Marie's P.O.V.
"GOOD MORNING SA INYO" bati ko kina nanay,tatay at sa kapatid ko na si Pedro.
"Good morning din anak" bati sakin ni tatay. Oo si tatay lang ang bumati sakin sina nanay at Pedro? Ayun,tuloy lang sa pagkain,para bang di ako nage exist sa mundo nila. Okay lang naman sakin kasi nakasanayan ko na din. Para ngang normal na sakin ang ganitong pamumuhay.
Hindi man kami mayaman at least nakakapag aral kami at nairaraos ang araw araw,nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw at nakapagtapos na din ako ng Senior High School,si Pedro naman ay nasa Kolehiyo na.
Oo mas matanda si Pedro sakin pero ayaw nyang tawagin ko syang "Kuya" kasi sabi nya hindi nya daw ako kapatid. Ilang beses nyang sinabi sa pagmumuka ko iyon,syempre nasasaktan ako sa twing itatakwil nya ako bilang kapatid pero kapag paulit ulit ng nangyayari sayo magiging manhid ka na o di kaya ay masasanay. Magsisinungaling ako kapag sinabi ko na hindi ako nasasaktan sa twing ipagkakaila nya ako,ipapakilala nya akong 'katulong' sa mga tropa nya maging si nanay,sinasabing ampon ako. Noong bata pa ako,naiyak ako lagi sa twing naririnig ko yon,syempre maliit pa ko nun,mahina pa pero ngayon hindi na,nasanay na ako at isa pa malakas na ako ngayon.
Kumain na ako ng almusal at nag ayos para sa pagpasok ko sa aking bagong eskwelahan.
Pangmayaman ang kanilang uniporme sa Foreign Enchanted University o FEU , long sleeve,skirt at long socks na black. Sobrang saya ko nga dahil sa dinami dami ng mga tao na nag apply dito ay isa ako sa mga nakapasa sa kanilang FULL SCHOLARSHIP PROGRAM.
Ang FEU kasi ay para lang talaga sa mayayaman. Oo as in mayayaman,yung tipong college pa lang may sarili ng condo unit,may sarili ng sasakyan,mamahalin ang bag,o ang mga damit,ganun! Pero syempre dahil sa bagong program ng school ay nabigyan kaming mahihirap ng opportunity na makapasok sa eskwelahan na ito. Nagsimula ang FEU SCHOLARSHIP PROGRAM noong nakaraang taon para bigyan ang mahihirap ng pagkakataon para makapasok sa sobrang mamahaling eskwelahan at tulad din ng ibang scholarship program,may ime maintain ka ding grades dito syempre dapat uno lang ang laging grades mo para worthy ka talaga sa scholarship na yan.
Buong college life mo wala kang babayaran,AS IN WALA! Uniform,school supplies,shoes,tuition and miscellaneous fees lahat libre. Tanging ang pamasahe na lamang papunta doon ang babaunin ko kasi kahit ang pagkain sa canteen nila hindi na ako magbabayad.
"Anaaaaak~" Napatingin ako sa pumasok sa aming kwarto ni Pedro,si nanay.
"Bakit po nay?"
"Nak~ Hanap ka ng gwapong mayaman dun ha?"
Napakunot ang noo ko
"Bakit naman po?"
"Gawin mong boyprend tapos ipakilala mo sakin~ Hingi ka na din ng pera mga isang milyon—"
"Nay naman!"
Pumunta sya sa likod ko at humawak sa balikat ko sabay bulong "Anong masama dun nak? Madaming pera yung mga tao dun,barya lang sa kanila ang hihingin mo"
Humarap ako kay nanay at huminga ng malalim "Nay,hindi naman po pagboboyprend ang pinunta ko dun,pagaaral po nay—aaaayy!"
Nagulat ako ng bigla nya akong itulak,muntik na akong matusok ng gunting na nakalagay sa baso ko na ginawang penholder. Buti na lang napatuon agad ako sa edge ng lamesa

YOU ARE READING
Elysian Academy 2
FantasiaA true to lie story By blood or by fate Ano nga ba ang mas matimbang? Ang dugo o ang tadhana? Tadhana nga ba ang magdidikta ng ating bukas? O Tayo mismo ang gumagawa ng tadhana? One blood Two Fate Two person One boy and girl Will they let FATE contr...