CHAPTER 5

0 0 0
                                    

'Type'

"Kaloka talaga ang lola nyo! Diego ligawan mo nga iyon si Summer nang tumigil sa pagdikit- dikit sa akin."

Nakuha agad ni AC ang atensyon ko sa sinabi nya. Tumawa lang si Diego at umiling.

"Takte ano kayang nakita sayo ni Summer noh? Sa lambot mong yan."

Diego continued laughing because AC is now frowning.

"Like duh! Kinuha ba naman ang number ko kaloka, naiirita na din ako't chat ng chat din sila Autumn at Winter, can't they see I don't like them. Eww!" umiirap nyang sabi na may kasamang pagngiwi.

Summer, Autumn, and Winter are best friends they are one year ahead from us since they're grade 10. They are actually famous since they are all beautiful, men are craving for their glance not to mention that they're part of the volleyball varsity.

"Ang arte mo bakla ha! Mabuti nga at may nakapansin pa dyan sa muka mo."

Binato nya sa akin ang hawak na notebook mabuti na lang at nakailag ako kaya si Sofia ang natamaan.

Aba't gago to ah! Ayaw nyang tinatawag na bakla ay sa ganoon sya kumilos.

"Animal ka talaga Gelay don't call me balka!"

Ang lakas ng boses nya kaya hindi na ako nagtaka nang binato sya ni Sofia ng notebook, ayun sapul ang face.

"Tigilan mo nga ang kaaertehan mo AC! Nakakasuka!" galit na sigaw ni Sofia.

Hindi man lang natinag si AC at naglakad at kumebot pa, pabalik- balik lang syang nagmodel sa loob ng cilinic at dahil gusto ko din ang pagmomodelo tumayo din ako at sinabayan syang rumampa.

"Tangina tumigil nga kayo!" binato ulit ni Sofia si AC ngayon ay yung boong bag nya na.

"Ouchie!" humawak si AC sa dibdib nya na para bang nasaktan doon.

"Swear kapag hindi ka nagtino AC susumbong kita kay Tito." Mariin na salita ni Sofia.

Natigilan naman ako doon at tahimik na bumalik sa maliit na bed kung saan nakaupo din si Faith na tahimik lang na gumagawa nung activity.

Naiwan na nakatayo si AC na laglag ang panga. Ilang sandali pa syang natigilan bago umayos ng tayo at binalik ang bag kay Sofia.

"Ayan na! to naman di na mabiro."

Nakaismid na saad ni AC saka tumabi kay Diego na nagpipigil ng tawa.

Bumuntong hininga si Sofia saka tumuwid sa pagkakaupo at mariing tiningnan si AC.

Nag- iwas ng tingin si AC, nagkatinginan naman kami ni Faith umubo sya at ganon din ako, bigla kasing bumigat ang atmosphere sa loob.

"I'm sorry."

Huminga ulit ng malalim si Sofia bago nagpatuloy.

"I think nagover the bakod na ako, I'm sorry AC wag kang mag- alala hindi kita isusumbong."

Nakahinga naman ng maluwag si AC saka madramang humiga sa kama.

"Do you have a problem Sofie?" malambot na tanong ni Faith kay Sofia, muka kasi syang may problema dahil ang sungit nya ngayon. Umiling sya.

"Nag- away lang sila mama at papa kagabi"

Natahimik ulit ang loob dahil doon, kung hindi pa exaggerated na nag sigh si Sofia ay mabibingi na ata ako sa sobrang tahimik.

"I'm fine don't worry, nakakainis lang at hindi na sila nagsasawang mag- away." Nilapitan sya ni AC saka inakbayan.

"Samin ka matulog mamaya?" inalis ni Sofia ang braso ni AC saka ito sinuktok sa tagiliran, mahina lang naman iyon.

"Okay lang ako... pero ikaw seryoso ako na magtino ka! Aba't 'wag kang babakla- bakla kung hindi!" natawa tuloy ako ng tumabingi ang nguso ni AC, ganon din naman si Diego at Faith.

"Ligawan mo kaya si Summer dude."

"What the fuck DUDE? Ayoko sa may boobs" si AC emphasizing the DUDE, napaaray ulit tuloy sya dahil kinurot ni Sofia.

"Hayaan mo na nga si AC Sofia, magiging lalake din yan."

Nakangiting saad ni Faith. I just felt that I'm going to puke with what she said, puputi na ata ang uwak hindi payan nagiging lalake.

"Kelan pagpumuti ang uwak?"

AC raised his eyebrow, kitam ang galing ngang tumaas ng kilay e.

"Malay mo naman Grace pag nameet nya na yong para sa kanya ganoon."

"Oo nga dude pogi naman itong si AC, time will comes maninisid na din yan."

Nakangising sabi ni Diego, kinindatan pa SI AC na inirapan ko lang.

"Mukang di naman, mga type nya yung may ibon din"

Nakangisi na ako ngayon kay AC na nakataas parin ang kilay sa akin, tumawa si Faith sa sinabi ko habang ngumiwi si Sofia at bumulong ng 'bastos', humalakhak si Diego kaya natawa din ako nag patuloy pa sya sa pagtawa kahit nagsasalita.

"Ibon daw ba ang gusto mo AC? Tsk. Baka naman pag dating ng araw ikaw na masisid nyan Grace, kontra ka e" lumaki naman ang mata ko kay Diego.

What the hell, I didn't expect that! Medyo natagalan tuloy ako bago nakasagot nag-umpisa na tuloy kaming tuksuin ni Faith.

"Yieeee... baka naman si Grace na ang magpapalalake." Si Faith na tinukso na kami.

"Duh! Big NO. di ko sya type no." umaksyon aksyon pa ako gamit ang kamay.

"Defensive!" Sigaw ni Diego, umirap ako.

Si AC naman ay nakikitawa na din pero nakataas pa din ang kilay.

"Yuck! Mga type ko dre yung mga seryoso at lalakeng lalake, basketball player, maputi, matangkad parang si ano... si..."

Nag- iisip pa ako ng pangalan na magsasakto sa mga katanginan na binanggit ko kaso nauhan ako ni Diego.

"Parang si AC, Grace?"

"Hindi! Si ano... si Ivan ganon"

Lumakas pa lalo ang tawa ni Diego at Faith, pati si Sofia ay natawa na din.

"Daming sinabi."

Umiiling si Diego at hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.

"Di na lang sinabing mala Angelo Charles Dela Cuesta, AC for short" I groaned dahil ang kulit nila.

"Nakakasuka kayo, di ko talaga type! Ang layo promise!" tinaas ko pa ang kanang kamay na parang nanganagko.

"Kapal ng muka ah? Parang type kita" inirapan nya ako saka bumalik sa tabi ni Diego na hanggang nagyon ay tumatawa pa din.

"Ang layo mo rin sa type ko no. Mga type ko tahimik, maganda, matalino, may boobs, e wala ka naman non"

Binato ko sya ng notebook na hawak at nang nailagan ay binato ko ulit ng unan.

"Sabi mo ayaw mo ng may boobs!"

Hindi ako tumigil sa pagbato sa kanya, lahat ng mahawakan ko ay binabato ko sa kanya.

Tawa lang sya ng tawa, ganon din sila Diego. Tumigil ako ng wala ng maibato at pinag- ikis na lang ang braso habang umiirap.

Hindi pa din sila tumigil sa pagtawa kahit na hindi na maipinta ang muka ko.

"Type pala ang may boobs di dun ka kay Summer duh" umiirap pa din ako.

"Ayoko ko sa wild, tahimik nga diba? Parang si Faith ganon." Tumatawa pa din nyang sabi.

I was surprise by that. Hindi agad ako nakapag react dahil natigilan sa sinabi nya, ako lang ata ang natigilan dahil nagpatuloy parin sila sa pagtawa...

Parang si Faith?

Naramdaman ko na lang na sobrang bigat ng dibdib ko. I was silent after that, completely shaken by his words na hindi ko na naibalik ang sigla ko sa araw na iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Still Not Over HimWhere stories live. Discover now