Chapter 1

7.5K 204 6
                                    

                          Hindi maiwasang hindi mapangiti ni Zane habang nakatingin sa Alpha King at Luna Queen na nasa hardin at kinakausap ng Luna Queen ang mga batang lobo.

"She's really a Luna Queen."

Napalingon siya sa kanyang kapatid na si Zion. Tulad niya ay nakamasid din ito kay Zeus at Maxine. He smiled.

"Thanks to her. Nabuhay si Zeus." Aniya.

Tumango si Zion at biglang may pumulupot sa kanilang mga ugat. Iisa lang pumasok na pwedeng gumawa nito sa kanila.

"Zeke!" Sabay nilang sabi ni Zion.

"Zeus!" Tawag niya sa kanyang kapatid.

Sabay na lumingon ang mag-asawa.

"Zeus, help us." Aniya at tinignan ng masama si Zeke na tatawa tawang lumapit sa kanila. Ganito ang lagi nitong ginagawa sa kanilang tatlo. Mabuti si Zeus at kaya nitong sunugin ang ugat ni Zeke. E sila ni Zion,tubig ang kaya niyang kontrolin at si Zion naman ay hangin pero hindi naman nito nagagamit basta basta ang kapangyarihan nito sa hangin kung may nakapulupot ditong ugat.

"Zeke, pakawalan mo kami dito." Seryosong sabi ni Zion. Ito talaga ang nagmana sa ugali ni Zues.

Ngumisi lang si Zeke.

Doon naman lumapit sa kanila si Zeus kasama si Maxine na malaki na ang tiyan. Ilang buwan na lang ay manganganak na ito.

"Zeke, pakawalan mo na sila." Zeus said using his Alpha tone.

Nginisihan niya si Zeke walang nagawa kung hindi ang pakawalan sila ni Zion.

"Kayo talaga..." Naiiling na sabi ni Maxine. Nagpaalam ito na papasok na sa loob ng palasyo at agad naman na sinamahan ni Zeus.

"Kayong tatlo, huwag kayong magpatayan." Bilin ni Zeus.

"Yes, Alpha King." Sagot nilang tatlo at nagkatinginan.

Nang mawala si Zeus ay binatukan ni Zion si Zeke.

"Ouch! Bakit?" Hinimas nito ang parte ng ulo na binatukan ni Zion.

"Pwedeng huwag mong gamitin sa amin ang kakayahan mo." Umirap sa hangin si Zion at tinalikuran silang dalawa.

Nagkatinginan sila ni Zeke at sabay na napangisi.

Nang muntikan ng matisod si Zion dahil sa batong nasa harapan nito na hindi nito agad napansin. Sino pa nga ba ang may kasalanan kung hindi ang katabi niya.

Lumingon sa kanila ang kapatid.  Agad  niyang itinuro si Zeke.

"Opps! Sorry." Sabi nito.

"Zeke!" Biglang nawala si Zion. Mukhang ginamit nito ang kakayahan sa hangin na maging invisible.

Nagkatinginan silang dalawa ni Zeke. Nagkibit ito ng balikat. Nang biglang humagis ng ilang metro si Zeke. Hindi niya talaga mapigilang hindi matawa dahil sa ginawa ni Zion.

Lumitaw si Zion sa tabi niya.

Bigla silang sinugod ni Zeke. Agad naman silang tumakbo palayo ni Zion. Tawa siya ng tawa dahil si Zion talaga ng hinahabol ni Zeke.

Prince Zane's Mate (Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon