CHAPTER 3: First Convo

0 0 0
                                    

First Convo

          Masyadong bumibili ang panahon. Nagkakalabuan na kami ng boyfriend ko. Hindi na siya ulit nagparamdam pa. Inaantay ko nalang matapos yung last 1 week niya kasi nga sabi nya sinangla phone nya, sabado ngayon. Wala namang magawa. Walang iniwang homework mga teachers ko. Andito lang ako sa kwarto. Hindi ko kasi hilig ang mag labas labas lalo't baguhan lang ako dito. Food trip food trip lang. Scroll lang sa social media.
June 13 ngayon, 3 days nalang 5 months na kami ang kaso nga lang. Wala parin siyang paramdam. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Baka nag sasawa na siya sakin o kung ano man.

*Ting*

Rinig kong tunog ng messenger ko. May mag chat sakin. Dan Kiefer Rosales. Hmm. Familiar yung pangalan nya pero di ko maalala kung san ko narinig.

"Hi" bati nya saakin. Nag-aalangan ako kung rereplyan ko ba o ano. Tinignan ko muna yung profile nya , nakita kong mutual niya si Kyle. Baka kakilala nya. Tanong ko nalang sakanya sa monday.

"Hello" sagot ko sakanya. Dont get me wrong ha. I know na may boyfriend ako and this is not cheating. Alam naman nya account ko kaya mababasa nya to if ever na may masabi mang hindi maganda to.

"Kilala mo ko?" Pag tatanong nya sakin. Anong klasing tanong bayan. Pano ko siya makikilala, bago lang ako dito. May sapat ata to e.

"Hindi e" nahihiyang sagot ko.
"Kaklase mo ako" sabi na familiar sakin yung pangalan nya. Naalala ko na. Siya yung sinasabi ni Lenna, na kada buwan iba iba yung babae. Kailangan kong mag ingat sa isang to.
"Ah, hindi ko alam. Konti lang kilala ko sa kaklase natin e." Maayos na pag sagot ko sakanya which is true naman kase konti lang talaga kilala ko.
"Ah, pwede bang makipag kaibigan?" Tanong nya, hindi ko alam isasagot ko. Wala naman pala siyang balak na masama. Gusto lang nyang makipag kaibigan. Wala namang masama don diba?
"Okay poo. " Sagot ko naman. Nag log out siya bigla. Kaya tinignan ko ulit timeline nya. Gusto kong mamukaan ko siya sa Monday, para alam ko kung sino na mga nakipag kaibigan sakin. Para di nila isiping snob ako.
Hindi sa inaantay ko siyang mag online ah. Nakakainis di man lang nagsabi pero bayaan mo na.

Bumalik ako sa pag scroll ko sa facebook, nagtitingin tingin ako kung sinong mga nag-a-add friend sakin.

*Ting*

"Sorry, may ginawa lang ako. So friends na tayo?" Nag chat ulit siya. Ah may ginawa naman pala.
"Okay lang, oo friends na tayo" sagot ko naman.

Humaba ng humaba yung conversation namin hanggang sa naiopen ko na yung sitwasyon namin ng boyfriend ko. Marami siyang nasasabi. Walang malisya to para sakin. Siya naman mismo nagsabi na nakikipag kaibigan lang siya.
Pagkatapos ng napaka habang conversation namin. Nagpaalam na siya na matutulog na daw. Ganon rin ako. Hindi ko na maantay boyfriend ko. Kaya matutulog nalang rin ako.

Kinabukasan***

             Ang aga kong nagising. Lingo na. Bukas may pasok nanaman. June 14, na pero wala paring paramd---

*Ting*

Rinig kong tunog ng messenger ko. Yung boyfriend ko nagchat. Ang haba ng sinasabi nya kesyo. Nakuha na daw nya cellphone nya kahapon pero wala daw siyang load. Nanghihingi pa nga siya ng load saakin. Mukhang babawi siya ah. Buti naman bigla nya akong naalala. Akala ko nakalimutan na nya ko e.
Nireplyan ko siya, sabi ko papaloadan ko siya. Antayin lang nya kako.
Nakarating na sakanya yung load, tinawagan nya ako at nagpasalamat siya. Usap kame. Lunch lang ata yung pahinga ng pag uusap namin.
Hanggang kinahapunan. Sabi nya na mag lalaro daw siya. Kaya ang sabi ko okay. Basta text nya ako after nya.

Nag online ulit ako, scroll scroll lang. Nagtitingin ng mga pwedeng maishared post pa.

*Ting*

Nagchat si Kiefer, kinukumusta ako. Sinagot ko naman agad siya. Ang saya nyang kausap. May pag joker siya. Tinanong nya kung kumusta kami ng boyfriend ko. Kaya sinabi ko sakanya, na nakapag usap na kami. Sabi naman nya mabuti daw. Ganon. Nagpaalam na agad ako sakanya. Nag chat na kasi boyfriend ko. Inopen daw nya account ko tapos nakita nyang nay kachat akong lalaki. Ang sabi ko si kiefer yon kaklase ko.
Ayaw nyang maniwala. Sabi ko basahin nya buong conversation. Ayaw naman daw nya. Sabi ko tumawag siya. Sabi naman nya may gagawin daw siya. Wala nanaman akong nagawa. Nag log out na siya e. 

Pakiramdam ko tuloy, parang wala lang ako. Nakakapagod na. Nakakasawa na. Pakiramdam ko binabalewala nalang nya ako. Kakausapin pag gusto nya. Ganon. Wala naman akong nagawa sakanya. Ako nga dapat ang malamig e. Kase siya yung may nagawang mali saakin.
Suko na ako, ayoko na ng gantong relasyon. Ako nalang yung nakakapit.
Kaya, nag iwan ako ng message sakanya.
Sinabi ko na hindi ko na kaya at pagod na ako sa sistema ng relasyon namin na parang ako nalang yung nakakapit.

Nag chat ako kay kiefer. Mali man, pero wala akong mapagsabihan. Wala akong makwentuhan. Sakto naman na nakaonline si kiefer.
Kaya nag kwento ako. Sabi nya tama lang ginawa ko. Wag akong magpapadala sa emosyon ko. Lalo't halata naman na daw na binabalewala na ako. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng tuwa. Kasi, ngayon ko lang ulit naramdaman na kahit papano, importante ako. Nagpaalam na ako ns matutulog na. Nag paalam na rin siya. Nag log out na ako, at umiyak lang ng umiyak. Hanggang sa nakatulog ako.

Alas nuebe na ng gabi ng magising ako. Nakaonline boyfriend ko, pero wala manlang siyang sagot sa chat ko. Hindi pa nya ako nasiseen. Mukang hindi na nga siya interesado.

*Tings*

1 message received

Dan Kiefer Rosales sent you a message. 

Kita ko sa notification ko. Tinignan ko chat ni kiefer. Kinumusta nya ako. Kung nag reply na daw ba at kung anong sinabi sa sinabi ko.
Nag usap lang kami. Ganon. Chikahan lang. Hanggang sa nag reply boyfriend ko.

"Baby, sorry na. Wala lang talaga akong phone kaya nawawalan ako ng oras sayo. Pero babawi ako promise. Wag ka ng mag ganyan." Sabe nya saakin. Sorry? Hindi naman sa pagtataas ng pride pero babae ako, oras at atensyon lang okay naman na ako. Pero nakakasawa na. Ayoko namang mag stay dahil lang sa nagpapakamartyr ako.

Hindi na ako sumagot sa mga chats nya. Binlock ko na siya. Nagpalit na rin ako ng password. Hindi naman sa pag aano pero mahal ko sarili ko. Ayoko na mag antay buong araw para lang makausap siya. Ito nalang ang paraan ko. Para kahit papaano. Wala akong panghawakang kahit na ano.

Nakita kong nag reply na si Kiefer. Sinabi ko na rin sakanya ginawa ko sabi naman nya na nasakin ang desisyon kung ayaw ko na lalot ganon ang pinaparandam sakin.

Matagal tagal kaming nag usap ngayo kaysa sa pag uusap namin noon. Nag dadrama ako sakanya. Gustuhin ko mang magsabi sa iba kong kaibigan sa bulacan, pero hindi ko magagawa kasi sinabihan na nila ako dati patungkol sa pakikipag relasyon ko sa ex ko pero hindi naman ako nakinig, kahit pa niloko na nya ako noon, at ilang beses na pinagsinungalingan.

~~~~~~~~~~~~~•

THANKS FOR READING GUYS. 🥺 I really appreciate you guyssss. Please support this story. It's my own story i mean, literally, i am happy to share it to you.

to be continue....

Everything Is A ChoiceWhere stories live. Discover now