Chapter 2: Milkshake

108 2 0
                                    

Ariadna's POV

Nakauwi na ako sa aking apartment galing ng trabaho. Masyado akong napagod dahil sa tambak ang mga trabaho sa opisina. Agad akong pumunta sa aking kuwarto upang makapagpunas na.

Matapos kung makapagpunas ay agad kong sinuot ang aking pulang bathrobe na paborito kong suotin, pinulupot ko din ang aking buhok ng puting tuwalya, at lumabas ng banyo.

Pumili na ako ng damit sa aking aparador, napili kong suotin ang isang pares ng pulang sando at short na gawa sa seda. Kinuha ko ang aking cellphone at nagtungo sa kusina upang makapagluto na ng haponan. Napagdesisyunan kong namang magluto ng tapa, nagsaing na rin ako ng bigas sa rice cooker.

Alas sais y medya na nang gabi ng matapos na akong magluto. Habang hinahanda ko ang lamesa ay bigla namang pagdating ng isang text message. Binuksan ko ang aking cellphone at tinignan ang bagong dating na message na sa pagaakalang si Mandy ang nag-message ay galing pala sa isang unknown number ang message.

Buenas noches mi cariña, I hope you had already eaten your dinner. Every minute, I always thinking about you. I am smitten by your great beauty sweetheart. I can still smell your lavender scent, making me more crazy about you. Good night my love and have a good night sleep...

P.S. Please dream of me.

-A. M. R.

Instead of having the uncanny feeling, the message sends tickling feeling in my stomach. Mukhang mas kinilig pa yata ako. Napakunot aang aking noo nagtataka sa kung sino ang nagpadala ng mensahe.

Thank you for your concern. But may I ask who is this?

And where did you get my number?

-Ariadna

Nag-reply naman agad ang unknown sender.

You hurt my feelings mi amor. You easily forgot my handsomeness.

Guess sweetheart. And to answer your second question, I have my ways...

-A. M. R.

Bigla akong nainis sa kanyang reply.

Who ever you are, if this is a prank then please stop because I DON'T HAVE THE TIME TO PLAY WITH YOUR GAMES!

-Ariadna

Pagkatapos kong i-send ang ginawang message ay binaba ko na ang aking cellphone at agad na kumain. Matapos ng aking hapunan ay nagligpit na ako ng aking mga pinagkain at hinugasan ang mga ito.

Excited akong pumunta ng sala upang panuorin ang bagong season ng Lucifer sa Netflix. Crush na crush ko talaga si Tom Ellis ang sobrang hot niya talaga with his sexy British accent na nakakadala. AHHHHH! Sigaw ko sa aking isip. Minsan napapaginipan ko din siya, siya daw yung asawa ko tapos- AHHHHH!

" My gush Tom palagi mo talaga akong pinapakilig!" Sabi ko habang nakangiti.

Habang nasa kalagitnaan ako ng panunuod ay bigla siya namang pagtunog ang aking cellphone kaya agad ko itong binuksan. Ang dati kong masayang mood ay agad napalitan ng pagkairita ng malaman ko kung sino ang nag-message.

Feisty... I like that sweet heart. You make me more attracted to you. By the way, what are you wearing right now?

-A. M. R.

Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang naginit ang aking pisnge pero pinagsawalang bahala ko nalang iyon. Pinatay ko ang cellphone upang hindi na ako maabala sa panunuod. Dumaan ang mahigit isang oras dinadalaw na ako ng antok kung kaya napagdesisyonan kong matulog na lamang, maaga pa din naman ang pasok ko bukas.

Her Shade of Red (On going)Where stories live. Discover now