Chapter 34: Downfall of Liwet

1.6K 95 9
                                    


"Vermillion, are you alright?" Kel asked at tinulongan niya akong makatayo. Napatingin ako sa sariling uniporme ko na punong-puno ng dugo. Napatingin ako sa paligid and saw a lot of dead bodies. Most of them were wearing a cape with Heka's cult symbol pero may iba rin namang kakilala kong mangingisda. Dahan-dahan akong umiling habang iniinda ang sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyari dito sa port. This was once a lively port pero ngayon ay sira na. Even the boats of the residents here are burned down na para bang hindi sila patatakasin. The stalls got destroyed at ang mga isda na paninda ay nakalatag lamang sa sahig.

I don't seem to understand what is happening kasi habang tinititigan ko ang mga patay na tao rito ay parang may isang imahe na kusang lumilitaw sa isip ko- kumbaga parang déjà vu. 

Isang imahe na napakapamilyar at alam kong isa ito sa mga alaala na nawala mula sa akin. Hindi ko makita ang mukha sa mga taong nakahandusay sa harap ko habang hatak-hatak ako ng kapatid ko palabas ng palasyo. Kahit na hindi ko man makita ang mukha, alam kong magulang ko sila. 

"Si tatay," bulong ko at pilit akong bumitaw kay Kel. "Si tatay!" sigaw ko at tumakbo ako papunta sa daan. At dahil masama pa rin ang pakiramdam ko, natumba ulit ako sa sahig na punong-puno ng dugo. Bago pa man ako bumangon, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kapitbahay namin na naghatid sa akin dito sa port nang umalis ako sa Liwet. He laid on the bloody ground, lifeless and pale. 

Halos bumubuo na rin ang luha ko at dali-sali akong tumayo. I can hear Kel and Kraken calling me from behind pero hindi ako lumingon. I just ran towards the road habang tumutulo ang dugo mula sa unipirme ko. Mas nabasag ang puso ko nang makita ako ang palayan at mga halaman sa paligid. They are usually green in color pero ngayon ay may halong pula. Kahit saan ay may nakikita akong tao na walang buhay kaya hindi ako alam kung saan pa ako titingin. Ang tanging hiling ko lang ay sana kahit si tatay lang, kahit siya lang.

I have no one else.

He's all I've got.

I can't lose him.


Halos hinihingal na rin ako sa pagtakbo kaya napatigil muna ako. Muntik pa akong matumba pero agad naman nahawakan ni Kel yung kamay ko.

"Kraken is sensing something in the ocean and he told me to look out for you," he said. Tumayo ako ng maayos at nagsimulang tumakbo ulit pero pinigilan niya ako. "Vermillion! Stop," he added. Napatingin ako sa kaniya and I can see how worried he is.

"Hindi pwede mawala ang tatay ko," iyon lang ang nasabi ko.

"I get it. Calm down," he replied. "Cairo and the others are on their way there. Just please calm down for a minute. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pinagdaanan mo pero please just-" putol niya at napabuntong hininga siya habang napatingin sa paligid na may bakas pa ring dugo. Even the clear waters that flows from the mountains towards plains and are now red.

"You think," I mumbled. "You think umabot sila Cairo?" I asked at hindi siya sumagot. 

"I-I ... I don't know," sagot niya. "But as long as they are there, everything will be alright," he assured. 

"I need to see it for myself," I said. He took a deep breath at tumango siya.


The GrimoireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon