Marie's P.O.V.
Maaga akong pumasok sa FEU ngayon para kahit papaano ay maayos ko ang aming classroom. Nakakahiya din naman kasi sa janitor ng school na to, sobrang kalat kasi ng mga kaklase ko, sabagay, mga anak mayaman kasi. Nadatnan ko na naglilinis ng room namin ang janitor kaya naman naisipan ko na tulungan sya, nung una ay ayaw pa nya na magpatulong ngunit nag insists na ako, nagiisa lang sya at may katandaan na din, nakikita ko din ang hirap sa mga mata nya kaya naman kahit sa maliit na bagay na ito ay makatulong ako sa kanya.
Habang naglilinis ay hindi ko maiwasan isipin kung gaano karangya ang aking mga kaklase. Ni hindi nila makita ang hirap at pagod ng isang janitor, ang alam lang nila ay magkalat at ang laging rason nila ay....
Hayaan mo yang mga janitor ang maglinis nan, trabaho nila yun! Hindi naman pwede bayaran sila ng hindi naghihirap no!!
Napailing na lang ako ng maalala ang sinabi ng isa kong classmate. Masyado nilang minamaliit ang ginagawa ng isang janitor. Ano bang akala nila sa janitor? Robot na hindi napapagod? Jusmeeee!
Ilang minuto bago magpasukan ang mga ka klase ko ay natapos na kami. Nagthank you sya sakin at nginitan.
"Ako nga pala si Kris, sige iha maiwan na kita"
"Nice to meet you po aling kris"
Sigaw ko dito.
Naupo ako sa aking upuan at nagbuklat ng notes. Mahirap na baka mamaya may surprise quiz pala.
Lumipas ang mahabang oras at ngayon ay magkakasama kami nina alice at cloe papunta sa cafeteria.
"Oo nga pala Marie,kamusta ka ha?" tanong ni alice
"Anong kamusta? Ayos lang naman ako"
"eh nabalitaan namin na binugbog ka ng tatay mo pagkauwi na pagkauwi mo sa inyo"
Nagulat ako sa sinabi ni Cloe. Paanong nalaman nila iyon?..
SI MARCUS!!!
Sya lang naman ang nakasama ko papunta sa bahay. Ang lalaking iyooooon!!
"Ah hehee wala yun, teka lang ah"
Napakamot ako sa aking ulo. Jusmeeee secret nga yun ee!!. Marcus talaga oh!!!!
Nagpaalam ako sa kanila na may pupuntahan lang!
Nasan ka marcus? Magtutuos tayo!!
Nilibot ko ang buong campus para hanapin si Marcus at mabuti na lang,nakita ko sya sa loob ng basketball court,naglalaro.
Agad naman syang tumakbo sa pwesto ko ng makita nya ako.
"Hi marie! Kamusta? Napadaan ka?"
Pinandilatan ko sya ng mata!! Anong kamusta?? Buset ka!!
"Ikaw talaga ang sadya ko Marcus"
May pilyong ngisi na sumilay sa kanyang labi. Grabe! Ano bang iniisip ng mokong na to?!! Makikipag anems ako sa kanya?!! HELL NO!!! Mandiri sya!
"Ikaw ha" panunudyo nito na may pagtaas pa ng kilay
Hindi ba nya nakikita ang naguusok kong ilong?!! Grrrr!!
"Magusap tayo Marcus! May dapat kang ipaliwanag sakin!!"
Saad ko sabay hila sa kanya papunta sa likod ng court.
"H-hey! Teka lang naman marie. Ano bang paguusapan natin?"
Namewang ako sa harapan nito.
"Ikaw ang nagsabi kina Alice at Cloe ng nangyari sakin sa bahay ano?!"
YOU ARE READING
Elysian Academy 2
FantasíaA true to lie story By blood or by fate Ano nga ba ang mas matimbang? Ang dugo o ang tadhana? Tadhana nga ba ang magdidikta ng ating bukas? O Tayo mismo ang gumagawa ng tadhana? One blood Two Fate Two person One boy and girl Will they let FATE contr...