Third Person POV
Tatlong lingo na ang nakakaraan ng sagutin ni Ariadna si Allesio at sa tatlong linggong iyon ay naging mas mabuti ang kanilang pagsasama. Araw-araw na silang sabay pumasok, alam na rin ng buong kompanya ang tungkol sa kanila.
Ibat-ibang mga reaksyon ang natanggap nila mula sa mga empleyado ng kompaya. Karamihan ay masaya para sa kanila at may iba naman na 'di sangayon sa kanilang relasyon, karamihan ay babae.
Ngunit sa araw na iyon ay magisang pumasok si Ariadna ng Revera buiding dahil maagang pumasok si Allesio para sa isang urgent meeting at kinakailangan ang presensya nito roon. Pareho rin silang naging busy nitong nakaraan pero kahit busy man ay naglalaan pa rin sila ng oras sa isat-isa.
Naging routine na ni Ariadna na batiin ang mga katrabaho kapag dadating siya, marami na rin siyang nakikilala bukod kay Mandy.
Hindi na din niya nakikita si Jessie sa kompanya, nabalitaan niyang inassigned na ito sa Cebu kung saan may branch din ang kompanya. Hindi man sinabi sa kanya ang dahilan ng pagpapalipat sa binata ay alam niyang kagagawan ito ng gwapo niyang boyfriend. Pinagseselosan parin kasi ni Allesio si Jessie kahit anong pagpapaliwanag niya rito na magkaibigan lamang sila.
Sa mga araw din ng kanilang pagsasama ay mas nakikilala nila ang isat-isa. Napag-alaman ni Ariadna na napaka-possessive ng nobyo pagdating sa kanya. Ayaw-ayaw nitong may kinakausap siyang ibang lalake bukod sa kanya ngunit hindi naman ito naging problema kay Ariadna katunayan ay kinikilig at gustung-gusto niya ang ipinapakita ng nobyo dahil nararamdaman niyang siya lang ang babaeng gusto nito.
Pumasok na ng elevator si Ariadna binati niya ang mga katrabaho na kasabayan niyang sumakay. Nang huminto ang elevator sa kanyang floor ay agad siyang nagpaalam sa mga katrabaho at lumabas papunta ng kanyang opisina.
Pagbukas niya sa pinto ng kanyang opisina ay nabigla siya sa kanyang nadatnan. Isang grupo ng mga babae ang abalang naghahakot ng kanyang mga gamit palabas ng kanyang opisina, namumukaan niya ang mga ito na pawang mga empleyado ng kompanya.
Halos wala ng laman ang kanyang office wala na rin ang kanyang office table, upuan, at ang iba pang mabibigat niyang kagamitan. "Uhmm... Excuse me miss saan niyo dadalhin ang mga gamit ko? At bakit nawawala ang iba kong mga gamit?" Nagugulan niyang tanong sa isang babae.
"Ay... magandang umaga po Ms. Torres! Inutusan po kasi kami ni sir Revera na ilipat po raw ang mga gamit niyo sa office niya." Sabi nga babae kay Ariadna.
Napapikit nalang siya at napabuntong hininga sa nalaman. "Okay salamat..."Ningitian niya ang ibang mga empleyado ng batiin siya ng mga ito.
"Ako na ang magdadala niyan pupunta naman ako sa office niya."Presenta niya sa isang babaeng may hawak na isang box. "Sige po." Nang maiabot sa kanya ang gamit ay lumabas na siya sa kanyang dating office.
Sumakay siya ng elevator paakyat sa floor ni Allesio kung saan ang office nito. Binati si Ariadna ng isang nakangiting matandang babaeng receptionist ng makita siya nitong lumabas ng elevator.
"Magandang umaga sayo hija. Kamusta kana?" Maligayang bati ni Anitta sa kanya.
"Magandang umaga din sayo Anitta. Okay lang naman ako kumakayod parin. Nandiyan ba si Allesio sa loob?" Tanong niya rito. Alam na ni Anitta ang namamagitan sa kanila ni Allesio.
"Ay oo kakapasok niya lang galing ng meeting." Mabuti talaga ang pakikitungo ni Anitta sa kanya kapag pumupunta siya sa office ni Allesio. "Sige papasok na ako."
"Sige hija." Minsan ay namimiss ni Ariadna ang kanyang ina dahil nakikita niya ang mga katangian nito kay Anitta.
Pumasok na siya sa malaking pintuan ng office ni Allesio. Nakita niyang may ginagawa ito sa computer, lumingon na man ito sa kanyang direksyon ng maramdamn nitong may pumasok.
YOU ARE READING
Her Shade of Red (On going)
RomanceTanging mga ungol, daing, at langit-ngit ng kama ang tanging maririnig sa buong kuwarto... Nakaramdaman muli ng pamumuo sa kanyang puson si Ariadna, malapit nanaman niyang maabot ang rurok ng kaligayahan... "Malapit na ako!" Sigaw niya. "Hold on fo...