Authour's POV
Ariadna had talked with Mandy inside a fast-food chain they decided to have their lunch outside the company's building for a change. She shared to Mandy everything that happened yesterday between her and Allesio. She was confused and bothered in how to deal the new emerged emotion in her. She never been in a relationship since she was born, she really need an advice from a more knowledgeable other although she can call and ask her mother about her situation but she choose no to, ayaw niyang abalahin at magalala pa ang kanyang ina sa kanya. But, she was still fortunate that she has Mandy to give her some advice, Mandy have a lot of experience when incomes to intimate relationships between the opposite sex that was why Ariadna think that she did not make a mistake in choosing Mandy as the right person to approach.
"Mandy hindi ko na talaga alam kung ano gagawin ko, I'm new with this kind of feeling."
"Para sa akin lang ano, kong diyan ka talaga masaya susuportahan kita pero naman... dapat klarohin ninyo kung anong meron kayo dahil bilang kaibigan ayaw kong nakikita kang nasasaktan although masasaktan at masasaktan ka parin dahil nagmamahal ka, but still... you deserve to be loved and cherished Ary... not be discarded like a trash. Sabi mo nga kanina hindi mo alam kung ano na kayo ni sir Allesio kaya ibig sabihin niyan wala pa kayong label kaya dapat klarohin niyo na as soon as possible. At lagi mo ding tatandaan Ary na magtira ka rin para sa sarili mo, huwag mong i-invest lahat, dahil sinasabi ko sayo mahirap ng maguyo." Seryosong sabi ni Mandy. Napansin ni Ariadna ang paglungkot ng mga mata ni Mandy ng may bigla itong maalala pero agad namang napalit ng pagkasigla.
"Wew! Napahugot ako ng wala sa oras ha! Pero ha! Tatandaan mo yung mga sinabi ko at kung may problema ka I'm just one call away. Tsaka dahan-dahan naman parang bilis niyo naman." Tumango na man si Ariadna.
"Salamat talaga Mandy kahit papaano naliwanagan na ako." Pagpapasalamat ni Ariadna kay Mandy.
"Your welcome!" Masayang sagot naman nito.
Nagpaalam muna si Mandy na magsi-cr kung kaya na iwang magisa si Ariadna sa kanilang table. Habang inaantay ni Ariadna na bumalik si Mandy sa kanilang puwisto ay inilibot niya muna ang kaniyang paningin sa paligid. Bigla siyang nagulat ng may mahagip siyang dalawang taong naglalakad papasok sa kanilang kinainan. Kilalang-kilala niya ang isa sa mga ito walang iba kundi tanging laman ng kanyang isip at mga panaginip, si Allesio. Pero biglang umiinit ang kaniyang ulo ng makita niya ang kasama nito, isang babaeng nakasuot ng maiksi at hapit-hapit na puting damit ang nakalingkis sa braso ng binata. Masayang- masaya ang mga itong umuorder sa counter, hinalikan naman ng babae sa pisnge ang binata.
Tamang-tama lang ay nakabalik na si Mandysa kanilang puwisto, hinila ni Ariadna si Mandy palabas ng fast-food chain na ikinagulat naman nito. Nasa labas na sila ng magtanong si Mandy. "Huy babae! Bakit bigla ka nalang nanghihila ha?! Kung gusto mong lumabas sabihin mo lang hindi yung halos kaladkarin mo na ako palabas, gusto mo ya ta akong pilayan eh! At ano ba ang problema mo? Yung iniwan kita kanina okay ka pa naman tapos pagbalik ko parang gusto mo ng pumatay at mangain ng tao... May dalaw ka ba bes?" Pabirong tanong ni Mandy, pinandilatan naman siya ni Ariadna.
"Ano ba talaga ang nangyari bakit naginit bigla yang ulo mo?" Takang tanong ulit ni Mandy.
"WALA! PWEDE BA BUMALIK NALANG TAYO!" Iniwan ni Ariadna si Mandy at nagmamadaling nagtungo sa nakaparadang itim na sasakyan ng kaibigan. Agad niyang binuksan ang pinto sa may passenger seat at sumakay. Sinundan naman siya ng kaibigan.
"Ay walang hiyang babae ka, huwag mo akong masigaw-sigawan at matali-talikoran diyan, hindi ako ang nangaway sayo bruha ka!" Pumasok na din si Mandy at umupo sa may driver seat. Hindi paman sila nakakaalis ay nakita nilang lumabas ng fast-food chain sina Allesio at ang kasama nitong babae habang nakapulupot ang isang kamay nito sa beywang ng binata.
YOU ARE READING
Her Shade of Red (On going)
RomanceTanging mga ungol, daing, at langit-ngit ng kama ang tanging maririnig sa buong kuwarto... Nakaramdaman muli ng pamumuo sa kanyang puson si Ariadna, malapit nanaman niyang maabot ang rurok ng kaligayahan... "Malapit na ako!" Sigaw niya. "Hold on fo...