Chapter 1: The First Meeting

213 2 0
                                    

Ariadna's POV

Life has never been easy for me. I was born out of wedlock at si mama lang ang naging tanging karamay ko sa buhay. I never knew my father. I never had the opportunity to have a father like most children. Minsan ko ring tinanong si mama tungkol sa aking tatay pero pilit niya itong iniiwasan. Alam kong ayaw niya itong mapagusapan kaya hindi na rin ako umulit na magtanong.

Pero hindi iyon naging problema sa akin, hindi ako nagkulang sa gabay at pagmamahal mula kay mama kaya't naging matagumpay ako sa aking pag-aaral hanggang sa aking pagtatrabaho ngayon bilang isang Human Resource Manager sa isang pinakakilala at pinakamalaking construction company sa buong Asya, ang Revera Construction.

Mahigit dalawang linggo pa lang ako sa kompanya kaya't wala pa akong masyadong nakikilala bukod sa bestfriend ko from college na si Mandy. She's working as a financial manager at mas matagal na siyang nasa kompanya kaysa sakin. May pagkakalog din 'tong kaibigan kong maganda. Napakagalante nito minsan pero may pagkamadumi din ng bibig at utak nito.

Pumasok na ako ng Revera building. As usual, people are staring at me especially ang mga lalaki. It's actually uncomfortable. Bakit ba sila ganyan?

Nang makapasok na ako sa aking office, I started up my computer dahil may tatapusin pa akong report.

"Good Morning Ary! Sabay tayo mamaya mag-lunch ha! My treat!" Bati sa akin ni Mandy pagpasok nito sa office ko. Super energetic ng friend ko ah. Parang nakalaklak lang ng isang garapong enervon.

"Sinabi mo yan, wala na yang bawian! Para makatipid-tipid na rin ako."

"Che! Hindi ka na nagbago, ang kuripot mo parin!" Pabiro niyang sagot.

"Ikaw naman, tulong mo nalang iyon sa akin. Hindi pa nga ako nakakasahod. Yung ipon ko pa noon ang pinanggagastos ko." Paawa effect kong sagot.

"Oh sha sha sha! Pasalamat ka lab kitang babae ka!"

"Lab yu bespren... Ano na kaya ako ngayon kung wala ka!" Nakangiti kong sabi then I hugged her.

"Uy bakla! May ibabalita pala ako sayo. Alam mo ba nagretiro na bilang CEO ng kompanya si Don Sandro? Tapos... yung papalit sa kanya ay yung panganay niyang anak na lalaki na walang iba kundi ang pinaka sexy, ubod ng gwapo, and one of the most eligible bachelors in Asia na sir Allesio Marcus Revera!" Tili niyang sabi habang tumitirik ang mata.

Minsan talaga natatanong ko nalang sa sarili ko kung bakit ko ba naging kaibigan si Mandy. We are really opposite from each other. May pagkalukarit kasi ang huli.

"Alam mo ang OA mo... Nahiya tuloy sayo ang mga higad sa sobrang kati mo. Basta mga gwapong lalaki ang pinaguusapan nagiging marupok ka. Abay marupok!" Natatawa kong sabi.

"Che! Palibhasa NBSB ka! Alam mo na guguluhan din ako sayo eh! Noong nasa college pa lang tayo marami kang mga gwapong manliligaw pero wala kang sinagot. Sobrang ganda mo naman, diyosa ka nga kung tawagin ng mga kaklase at schoolmates natin sa university. Akala ko nga tomboy ka or magmamadre after college. Kung ako lang may mala-diyosang kagandahan kagaya mo, sus marami na siguro akong najugjug!" At ito nanaman ang bibig ng lukarit, umaaandar na naman ang pagkamalaswa nito.

"At isa pa ang senior nating si Mark na captain ng basketball team, tinanggihan mo din! Susmaryosep naman! Grasya na nga tinanggihan mo pa! Naku ikaw babae ka ginigigil mo talaga ako!" Pagmamaktol nito. I just rolled my eyes at her.

"Tumahimik kana nga! Nakakadiri talaga yang bunganga mo! At tsaka twenty-three pa lang ako noh, hindi ko kailangang magmadali. Ang saya kaya maging single. Mabuti pa'y lumayas kana rito, mahawaan pa ako niya'ng kalandian mo at tsaka may gagawin pa akong trabaho no!" Pagtataboy ko sa kanya. Kotang-kota na talaga ako sa bibig ng babaeng to.

Her Shade of Red (On going)Where stories live. Discover now