CHAPTER 2 - First Eye Contact

2 0 0
                                    

First Eye Contact

          After a few days. Nagiging close ko na yung iba. Nakakausap na nila ako or kinakausap na rin nila ako. Although, nahihiya sila kase yung iba daw hibdi fluent sa tagalog, yung iba naman nahihiyang kausapin ako.
Okay na sakin yung ganong bagay. Syempre nakikilala ko parin sila kahit na simpleng ganon lang. Tinuturuan nila ako. Pero di ko mapick up.

Uwian na, nasa bahay na ako. Wala naman ako masyadong ginagawa i mean kami. Syempre kakastart lang naman ng school kaya wala pa gano. Naninibago nga ako e. Syempre ganon. Masaya pala. Akala ko pag public e puro lang kalokohan ang magagawa. Hindi pala. Kila Kyle at Belle na ako sumasama. Pero paminsan minsan naman kay Lenna, mababait naman sila. Puro sila palangiti pagnakikita mo. Kaya nakakatuwa.

----

Maaga akong nagising dahil nga kailangan daw na maagang pumasok kase daw maaga nag sstart ang flag ceremony. As usual, sila Kyle ang kasama ko. Minsan naman ay si Lenna. Bihira kaming mag sama ni Lenna kase naiintindihan ko namang may iba rin siyang kaibigan rito at di lang ako.
Habamg nagkaklase kame, di ko maiwasang mapatingin sa paligid. Pakiramdam ko kase may nakatingin saakin. Pero hindi ko alam kung sino. Nang wala akong makita. Ipinagsawalang bahala ko nalang. Mag lalunch time na pala. Di ko parin alam kakainin ko.

*Ring ring*

Narinig namin tumunog na ang bell, hudyat na pwede na kaming mananghalian. May mga pahabol lang na sinasabe yung teacher kaya medyo natatagalan kame. Pero di naman nagtagal pinalabas na rin kami.

"Blaire, anong kakainin mo?" Tanong agad saakin ni Kyle, tinignan ko siya iniisip kung ano nga ba.

"Mag cchicken nalang rin ako, kayo ba?" Agad kong tanong sakanila. Pero ganon rin naman sagot nila. Medyo mahirap bumili ng makakain. Kase siksikan siya, napakadaming tao kase.

Dumiretso kame dito sa likod ng canteen, ito kase maraming mabibili na pwedeng pagpilian. Pero dahil chicken lang yung trip ko. Kaya ayon muna pinabili ko.
Nang nakabili na sila dumiretso agad kami dito sa tapat ng room namin. Kami kami lang naman. Lenna, Belle, Kyle at Ako. May kanya kanya kaming ginagawa. Ako nag ccp lang tapos sila may pinagkukwentuhan.
Nakinig ako sakanila habang nag kukwento sila kahit di ko naman maintindihan. Nakikinig lang ako.

"Tagalugin nyo. Di naiintinduhan ni  Blaire. HAHAHA" sabe ni Belle ng makaramdam siya. Narinig ko namang nag ehem si Kyle. Akala ko siya ang magpapaliwanag.

"Kilala mo ba si kiefer?" Tanong sakin ni Lenna. Like duh, transferee ako pano ko makikilala yon.

"Hindi e, bakit sino ba yon?" Nagtatakang tanong ko sakanya. Tas nilibot ko tingin ko sakanila. Iniisip ko kung anong meron don kase ganon nila pag kwentuhan .

"Ex nya yon. Kaso babaero kasi. Kada buwan ata paiba iba babae non" Napa "ahh" nalang ako. Curious lang ako kung bakit nila pinag uusapan. "Kung titignan e parang mahiyain yon pero babaero pala" dugtong naman ni Belle. Nako. Galit ako sa mga babaero. Sobra. Kase yung boyfriend ko. Isa na siya sa mga kilala kong babaero. Pinatawad ko lang siya. Kase syempre mahal ko, kailangang patawarin kahit gano pa kasakit yon.

"Kaklase ba natin? Sino sakanila?" Tanong ko, wala naman sigurong masama macurious hindi ba?
"Pahiram ng cellphone mo" sabe ni Lenna saakin, nag aalangan ako pero binigay ko parin. "Ayan oh, friends naman pala kayo" pagpapakita sakin ni lenna, pero mad nagulat ako ng makita ko na friends kame sa facebook, pati sila nagulat hindi lang ako. Baka isa sa naaccept ko kase

"Siya lang pala" sabi ko na parang natural lang. Wala naman akong magagawa kung siya man yon para sakanila. Ang sakin lang naman, nacurious ako dahil nga sa kung pano nila ito pag usapan.

*Ring ring*

Narinig ulit naming tunog ng bell. Hudyat na oras na para pumunta sa susunod naming klase.

Di ako mapakali, hindi mawala sa isip ko yung mga sinabi nila. Parangmay parte sa sistema ko na gusto siyang makilala, o kahit makita manlang.
Mali ito, may boyfriend ako, o may boyfriend pa nga ba ako? Ilang araw na siyang di nagpaparamdam. Pero, baka busy lang siya.

Anyway, nakarating na kami dito sa English area. Wala namang bago, tulad parin kahapon nagrereport sila tungkol sa pagkakasunod ng nangyari sa Bible. Hindi naman ako gaanong nakikinig kase hindi ko maintindihan. Kahit na paminsan minsan tinatagalog nila para sakin.

Lumingon lingon ulit ako, naramdaman ko nanaman kasing may nakatingin saakin, hindi ako kumportable. Parang pakiramdam ko tinitignan nya bawat kilos ko.
Inikot ko lang ng inikot hanggang sa makita ko na, lalaki siya. Sa bandang unahan , malapit sa pinto pagpasok sa kwartong ito. Malapit siya sa bintana. Kaso, iniwas naman nya yung tingin nya. Kaya di ko nalang rin pinansin.

"Okay class, tomorrow bring colored papers, and some art materials with you" pag aannounce ng teacher namin na si Ma'am Tessa.
Mabait siyang teacher, pakiramdam ko.

"Yes ma'am." Sagot naman nila. Hindi na ako sumagot kase inaayos ko gamit ko. Ito nanaman, yung feeling na nakatingin siya. Ano kayang kailangan non. Nevermind.

"Okay, class dismissed" agad kaming nag tayuan at sinabing "Goodbye and thank you maam" inaantay lang namin si maam. Nag ccheck siya ng upuan kung pantay naba at wala nabang kalat. "Okay, you may go" agad naman akong dumiretso kila Kyle pagkatapos. Inaantay kasi nila ako dito sa tapat ng pinto. Pupunta na kami sa susunod na subjects.

---

Natapos na ang klase ng hindi ko manlang nakikilala yung laging nakatingin saakin, sa palengke na rin pala ako nagpapasundo sa service ko. Para narin maexperience ko ang mag lakad papunta don katulad nila Kyle.

Hindi nagtagal, dumating na yung service ko. Nagpaalam na ako sakanila.
Nang makarating ako sa bahay, ganon parin. Inaantay ko paring mag paramdam yung boyfriend ko. Nararamdaman ko kasing magpaparamdam na siya kahit papaano. Napapraning na ako. Baka kasi nagloloko nanaman siya. Kasi kung ganon, pakiramdam ko hindi ko na kayang patawarin pa siya. Kumain ako, nag scroll lang sa mga social media accounts ko.

*Ting*

Hindi ako nagkamali ng pakiramdam. Ito na nga siya nagparamdam na sa wakas. Binuksan ko agad yung chat niya saakin. At binasa.

"Baby, pasensiya kana ngayon lang ako nakapag online ha? Wala kasi akong cellphone sinangla nila mama. Pero baka next week makuha ko na. I miss you baby" Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo, pero mahal ko siya e. Kailangan kong paniwalaan.

"Okay lang, naiintindihan ko naman, so kumusta na? Tagal nating hindi nagkausap ha? Ako parin ba?" Biro ko sakanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot nya.

*Typing*

"Okay lang naman, syempre ikaw parin. Baby, laro muna ako ng ROS ha?" Nagulat ako, hindi man lang ba nya ako kukumustahin? Kung kumusta araw ko. Ganon. Wala man lang?
"Sige lang, enjoy" masakit man para sakin pero hinayaan ko na lang siyang  mag enjoy. Baka kase mas masaya siya doon.

Few hours later

*Ting*

"Baby, out na ako. Time na kasi yung oras ko nag comp shop lang naman ako. I love you baby" Mali atang hinayaan ko siyang maglaro. Wala nanaman tuloy siyang oras.
Hindi na ako nag reply. Mas gugustuhin ko nalang matulog kaysa isipin ang bagay na yan.

~~~~~~~~~~~~~•

THANKS FOR READING GUYS. 🥺 I really appreciate you guyssss. Please support this story. It's my own story i mean, literally, i am happy to share it to you.

to be continue....

Everything Is A ChoiceWhere stories live. Discover now