CHAPTER 4

0 0 0
                                    

'Gago'

Nag- umpisa na akong iexplain ang ginagawa ni Mica habang si Erick naman ay seryoso sa pagvivideo minsan ay kay Mica nya tinututok ang camera para ipakita iyong ginagawa nya pero kapag nagsasalita ako'y ibabaling nya ang camera, nacoconscious tuloy ako dahil pakiramdam ay nakatitig talaga sya ganoon pa man ay hindi ko pinakita na apektado pa ako sa kanya.

Kaya minsan nag- aalangan sya kung itututok ba sa akin ang camera dahil masyadong seryoso ang mukha ko.

"Patingin"

Binigay nya sa aking ang cellphone.

Tapos na ang pagvivideo at ngayon ay nanonood na ng palabas ang kagrupo. Tahimik kong chineck iyong video at nagustuhan naman iyon.

"Mica, ikaw na mag- edit nito ha?" tumango sya.

"Sayang yung mukha ko't wala sa video tsk." Si Jimmy.

"Brad nakita naman tayo sa introduction, okay na iyon." Tumatawang saad ni Luis.

"Oo nga pala. Di bali at least nagka moment sila Grace at Erick"

Inirapan ko nga si Jimmy dahil napakawalang hiya talaga.

Tumawa sila nila Luis at Miguel. Nagsimula naman ako sa pag- ayos at paglinis noong lamesa. Habang si Erick ay nakatayo pa din sa tabi ko, mayamaya ay tumulong.

"Grace. Uhm... Pasensya na kung nakihalo ako sa inyo dito"

"Ayos lang, nakatulong ka naman."

Hindi ko pa din sya nililingon, abala naman ang mga kasama sa palabas kaya hindi na kami napapansin ngayon. Tumawa sya ng peke sapalagay ko'y kinakabahan, aba dapat lang!

"Uhm... Alam kong galit ka, I'm sorry."

Bumuntong hininga ako, sumunod na sya ngayon sa lababo. Buti alam mo!

"Grace pangako hindi ko sinasadya ang nangyari, ang akala ko kasi, hindi mo na ako sasagutin kaya niligawan ko si Amie, sinagot ako tapos tatlong araw matapos noon sinagot mo din ako."

Kinagat ko ang labi ko, nagtitimpi. Hinarap ko sya ngayon.

"Erick kung talagang sincere ka sa apology mo 'wag ka ng magpakita sa akin ever. Dahil wala na akong pake pero hindi ibig sabihin e, tatanggapin kita ulit na parang walang nangyare." Malungkot syang ngumiti.

"Alam ko. I'm sorry Grace, kung ako lang gusto ko pang maayos tayo pero sige, rerespetuhin ko ang desisyon mo"

Iniwan ko syang mag- isa doon at nakisama na sa panonood.

Nang matapos ang palabas na iyon ay nagpasya na kaming umuwi, nagyaya pa nga sila Luis na maligo sa Hawi Resort tumanggi lang ako dahil sabi ko ay hanggang tanghalian lang ako dito, kaya hindi din sasama si Mica kaya ang nangyari'y umuwi na lang kami.

Three days has passed. Hindi na ulit kami nagkita ni Erick nabalitaan ko din na lilipat na pala sila sa Laguna dahil nadistino doon ang daddy nya na pulis.

Nasa isang room kami ngayon nagaganap kasi ang awarding para sa honors ngayong 1st quarter, nakakatuwa dahil pareho kaming lima na kasama doon, kasama din si Katty at si Mica sa honors. Maswerte ako't nabahiran ako ng kaunting sipag ni Sofia at Faith kaya kahit papaano nakasama ako ngayon ewan ko lang next time kung suswertehin pa rin.

Si Diego at yung dalawa kasi ay consistent na honors ako lang ang hindi si AC naman honors din sa dating school.

Nang tinawag na kami'y kinuha namin ang mga certificate, matapos ang general meeting at awarding ay nagtungo na sa mga classroom ang mga parents para mag meeting.

Pinag-uusapan nila ngayon ang intramurals na next month gaganapin, mga bayaran at mga activities doon.

Katabi ko sa upuan si mama na umattend ng meeting, tanong sya ng tanong kung kasama ba sila sa parade na sinabi ng teacher, umiling lang ako.

May trabaho kasi sya at wala sa oras ang mga ganoon mabuti nga at nakaattend pa ngayon ng meeting, nagtratrabaho si mama sa isang hotel bilang manager doon.

Gusto ko sanang tumabi kila Sofia kaya lang katabi din nila ang mommy nila. Sofia's mom is an engineer while Faith's mom is a principal. Kaya tahimik at mahinhin gumalaw si Faith.

Hindi na din nagtagal ang meeting at pag katapos noon ay sabay na kaming umuwi ni mama sa bahay, nagpaalam na ako sa mga kaibigan.

Dumaan ang sabado at lingo. Medyo naging boring ang lingo ko dahil naiwan na naman sa bahay maghapon lang akong nanood, mabuti pa noong sabado at bumisita dito sila ate kasama sila Eya kaya nakipaglaro ako sa mga pamangkin ko tapos ay nagpunta din kami ng mall.

Kaya nagpapasalamat ako at Lunes na ulit!

Ako lang ata ang gusto na mag lunes na at sipag na sipag pumasok sa eskwela pano kasi mas nagiging makulay ang araw ko kapag andito kesa nasa bahay na mag- isa lang at walang ibang magawa kundi ang manood.

Gaya ng sinabi ko noon, sa susunod na mga araw ay malelate na ako.

Kaya ngayon isang mahabang pila kami kasama ko ang ilang pang junior na nagfaflag dahil hindi na nakaabot kanina.

May record na tuloy ako ang panget pa naman kapag umabot sa tatlo ang record dahil maglilinis ng C.R sa 1st floor yun pa naman ang madalas na ginagamit.

Kaasar!

"You're late!"

Nagulat ako sa biglaang paglitaw ni Sofia sa pinto.

Inirapan ko sya at pumasok na, mabuti na lang at mukang late din ang teacher namin ngayon gaya ko.

Binagsak ko ang bag ko sa upuan at sumunod naman si Sofia sa akin, andito na ata ang lahat sa klase kaya medyo maingay na.

Sinulyapan ko si Faith na nagcecellphone katabi si AC. Umikot ang mata ko na parang may hinahanap.

"Wala pa si Diego?" umismid lang si Sofia bago ako sinagot.

"Duh! Kayo kaya ang naglalaban sa valedictorian for being late!" padabong syang umupo sa upuan nya na nasa unahan ko.

Tinaasan ko nga ng kilay at muka atang wala sa mood ang bruha. Ang sungit!

"Oy! Anong drama mo sa life? Dry na dry teh?"

She glared at me, I just raised my eyebrow to her challenging her. I laugh when she rolled her eyes and made a face.

"Ang bastos talaga ng bunganga mo!" lumakas ang tawa ko dahil pikon na sya lalo ngayon.

Natagil lang ako sa pagtawa ng lumapit sa amin si Diego na humuhikab pa, kararating pa lang ng gago, kasunod nya sila Faith at AC.

"Di papasok si Ma'am may iniwan lang na activity." Tinapik ko sa braso si Diego dahil sa magandang balita.

"Arat sa clinic!" yaya ko agad.

"May gagawin nga Grace diba, anong page daw ba?" masungit pa din na sabi ni Sofia.

Sinabi naman ni Diego a ng page at inanounce nya rin iyon sa buong klase, at gaya ko nagdiwang din ang lahat.

"Ang sungit ng lola mo! Pwede naman doon gawin."

Irap- irap kong sabi kay Sofia. Wala naman syang nagawa ng pumayag ang tatlo.

"Oo doon na tayo gawa maingay din naman dito" si Faith tumango tango naman si AC.

Kinuha ko ang bag ko at ganon din ang tatlo, nakasimangot na sumunod sa amin si Sofia.

"Anong problema ng pinsan mo?"

Bulong ko kay AC na nasa tabi ko sa likod namin ay andoon sila Grace at Sofia nasa pinakahulihan naman si Diego na tamad na tamad na naglalakad.

Sinulyapan ni AC si Sofia saglit at ng makitang nakasimagot ay umaktong nagulat at naiiyak, hinarap nya ako at ngumuso at kinurap- kurap ang mata.

"Aww, dalaga na talaga sya."

Binatukan ko nga dahil ang arte at wala naman kwenta ang sinabi. Tumawa lang sya at umiling.

"Gago" bulong ko dahil hindi ko naintindihan ang sinabi nya.

Still Not Over HimWhere stories live. Discover now