CHAPTER 2

0 0 0
                                    

'Chaka!'

"Hi! Good morning everyone, I'm Charles Angelo Dela Cuesta from Bulacaan. I hope I can be friends with you guys!"

Nagpalakpakan ang lahat matapos iyon bumalik naman sya sa upuan nya.

"Ang tahimik ng pinsan mo Sofia?"

Katabi ko silang dalawa ni Faith ngayon.

"Syempre Grace nahihiya pa yan." Si Faith ang sumagot

"Huwag kang maoofend ha Sofia pero bakla ba yan?"

Tanong ko ulit, pinagmasdan din ni Faith iyong Charles at ng makitang medyo malambot gumalaw ay bumaling kay Sofia, nag- aantay ng sagot.

"Ewan ko dyan, dati hindi naman ganyan yan, baka naninibago lang kasi di naman bakla si Ac"
Si Sofia na pinagmamasdan na ngayon si Charles na nakikipagtawanan at nakikipag- usap kila Katty at Jane.

In fairness parang ang bilis nya makaclose ang mga kaklase ah, at akala ko ba nahihiya at tahimik sya?

Nagsi- ingayan naman ulit ng ibigay ni Ma'am ang seat plan, alphabetical iyon kaya hindi kami magkakatabing tatlo, pero nasa unahang upuan ko lang Sofia habang si Faith napunta sa kabilang row at katabi si Diego na malapit na kaibigan din namin nasa likod nila nakaupo si Charles.

Nasa pinakadulo akong upuan katabi si Gab, kaming dalawa lang ang nasa dulo, kainis!

Ayoko ko pa naman sa pinakahuli.

Ang bilis lang lumipas ang mga araw dahil halos nasa kalagitnaan na kami ngayon ng buwan, at marami ng kaclose si Charles sa room.

Tinuturing na syang bff nila Katty at Jane ng ganun kabilis siguro dahil mabilis lang syang makasundo, pero kami hindi na nagkaroon pa ng mga interaksyon ang huli ay iyong pag-kausap sa kanya nung first day, hindi ko din kasi maintindihan kung bakit nahihiya na akong kausapin sya.

"Uy, Cortez! Andyan yung baby mo nasa court" kinunutan ko ng noo si Feder.

"Pinagsasabi mo?"

"Si Erick nasa court nag babasketball"

Nagulat ako doon at nakaramdam ng kaba na napalitan agad ng pait.

"Andyan si Erick?"
Inulit ni Faith, tumango si Feder at ngumiti, matagal na syang may crush kay Faith at nasa same page naman sila ayaw pa nga lang mag jowa ng bestfriend ko kaya bokya si Feder hanggang nagyon.

"Tara! Silipin natin."

Umiling naman ako kay Sofia

"Wag kayong maniwala dyan kay Feder, ano naman gagawin nun dito?"

"Bahala ka! Sabing andyan silipin mo pa, bibisitahin ka nga daw Cortez"

Lumabas kami ng gate at nakita si Jimmy na nakaupo sa motor sa may parking.

"Uy, Grace hala ka andyan si Erick kakausapin ka daw"

Pang- aasar na naman nya. Inirapan ko nga.

"Pake ko!"

Pero dahil nakucurious din kami ay naglakad kami patungong court, malapit lang iyon sa school isang tindahan lang ang pagitan.

Hindi ko itatanggi na nininerbyos nga ako tumigil sila Faith sa may tindahan, ako lang ang nagpatuloy, at sana ay hindi ko na lang ginawa dahil andoon nga sya.

Yung walang hiyang yun may gana pang magpakita, aba'y gago!

"Nandyan nga, pero ano naman! Tara na nga at mag lunch na tayo"

Hindi pa kasi tapos ayusin ang canteen kaya pwede pang bumili sa labas kaya sa labas kami mag lalunch.

"Hala kakausapin ka daw Grace?" si Diego na nakasunod na sa amin kasama nya si Charles.

"Hayaan mo sya"

Natapos ang araw na iyon na hindi kami nag- usap dahil duwag din naman iyon. At saka mas mabuti na iyon dahil sa tingin ko'y hindi na mana kailangan pang mag- usap.

Kung tapos na sya sa akin ganun din ako sa kanya....

Mas may dapat akong paglaanan ng pansin ngayon no, gaya ng iritasyon na nararamdaman sa lalakeng transferee.

Hindi ko alam pero naiirita na ako sa kanya, simula ng umuso ang 'One Point' na iyan mga utu- uto, parang bata...

Kanina pa kasi sya tawag ng tawag kay Faith tapos paglilingon na e mag sasabi ng 'One Point' tsk.

Isip bata na feeling close pa! Lakas maki Faith e ni hindi pa nga sila ganun ka close. Tsk.

E, Grace pakealam mo ba? Ay talaga naman nakakairita, paulit- ulit....

Simula noon ay nakaramdam ako ng disgusto sa lalakeng iyon, kay Charles. Kaya hindi ko alam kung bakit natutuwa ako ngayon nang malaman na pareho kaming sweeper sa araw na ito.

"Bahala na kayo dyan! Kanina pa ako tawag ng tawag na mag sweeper, wala kayo. Kayo na magtapos nyan ha, tumulong na ako!"

Galit na paalam ni Rica, nakalimutan ko kasi na sweeper ako, gayun din pala si Charles kaya kami ang naiwan dito para mag sara ng bintana.

At simula noon, medyo gumaan ang pakiramdam ko hindi na pinapansin ang kaba na naramdaman ng maiwan kami doon, at least nakakapag- usap na kami, at di nag tagal ay unti- unting naging close.

Hindi lang naman kaming dalawa actually silang dalawa ni Diego ay palagi na naming kasama tuwing lunch, recess, o may vacant na subject.

At kung may nalaman man ako at napatunayan ay yun ay hindi lang basta malambot si Charles.

"Uy, Gelay look papabels!"

"Like duh! Yan lang mga type mo? Wala yang kay Fr. noh?"

"Yucks Gelay mga type mo oldieeeee.. ang chaka!"

Iniripan ko naman sya, Gelay ang nakasanayang nyang tawag sa akin yun kasi ang nickname ko, hindi ko pa nga ata sya narinig na tawagin akong Grace.

"Oldie man ang type ko hindi mo naman mababago ang katotohanang mas maganda ako sayo..."

Tawa lang ng tawa si Diego sa bangayan namin, at si Sofia na naiinis kay Charles dahil sa katarayan.

Kung sa ganito kami magiging komportable sa isa't- isa ayos lang sa akin kahit na lumalabas pa yung kabaklaan nya....

Kung sa ganitong harutan kami magiging close sana umpisa pa lang pala.....

nakipagtarayan na ko sa kanya.

"At Charles mas chaka ka hello!"

Still Not Over HimWhere stories live. Discover now