Chapter 5

34 1 0
                                    

Marie's P.O.V.

Matapos naming mag practice ay magkakasabay kaming naglakad papunta ng cafeteria. Nung una ay ayaw kong sumama dahil nga baka pagalitan ako ng prof namin dahil wala ako sa klase nya pero ng sinabi ni Dessa na excuse daw kami dahil malapit na ang performance namin sa.ibang school ay sumama na ako.

"Grabe talaga no? Ang galing galing nina Zeke at Marie!!" sabi ng isa naming ka grupo

"Oo nga, kanina nga naiyak din ako at muntik ng mawala sa character ko" sabi naman ng isa

"Kaya nga guys im so glad that Marie decided to join our club. Mas gumaling tayo sa kanila right?" saad ni Dessa

Nakayuko na lang ako habang naglalakad. Nakakahiya kasi, alam nyo yun? Sobrang pula na siguro ng muka ko dahil sa pagiging flattered ko. Hindi naman kasi ako napupuri ng ganito. Walang nakaka appreciate sa akin at sa mga ginagawa ko, ngayon lang. Ngayon lang nagkaroon ng mga tao na nakita ang potential ko.

Mababait din sila, they treat me well, parang pamilya nila ako kung ituring. Nung una nahihiya pa ako kasi baka may attitude din dito tulad ni Nathalie at ng alipores nya pero wala naman. Lahat sila mababait, even Zeke. Nung una inis ako sa kanya sa di malamang dahilan pero nung makilala ko sya dahil sa club na to? Mabait naman pala talaga sya, kaya naman madami ang nagkakagusto sa kanya. Gwapo na mabait pa, matalino. He's almost perfect hahahaha. Sobrang sweet nya din at---

"Ay sweet!!" Nagulat ako ng bigla akong kulbitin ni Zeke

Narinig ko syang tumawa.

"Anong itsura yan Marie? Hahaha"

"Buset ka! Bakit ka kasi nanggugulat ha?"

"kanina pa kasi kita tinatawag pero tulala ka lang dyan" nagpipigil pa din ng tawa ang lalaking to kainis!!

Isa pa yan sa ugali ni Zeke once na makilala mo sya. MAKULIT!! AS IN!! Mapang asar!! Aiiish!!

"ano ba kasi yun?"

"Tinatanong kita kung may sasakyan ka ba pauwi mamaya? Gagabihin tayo sa practice"

"Ha? Meron naman masasakyan mamaya for sure"

"Commute ka?"

"hindi hindi lalakadin ko mula dito hanggang samin, biruin mo ilang bayan din yun tss" sarkastiko kong saad

"sungit! Sumabay ka na sakin"

I look at him,tinaasan ko sya ng kilay

"Dali na Marie, pa thank you ko sayo kasi ikaw ang sumalo nung bola na tatama sakin"

Tumango na lang ako.

Naalala ko na naman. Kanina kasi.......

Flashback

"Zeke at Marie tawag kayo ni Prof. Color sa office nya,regarding daw sa play natin"

"sige dessa pupunta na"

Sabay kaming naglalakad ni Zeke papunta sa office ni Prof. Color. Masyadong agaw attention itong si Zeke kapag kasama jusme! Halos.lahat ng student sa kanya nakatingin.

Edi sya na gwapo!!

Habang naglalakad kami ay napansin ko ang mga kalalakihan na naglalaro ng soccer, grabe ha! Kainitan sila kung maglaro!

Napansin ko na sinipa nung lalaki ang bola papunta sa pwesto ni zeke. Shit!! Baka magka amnesia to!!

"Zeke!!!" bago pa lumingon si Zeke ay humarang na ako sa gilid nya para ako ang tamaan ng bola. Kawawa naman kasi kung sya ang matamaan, anak mayaman baka.magkaamnesia ee, samantala ako sanay na ako matamaan ng bola wahahaha

Elysian Academy 2Where stories live. Discover now