang cute naman pag bagong gising sya tapos sa akin? "Mag-almusal ka na dyan"
YOU ARE READING
The Best Part Is You
General FictionPano kung ang nakilala mo lang sa pekeng mundo ay ang magpapabago ng ikot ng mundo mo, stranger turns into your favorite person, and how if the distance is the hindrance between you and her? Howww?! At anong mga risk ang pwede mong gawin para sa tao...