CHAPTER 3

0 0 0
                                    

'Graham Ball'

"San kayo bukas nyan?"

"Kami sa bahay na lang gagawa doon nila gusto e." si Faith na abala sa cellphone nya.

"Kami din sa bahay din, sila Diego sa bahay nila gagawa diba?" Tumango si Diego sa tanong ni Sofia.

"Ano ba yan! Kami kila Jimmy gagawa malayo sa bahay." Reklamo ko.

Si Charles at Diego naman ay tahimik lang at focus sa paglalaro sa cellphone.

We are talking about our first project in T.L.E, we're going to make graham ball and sell it in school.

Mabuti si Sofia at kagroup nya si Charles kaya mas napagkasunduan nila na sa kanila na lang gumawa dahil malapit lang din ang mga bahay ng mga kagrupo. We are not in same group dahil leader din ang dalawa pati si Diego.

Samantalang ako halos lalake ang kagrupo sila Jimmy, Miguel, at Luis ayos na din dahil kasama ko naman sa grupo si Mica.

Uwian na ngayon kaya andito kami at sasakay na ng tricycle nauna ng umuwi sina Faith at Diego sasabay naman ako kila Sofia at Charles.

Nakabili na din ako ng ingredients para bukas at ngayon ay nakita si jimmy na sasakay din sa tricycle.

"Jimmy bukas ha, baka makalimutan mo 10 kami ng umaga pupunta sa bahay nyo."

"Oo nga. Ito naman si Grace paulit- ulit." Kumamot sya sa ulo.

E kasi hindi naman sya nakikinig kanina sa group meeting panay ang pakikipagharutan kay Ken.

Magkatabi kami ngayon ni Sofia sa loob habang nasa back ride naman si Charles at nasa bubong si Jimmy.

"Maglalakad ka lang ulit?"

Tumango ako, wala naman bago minsan lang naman ako mag tricyle pauwi ng bahay kapag tinatamad lang at saka ang mahal kasi ng pamasahe kaya dapat may kasama ako, nga lang yung pamangkin ko kasi sa bayan naman nakatira.

"Ang layo pa ng lalakarin mo Grace."

"Sanay na ko no, sa ilang taon ba naman e."

Huminto ang tricycle nang pinara ko. Dito na lang at maglalakad na, si Jimmy naman kanina pa nakababa dahil malapit lang sa bayan ang bahay nun tamad lang maglakad.

"Bye."

"Bye! Mag-ingat mga makakasalubong mo sayo Gelay."

Inirapan ko si Charles tumawa lang naman sya, tapos umalis na sila kaya naglakad na din ako.

Kinaumagahan, maaga ako gumising dahil naglaba ng damit at naghanda sa pag- alis. Nagpahatid din sa kapatid ngayon kaya hindi maglalakad, mabuti at walang trabaho.

Nang dumating kami kila Jimmy e walang tao kahit na kanina pa ako tumatawag.

"Ining si Jimmy ba? Naku nasa centro magbabasketball siguro iyon."

"Ganun po ba? Salamat po."

Lintek na Jimmy iyan! Sinasabi ko na nga ba.

"Kuya pahatid sa centro andun kasi yun kagrupo ko."

Mabuti at hindi pa nakakaalis si kuya hinatid nya ako sa court at nagpaalam na uuwi na.

"Hindi na kita masusundo mamaya, anong oras ka ba uuwi?"

"Ayos lang, hanggang tanghali lang naman kami." Yun at umuwi na sya.

Dinig ko naman ang tunog ng bola sa labas ng court, nakita ko si Jimmy na hawak ang bola at ibinato sa ring. Nang makita ako'y kumaway pa.

"Grace!"

Tiningnan ko sya ng masama at pumasok sa court, kasama nya na pala ang lahat ng kagrupo kahit si Mica.

"Dito na kami nagkita Tita Grace, sabay- sabay na daw tayo pumunta sa kanila."

"Busangot na naman si Grace, nagbasketball kasi kami, may import kasing dumating, singgaling ni Kobe."

May tinuro si Jimmy sa likod ko. Nang lingunin ay parang natuyo ang lalamunan at nanigas sa kinatatayuan dahil sa gulat.

SHITTT... sana pala di na ako lumingon...

"Hi!"

Standing right in front of me is Erick with a hesitant smile plastered in his face.

Hindi ko sya pinansin at tinalikuran at niyaya na ang kagrupo na simulan na ang project.

Ngek- ngek mo Erickson lakas loob magpakita ah, para di nang gago no? Habang naglalakad ay nagtatawanan sila Jimmy, Miguel, at Luis si Mica naman busy sa phone. Siguro para maibsan yung awkwardness kanina sa pagitan naming ni Erick.

Tahimik lang syang naglalakad gaya ko. Naisip ko naman, mali pala ang reaksyon ko kanina dapat umakto ako na okay lang, dahil ang sabi ko noon hindi na ako galit kay Erick pero sa ngayon kasi ay natanto na galit pa nga ako.

Nagbalik lahat ng galit at sakit na naramdaman ko noon. Pero dapat umakto ako na hindi na ako apektado dahil hindi naman dapat. Kaya hindi ako nagreklamo ng ipagtabi kami nila Jimmy sa loob ng tricycle.

Sa buong byahe ay hindi sya nagsalita kaya hindi din ako nagsalita.

"Luis ikaw na ang mag video, tayo na lang Mica ang gagawa ng graham, ako na ang mag eexplain habang ginagawa mo yung process."

"Alright! Wait maghuhugas lang ako ng hands" si Mica.

Samantalang si Jimmy at si Miguel ang naghanda nung ingredients.

"Manood kami dahil hindi naman kami makikita sa video." Si Miguel

"Hindi pwede syempre maririnig iyan sa video" naiirita kong sabi.

Si Erick naman ay tahimik na naglakad sa tabi ko, naramdaman ko iyon kaya agad akong umiwas. Nag ngising aso lang si jimmy sa amin.

"Pa C.R nga Jimmy maghuhugas din ako"

Tinuro nya ang banyo. Hindi din ako nag tagal doon, pagkalabas ay bukas na ang TV at nanonood na sila Miguel at Jimmy.

"Grace! Si Erick na lang daw magvivideo nagvovolunteer."

"Tumahimik ka nga Luis, kung ganun anong gagawin mo?" tanong ko.

"Walang tubig kila Jimmy e, brad bulok na tong bahay nyo! Kaya mag- iigib na lang ako sa kabila sasama sila Jimmy."

Napikit ako sa rason nya, wala ngang tubig at kailangan naming iyon. Hindi na ako nakapagreklamo dahil tumulak na ang tatlo naiwan kami nila Mica at Erick.

Binigay ni Mica ang cellphone nya kay Erick dahil iyon ang gagamitin, tinanggap nya naman iyona at tumingin sa akin.

"Ayos lang bang uhm... tumulong ako?" nag- aalangan nyang tanong, tumango ako at pumuwesto na ganoon din si Mica.

Still Not Over HimWhere stories live. Discover now