Chapter 6

32 1 8
                                    

Marie's POV

"GOOD MORNING WORLD!!"

Sigaw ko pagbangon ko. Grabe ang sarap ng tulog ko! Pakiramdam koy isa akong prinsesa na nakahiga sa malambot na kama!!

Nagpagulong gulong pa ako sa aking kama habang nakapikit ang mga mata. Grabe talaga!! Hanggang ngayon ay nananaginip pa ako!

Dali dali akong bumangon ng mapagtanto ko na kailangan ko ng gumising at magluto para sa aking mga amo! Pfft HAHAHAHA amo talaga? Eh kasi naman para kasi talaga akong alila dito,muchacha ganern!

Hindi na ako nag abala na magsuklay ng buhok at dali daling lumabas ng kwarto--

"Aray!!"

Pucha naman oh! Kailan pa nalipat ang pintuan ng kwarto ko? Nauntog tuloy ako at napaupo sa sahig.

Hala? Teka! Bat ang gara ng kwarto ko? Ang lakas ata ng pagkakauntog ko at naghahallucinate pa ako!

Kinusot kusot ko ang aking mga mata at inilibot ang tingin sa paligid.

Hindi pa din nagbabago ang paligid!

Kulay puti ang kulay ng pader. Yung kurtina naman ay kulay light green, may isang malaking cabinet na kulay brown sa may kanan, at sa kaliwa naman ay may isang salamin na may table. Grabe talaga! Pano ba ako napunta sa ganitong lugar?----

"Oo nga pala!" napatampal ako ng noo ng maalala ang nangyari kagabi..

Flashback

Matapos naming aka engkwentro ang nakakatakot na naka cloak ay bigla akong napatingin kay Zeke.

"Mangkukulam ka ba?"

"What? No!"

"Alien ka! Gusto mong sakupin ang mundo namin!"

"Kung gusto kong sakupin ang mundo. Bakit kita iniligtas?" napairap ito

"E-eh kasi hari ka ng mga alien at gusto mo ko maging reyna! Hoy! Sinasabi ko sayo! Kahit gwapo ko di pa din ako papatol sa alien!"

At bigla po syang humagalpak ng tawa! Mababatukan ko ito ee!

"Hoy! Anong nakakatawa ha?!"

"You HAHAHAHAHHAHHA"

Ako pa daw? Ano bang ginawa ko ha?

"Tumigil ka nga sa pagtawa! " naiinis na sambit ko pero wa epek! Tawa pa rin sya ng tawa!

Kainis!! Ano ba kasing tinatawanan nya? May dumi ba ko sa muka haaaaa?! GRRRRRRR!!

"Bahala ka nga dyan! Mautot ka sana!!"

And with that iniwan ko sya dahilan para tawagin nya ang spaceship nya at sumakay doon!-- pero joke lang!

Binatukan ko sya at naglakad na pauwi. Nakakainis kasi! Tumatawa sya tapos di nya shine share sakin, napakadamot!

"h-hoy teka--pfft--" tamo? Tamo? Nagpipigil pa ng tawa?? Abaaaaa! Papakain ko to sa asong lobo e!!

Di ko nga sya pinansin at nagtuloy na sa paglakad. Patay na talaga ako nito! Late na akong umuwi haaaaays!

Nagulat ako ng hawakan nya ko sa braso kaya naman napalayo ako sa kanya na ikinagulat din nya.

Elysian Academy 2Where stories live. Discover now